Pagkalipas ng siyam na buwan na pagdadalang tao ko ay nagsilang ako ng tatlong sanggol na malulusog. Dalawang lalaki at isang babae ang triplet ko. Hawig na hawig ng ama ang dalawang lalaki at ang babae naman ay medyo hawig sakin.
Ang name ng girl ko ay Janica tapos ang dalawa kong lalaki ay sina Naji at Niro na hango lahat sa pinagsama naming pangalan ni Jerome.
Sa ngayon ay bumukod kami ng tirahan sapagkat ang pamilya ni Jake ay lumalaki na din samantala si Josh naman ay nangibang bansa upang ipagpatuloy ang namahingang negosyo nina don at donya na ngayon ay namayapa na.
Kasalukuyang nasa balconahe ako na katapat lamang ng isang dalampasigan na malapit sa tinitirikan ng mansyon namin habang minamasid si Jerome na buhat buhat ang isa sa mga kambal ko na si Niro habang sina Janica at Naji ay natutulog sa kanilang kuna.
Pumasok ako sa loob upang tingnan ang dalawa na ngayon ay nahihimbing pa din sa pagkakatulog.
Pumunta ako sa kusina upang ipaghanda ng makakain si Jerome ng bigla itong pumasok na nagmamadali.
"My nandito sina Benedict" humahangos nyang balita sakin.
Masaya kong sinalubong si Benedict na buhat buhat si baby Jam habang si Jane naman ay karga ang isa pa nilang anak na babae din. Ikinasal sila sa Canada nung umalis si Dek at doon sila namamalagi. Masaya ako para sa kanila, Masaya ako dahil nabuo ulit ang pamilyang matagal nang inaasam asam ni Dek.
"Kamusta mga inaanak ko?" Sigaw na bati ni Benedict.
"Tulog yung dalawa sa taas, maupo muna kayo at kumain" anyaya ko sa kanila at iginiya sila papasok sa sala.
Sinenyasan ako ni Jerome na aakyat muna upang ilagay si Niro sa kuna habang tulog pa ito.
Dumiretso ako sa kusina upang kumuha ng makakain nina Benedict habang nagkwekwento samin ng buhay sa Canada.
Wala kaming katulong dahil gusto ko na lumaki ang mga anak ko na sanay sa gawaing bahay...
Bumalik ako sa sala na dala ang isang pitsel na lemon juice at ilang pirasong cake na nasa ref namin..
"Laki na din ng bahay nyo ah" rinig kong sabi ni dek kay Jerome na kaharap nya habang titingin tingin sa kisame.
"Ang ganda ng napili nyong tayuan ng bahay, maaliwalas at maganda ang tanawin" sabat ni jane na tumayo pa ng makita ako para tulungan sa dala ko.
"Kamusta naman ang buhay nyo sa Canada?" Pasimula ko sa kanila.
"Ayos naman nakapag bundar nadin kami ng bahay" sagot ni Dek na tumayo upang abutin ang dala kong lemon juice.
Masaya kaming nag kwekwentuhan habang ang mga anak nila ay nasa master bedroom dahil nakatulog sa haba ng byahe nila.
Umabot kami ng gabi sa pag kwekwentuhan at nagpasya na kaming matulog...
Umakyat muna kami ni Jerome sa kwarto ng tatlo upang icheck at palitan ng diaper habang sina Dek ay dumiretso na sa Master bedroom.
Pagkatapos naming linisan ang tatlo ay nagtimpla kami ng mga gatas para sa kanila.
Nagpasya na din kami ni jerome na dito muna mamalagi sa kwarto ng tatlo habang sila ay mga bata pa....
Habang inaayos ko ang kuna ni Janica ay yinapos ako ni Jerome galing sa likuran ko.
"Baby imissthis" bulong nya habang hinahalik halikan ang leeg ko....
Hanggang sa bumaba na ang mga kamay nya sa aking malulusog na dibdib dahil sa aking pagiging ina.
Napapaungol ako sa bawat kagat nya sa aking leeg. Tumaas ang halik nya hanggang sa aking labi at nanatili na ito. Palalim na ng palalim ang halikan namin ng biglang umiyak ang isa sa mga kambal.
Agad na pabitaw sa pagkakahalik si Jerome at agad din binuhat si Naji, mahirap na kasi kapag nagising sabay sabay....
Hinili nya ito ng dahan dahan habang natatawa akong tinitingnan.
"May araw ka din sakin" natatawa nyang saad.
Naiiling nalang ako sa kanya sabay higa sa kama na katabi lang ng kuna ni Janica.
Hindi ko lubusang maisip na ang isang katulad ko na ulila at dukha ay may mag mamahal ng tunay. Hindi ko akalain na ang isang hamak na katulong ay magiging asawa ng isang mayaman na amo... At hindi ko din akalain na mapupunta ako dito sa kinatatayuan ko ngayon kung saan punong puno ng pagmamahal ng isang JEROME WILSON.
Sa dami na naming napagdaanan na sitwasyon at pagsubok ni Jerome ay naniniwala ako na ngayon ay di na kami masisira lalo na ngayon at kasal na kami at may mga anak na....
Alam kong matibay na ang relasyon namin ni Jerome na lalo pang pinagpatibay ng tatlo naming mga anak na papalakihin namin sa pagmamahal at maayos na pag uugali.
Sa dinami dami na ng nangyari sa buhay ko ay wala nang mas sasaya pa na makitang masaya ang mag aama ko sa piling ko....
Pitong taon na ang lumipas at ngayon ay malalaki na ang mga kambal ko... At sa ngayon ay nasa unang baitang na sila.
"Mame i want this" ani Janica habang tinuturo ang isang teddy bear na nasa kabilang kalsada lang.
Tuwing linggo ay lumalabas kami upang mamasyal at mag picnic... Lumaki ang mga kambal sa masaya at tahimik na pamilya kaya nasisiguro ko na ganun din ang mangyayari sa kanilang mga pamilya...
"Mee too Mame" ani Niro at hinila hila pa ang damit ko.
Mag kasundo si Niro at Janica dahil si Naji ay sa kanyang Dade lang lagi gustong sumama. Maka ina si Janica at Niro habang si Naji naman ay maka ama.
Nakuha nya ang ugali ni Jerome na mainitin ang ulo at tahimik pero super caring nya kay Janica...
Si Niro naman ay nakuha ang ugali ko na pagiging masiyahin at pagiging matiisin.
Habang si Janica ay mix na ugali namin ni Jerome.
"Naji? Gusto mo din ba?" Tanong ko sa kanya habang buhat buhat sya ng kanyang ama.
Tanging iling lang ang sinagot nito sakin.
Pumunta kami sa toy store at binili ang napiling laruan nina Janica at Niro habang si jerome ang pumili ng kay Naji.
Bata palang si Naji pero napaka seryoso nya sa lahat ng bata. Yung tipong matured na agad syang mag isip....
Naupo kami sa nilatag na blanket ni Jerome sa damuhan at masayang kinain ang mga pagkain dala namin.....
____________________________________________________________________________________________________________
Thanks po sa support sa First Story ko❤ iloveyouuuu allllll
BINABASA MO ANG
Maid Of Wilson Brother's (Complete)
RomantikSi Danica Ramirez ay ulila nang lubos kaya naman napag pasyahan nya na magtrabaho sa dating amo ng kanyang ina bago ito namayapa... At sa mga Wilson iyon, Ano kaya ang dala ng Wilson Brothers sa buhay nya? Ano kaya ang patutunguhan kung lahat sila...