THE HEARTHROB

72 4 0
                                    

"THE HEARTHROB"
by: Alex Asc

Nakaupo lang si Necole sa waiting shed ng harapan ng kanilang eskwelahan. Pauwi na siya nang hapong ito at kasalukuyang naghihintay ng bus. Nang dumating at umupo sa kaniyang tabi ang hearthrob ng cchool nila na si Troy.

Medyo nahiya naman siya, dahil guwapo ito at hindi niya ibinabagay ang kaniyang sarili sa lalaking ito. Simple lang siyang dalaga, walang arte sa katawan, may malaking eye glass sa mata at laging may dalang libro.

Umurong siya ng kaunti, ngunit umuurong din ang lalaki patungo sa kaniya.

Hanggang sa mahinto siya sa dulo pero sige pa rin si Troy sa paglapit kaya't napilitan na lamang si Necole na tumayo. Ayaw na niyang magsalita dahil hindi ganoon kalakas ang loob niya upang magalit sa tao. Isa pa, ang lalaking katulad ni Troy na pinagkakaguluhan ng mga babae ay suwerte ng lumapit sa kaniya na hindi naman kagandahan.

Tumayo si Necole upang makaiwas sa patuloy na paglapit ng binata, 'pag nagkataon magkakadikit pa sila sa ginagawa nito.

Naramdaman ni Necole ang pagtayo ng lalaki at pagbulong nito sa kaniya.

"Iiwasan mo lang ba ako lagi?" Nanunukso niyang tinig. Pinagpapawisan na ang dalaga at namumula na, lalo't nararamdaman niya ang braso ni Troy sa kaniyang likuran.

"A, sorry... kailangan ko ng umalis," pamamaalam niya nang huminto ang bus sa harapan nila.

Napasandal si Necole sa bus at dumungaw pa sa bintana bago makalayo. Kumakaway sa kaniya si Troy. Hindi malaman ni Necole kung pinaglalaruan lang ba siya ng lalaking tinaguriang hearthrob ng school nila. Siguro, oo at sa katulad niyang hindi sanay sa pag-ibig na iyan dapat lang siyang umiwas upang hindi masaktan. Ngunit hindi niya maililihim... Napapangiti siya.

Pagkatapos ng weekend at pamamahinga ni Necole ay balik Manila ulit siya para sa eskuwelahan. Natanaw na naman niya si Troy sa loob pa lamang ng paaralan.

Nakangiti itong wari'y sinasalubong ang mahiyaing dalaga.

Iniyuko ni Necole ang ulo at tumungo sa ibang dako, dahil alam niyang kukulitin na naman siya ni Troy. Kung maaari lang sana ay iwasan niya na lang ito lagi, dahil alam niyang may mga nai-insecure sa paligid.

Hinabol siya ni Troy at hinawakan sa balikat dahilan upang malaglag ang kaniyang mga libro.

"Sorry...." hinging paumanhin ng binata at halos magkasabay silang yumuko para pulutin ang mga nalaglag na libro. Nagkauntugan pa ang kanilang mga noo.

"Aray!" Halos magkasabay nilang sabi. At sinundan ng pagtawa.

"Ikaw kasi, lagi mo akong iniiwasan," wika ng binata habang pinupulot ng dalaga ang mga libro. Hindi na rin makasagot ang dalaga. Hinawakan ni Troy ang kamay ni Necole at nahinto naman sa pagpulot ng kaniyang nga libro at papel. Itinaas ni Troy ang kamay sa malaking eye glass ng dalaga at tinanggal.

"Maganda ka pala..." Habang malapitan silang nakaupo.

"Sorry rin pala kung hindi kita pinapansin..." depensa ni Necole. Inilahad ni Troy ang palad at inabot naman ni Necole.

Ang totoo naman kasi, alam niyang lahat ng lumalapit na babae sa binata ay sinasaktan ng tatlong bruha sa kanilang school. Ang tatlong maldeta na si Hazel, Loisah at Catheryn. At ilang beses na rin siyang na-warning-an dahil nakikita nilang laging nilalapitan ni Troy si Necole. Ex ni Hazel si Troy at hindi pa rin nakaka-move-on ang dalaga. Ito ang mga information na nalaman ni Necole. Nitong taon lang na ito pumasok si Necole, kung kaya't wala siyang masyadong alam sa mga past nila.

Breaktime na ngayon at tumungo siya sa may canteen. Nadatnan niya roon ang grupo ng mga maldetang kumakain sa may table. Sila 'yong laging nang-aapi sa kaniya simula pa nang pumasok siya sa paaralang ito.

THE HEARTHROB SERIESWhere stories live. Discover now