1

17 3 0
                                    

"Pa naman!! Bat sa ibang company pa!! Meron naman tayong sariling Corporation ahhh. Dun nalang ako sa atin!!" Reklamo ko sa tatay ko. Gusto nila akong magtrabaho sa ibang company!! Meron naman kaming sariling Company ah!!! Tsk.

"Baby, your Tita Shaniah requested this. Gusto nya na dun ka nalang kumuha ng experience sa kompanya nila." Paliwanag ng Mama ko.

Napairap ako.
"Ma naman! Medical field kurso ko. Anong experience sinasabi ni tita? Anong connect ng pagiging secretary sa pagiging Doctor? Naman ehh!! I want to be a Doctor not an office worker!" Reklamo ko pa rin, konti nalang magdadabog na ako rito.

Tinignan ko ang Kuya kong tatawa tawa sa sulok. Pinanlakihan ko sya ng mata dahilan para matigil sya sa pagtawa.

"Don't worry our daughter. Kaibigan naman ng Kuya mo ang mga Jeon e. Saka best friend ng Mama mo si Shaniah kaya walang problema run. Please." Mahinhin na pakiusap ni Papa. Tsk! Pag ganyan na sya makipag-usap di ko na sya matanggihan eh.

"Okay. Whatever." I said and just rolled my eyes.

Our mom clapped like it was the best decision I've made in my whole damn life.

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko nang akbayan ako ng Kuya ko.
"Wag kang mag-alala. Pogi ang mga kaibigan ko, you know them, right? And you'll see me there everyday."

Napataas kilay ko. Why should I see him there everyday?
"Para araw araw kang makakita ng gwapo." Dugtong nya.

Inapakan ko paa nya saka tumakbo ako papasok ng kwarto ko. Dinig na dinig ko ang pagtawa nyang parang naglilinis ng bintana.

"BUKAS NA FIRST MO XY! MATULOG KA NG MAAGA. SEE YOU THERE!!" sigaw ng Kuya kong epal.

-------

Nakatingin ang mga tao sa akin habang naglalakad ako sa Jeon Corporation.... ah sa amin rather.

FEELING poging pogi kasi tong katabi kong naglalakad. Ako na yung nahihiya para sa kanya. Gusto ko syang patidin para maputol ka-epalan nya rito.

Kaso naririnig ko na pinagbubulungan sya.

Ang pogi raw nya talaga.
Nakakakilig raw makita sya.
Sino raw ako? Girlfriend daw ba nya ako?
Di raw kami bagay.

OMG!! KUNG DI KO MAN KAPATID ANG ISANG TO HINDING HINDI AKO MAGKAKAGUSTO RITO, DI AKO BULAG!

"Ang pogi ko no? Ang swerte mo na kasabay mong naglalakad ang 'WORLDWIDE HANDSOME' na tulad ko." Bulong nya sa akin bago kami pumasok sa office ng "boss" ko raw.

"Yo!" Bati nila sa isa't isa saka sila nagyakapan.

"Yo Xy." Casual na bati sa akin ni Steven Wade Jeon. Tinanguan ko lang sya.

Sya ang bestfriend ng Kuya kong baliw.
Matangkad, maganda ang build ng katawan, maputi, bilugang mata, matangos na ilong, magagandang kurba ng labi at pinkish ito, pantay na ngipin, at kahit hindi kayo magkalapit makikita kong makinis talaga sya. Kasing kinis ni Kuya Jin, saksakan kasi yan ng arte sa katawan. Sabi nga nya, "worldwide handsome" daw sya. Sabi nya lang.

"You know her right? My only sister." Sabi ng Kuya ko kay Steven, tumango tango naman ito.

"Hi! I'm Xyrhea Claire Buenavista. Your new secretary." Casual na pakilala ko sa kanya Saka ko inabot sa kanya ang kamay ko.

Tinanggap nya naman pakikipagkamay ko.
"Steven Wade Jeon and I'm your boss." Pakilala nya saka nya ako nginitian..

Nakaupo lang ako sa harap nila habang naghihintay na matapos ang pag-uusap nila. Napakadaldal talaga ni Kuya Jin!! Di matapos tapos pakikipagkwentuhan. Bat di nalang sya ang naging secretary nyang si Steven? Psh -_-

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon