Kasalukuyan akong nasa aking silid habang nakahiga at nangungulila sa pagkawala ng aking anak.! Nakalabas na ako sa Ospital at pamula ng araw na yun ay hindi ko na nakita man lang si Jerome at wala na din akong nabalitaan sa kanya pero mas mabuti na din yun para hindi sya makadagdag sa mga nangyayari sakin ngayon.
"Danica" tawag ni Dek pagpasok saking silid.
Walang sagot syang natanggap sakin, naramdaman ko ang paglubog ng kama hudyat na umupo sya. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko kita kung anong ginagaw nya.
"Mag mumuni muni ka lang ba dito? Hindi makakatulong yan sayo kung lagi kang stress" Tugon nya at inayos ang aking buhok na nakadikit sa aking mukha dahil nabasa na ng pawis at luha.
"Aalis kami ni Baby Jam sasama ka ba?" Pagtatanong nya
Nanatili akong tulala at walang kibo habang patuloy pa din ang pagdanak ng aking mga luha sa pisngi.
"Mi s-a-m-a k-a" nahihirapang bigkas ni Jam sakin na dahilan upang mapagawi ang tingin ko sa kanya.
Agad akong tumayo at yinakap sya habang hinahaplos haplos ang kanyang mga buhok.
"Anak patawadin mo si Mama" nasabi ko sa kanya habang hinahalik halikan ang kanyang buhok.
"Nica" nanginginig na tawag ni Dek nilingon ko sya ng may ngiti sa labi at napawi agad ito ng makitang umiiyak sya.
"Dek ! Buhay ang anak ko" at pinahidan ang luha nya sabay buhat kay Baby Jam.
"Anak patawadin mo si mama" ulit kong sabi sa kanya habang buhat buhat at tanging matatamis na ngiti lang ang natatanggap ko sa kanya.
"T-i-t-o" pilit na bigkas ni Jam kaya napatingin ako sa taong sinabihan nya nito.
"Nica may dala kami ni Kuya Jake na Prutas para sayo" halata ang pag dadalawang isip nya na kausapin ako.
"Josh! Hawakan mo ang anak namin ng Kuya mo" at masaya akong lumapit sa kanya at inaaro si Baby Jam sa kanya.
Nagtataka sya sa aking reaksyon at nag aalangan nyang kinuha sakin ang bata.
"Ni-Nicaaa" nanginginig nyang tawag sa aking pangalan.
"Nica hindi sya ang anak mo! Wala na ang anak mo! Tanggapin mo na yun!" Rinig kong sabi sakin ni Benedict at bahagya akong yinakap.
Napatingin ako kina Jake at Josh na mababakas ang awa sa kanilang mga mata.. Dun ko lang napagtanto na ang tinutukoy kong anak ay ang anak ni Benedict. Napapikit ako ng mariin at tsaka binuhos ulit ang mga luha ko.
"Shh! Stop Crying Please" pakiusap ni Benedict sakin.
"Wala akong nagawa para sa kanya Benedict! Wala akong kwentang ina. Pinabayaan ko syang mawala!" At dahan dahan akong naupo sa sahig habang hinilamos ang mga palad ko sa aking mata.
"Makakaya mo lahat Danica! Nandito lang ako! Hinding Hindi kita iiwan" pag aalo nya sakin.
Halos magunaw na ang mundo ko ngayon! Ayaw ko man isipin na wala na ang anak ko! Ang dapat na magpapatatag sa relasyon namin ni Jerome! Kaso hindi ko magawa dahil paulit ulit yung sakit! Paulit ulit yung lungkot. Wala na bang katapusan ito.! Ni hindi ko man lang nalaman kung babae o lalaki ang anak ko.! Napakasakit para sakin ang hindi ko nagampanan ang pagiging isang ina ko.....
"Danica kailangan mo nang pahinga! Kailangan mong ipahinga ang utak mo." bilin sakin ng Doktor. Nahimatay ako kanina habang nasa dibdib ni dek dahil sa sama ng loob ko sa sarili ko at kay Jerome.
BINABASA MO ANG
Maid Of Wilson Brother's (Complete)
RomanceSi Danica Ramirez ay ulila nang lubos kaya naman napag pasyahan nya na magtrabaho sa dating amo ng kanyang ina bago ito namayapa... At sa mga Wilson iyon, Ano kaya ang dala ng Wilson Brothers sa buhay nya? Ano kaya ang patutunguhan kung lahat sila...