THE FIGHTER

23 2 0
                                    

"THE FIGHTER"
by Alex Asc

Maaliwalas ang umaga at malinis ang kapaligiran sa unibersidad ng Sto. Agatha.

Pasukan na naman nang Lunes na ito. Habang makikita ang mga estudyante na tumutungo sa kani-kanilang classroom.

Samantalang nakatayo na sa gate ng naturang unibersidad ang napakagandang binibini na si Daisy.

Matangkad, maganda ang hubog ng katawan, matangos ang ilong, makapal ang labi, makinis ang balat at maputi. 'Yan si Daisy, tinaguriang beauty queen ng unibersidad na ito at kasalukuyang girlfriend ni Necholas.

Nasa kaniya ang mata ng bawat kalalakihan. Sa lakad pa lamang niya, wari'y dinadala na sa langit ang mga kalalakihan. Punong-puno ng inggit naman ang namamayagpag sa damdamin ng tatlong kontrabida. Kahit ganito kaganda si Daisy, naaapi pa rin siya, dahil mahina siya't hindi marunong lumaban.

Nakahiga na sa sariling kama si Necholas nang gabing ito nang may kumakatok ng malakas sa kaniyang pintuan.

Kinakalampag iyon ng taong parang nagwawala.

Tumayo si Necholas ng matamlay at wari'y wala sa sariling katinuan.

Binuksan niya ang pintuan at tumambad sa kaniya si Yohan.

Blangko ang ekspresyon sa mukha ni Necholas samantalang si Yohan ay umuusok na sa matinding galit.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya na nagpabagsak kay Necholas.

"Tarantado ka! Bakit mo ginawa iyon!" At umibabaw si Yohan sa nakahigang si Necholas. Hinatak ang kuwelyo nito.

"Necholas! Isa kang hudas! wala kang kuwentang kaibigan!" Pero hindi sumasagot si Necholas na nakatitig lamang sa kawalan.

Muli, binanatan ni Yohan ng suntok sa magkakabilang pisngi.

Nang mapagod ay saka lamang tumigil si Yohan. Tumayo't naupo sa tabi ng pintuan.

Tumayo rin si Necholas at pabagsak sa kaniyang kama.

"Ano ang dahilan mo?" malumanay na tanong ni Yohan.

"Kung hindi ko ginawa iyon, malamang ay wala na si Daisy. Wala na ako, at wala ka na rin!" tugon ni Necholas.

"Sinungaling!!!" malakas na sigaw ni Yohan.

"Ang sabihin mo, makasarili ka lang talaga. Kung hindi dahil sa kagaguhan mo, hindi natin mapapasok ang samahang ito!" pagpapatuloy ni Yohan.

Tumayo si Yohan at lumabas ng apartment ni Necholas.

Nakatanggap kasi si Yohan ng video kung saan sinasaksak ni Necholas si Troy kung kaya't ganoon na lamang ang matinding galit niya kay Necholas.

Nakatitig pa rin ng wala sa sarili si Necholas. Lagi niyang naaalala ang kamatayan ng dalawa niyang matalik na kaibigan. Hindi niya lubos akalain na sa ganoong lagim magtatapos ang kanilang buhay. Ang masama pa ay siya ang pumatay sa sarili niyang kaibigan na itinuturing niyang kapatid. Ang tumatayong kuya at leader sa pagkakaibigan nilang apat, si Troy.

Ito si Necholas, ang basagulero at mainitin ang ulo sa kanilang apat na magkakaibigan. Siya ang pinakalapitin ng gulo. Matangkad siya't matipuno. Siya rin ang pinakamatapang sa kanila. Ngunit ngayon, lagapak siyang lumuluha sa tinamo ng kaniyang mga kaibigan.

"Kapalit ng buhay ni Adrian, ni Yohan, Daisy at buhay mo, ang buhay ni Troy. Bibigyan kita ng isang gabi upang maisagawa mo ang task!" Ito ang utos ni Don Hermon kay Necholas nang iharap ng mga tauhan ni Don Hermon si Necholas sa donyo. Tanging si Necholas lamang ang nakakaharap kay Don Hermon mula sa kanilang apat. Si Necholas ang unang nakaalam sa laro at siya ang nag-recruit sa tatlo pang kaibigan.

THE HEARTHROB SERIESWhere stories live. Discover now