CHAPTER 32

70.1K 1.1K 59
                                    

"San ka galing?" Bungad na tanong agad sakin ni Dek pagkapasok ko sa aming Condo.

"May pinuntahan lang" ani ko sa kanya at yinakap sya

"Bakit di ka nag paalam? Di sana sinamahan kita" sambit nya na may tonong pagtatampo.

"Sorry na, muka kasing masarap ang tulog mo kanina kaya di na ako nag abala pang gisingin ka" natatawa kong paliwanag sa kanya. Kumamot sya sa batok nya bago tumingin sakin ng nangingisi.

"Lunch is ready" aniya at nauna na sa hapag kainan na agadan ko din naman sinundan. Ipinagisod nya ako ng upuan at tsaka kami nagsimulang kumain.

Wala pa sa kalagitnaan ng aming pagkain ng biglang tumunog ang doorbell ng Condo namin.

"Ako na" pag presinta nya. Tinanguan ko nalang sya at nagpatuloy na sa pagkain.

"Piya" masayang bati nya sa kapapasok lang na si Piya.

Halos takbuhin ko na ang pagpunta sa kinatatayuan nila upang di mabanggit ni Piya ang tungkol sa kanina.

"Pi-piya anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong sambit sa kanya.

"Napadaan lang kami bigla ka kasing nawala kanina" sambit nya na nakapagpalingon kay Dek ng mabilis sakin pagkatapos ay kay Piya.

"Nakasalubong ko sila kanina" kabado kong sambit sa kanya. Tumango naman sya at pumunta na sa hapag kainan.

Maya maya pa ay pumasok na sina Josh at Jake.

"Danica totoo ba na mag kakaanak ka ng tatlo kay Kuya Jerome?" Mahina at pabulong na bungad sakin ni Jake.

Tumingin ako kay Josh na agad namang tinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko..

"Nakausap namin kanina yung Doktor na tumingin sayo" singit ni Piya

"Magiging Tito na ulit ako" natatawang saad ni Jake na siningkitan ko lang ng mata.

"Mag bubulungan nalang ba kayo jan? Nag iintay yung pagkain dito oh" napapitlag ako ng marinig ko ang boses ni Dek

Tumakbo papunta sa kainan si jake habang si Piya ay iiling iling sakin at lumapit ng bahagya bago bumulong.

"Marupok" natatawa nyang saad at nilampasan na ako.

"Don't worry kaya mo yan!" Singit ni Josh na sumunod na din kay Piya.

Habang kumakain kami ay napansin ko ang bawat sulyap sakin ni dek na sa palagay ko ay nagtataka sya sa kinikilos ko kaya mas minabuti ko na maging normal ang bawat kilos ko.

Tapos na akong kumain at tumayo na ako upang ilagay sa lababo ang pinagkainan ko ng biglang umikot ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang pangupo ko na nasa sahig na.

Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa kisame ng ospital! Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Dek na nakasandal sa dingding at mapupungay ang mga mata habang nakayuko.

"Gising ka na pala" nagulat ako ng magsalita si piya na katabi ko lang pala.

Napatingin ulit ako sa gawi ni Dek dahil gumalaw ako, Buong akala ko ay pupunta sya sakin ngunit nagkamali ako mabilis nyang nilisan ang silid ko ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Alam na nya" ani Jake na lumapit samin ni Piya.

Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto, mula doon ay nakita ko ang humahangos na si Jerome.

"Danica are you ok?" Agad nyang tanong ng makalapit sya sakin.

Tumayo na ako ng tuluyan upanv sundan si Benedict.

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon