Chapter 7: Allergies

75 9 6
                                    

UNEDITEEEDD!!

••••••••••••••

Chaira's PoV

Nakita naman namin na nakaupo na si Alyssa kasama pala si Franzce sa kusina. Di ko alam pero parang may iba akong feeling na parang may nangyare dito.. Parang kakagaling lang sa iyak si Alyssa at ito namang si Franzce ay parang may guilt sa mga mata niya. Eh? Ano bang nangyari dito? Napatingin ako sa table at halos maglaway na ako sa mga nakahain..

"Hmmm ang bango" sabi ni Kryshelle

"Sino nagluto?" tanong ko naman habang nakatingin sa mga pagkain

"Yung bagong chef" sagot naman ni Ryan habang nakatingin kay Arriane.. Ehem ehem anong nangyayare?

"Let's eat" sabi ni Alyssa kaya nagsiupuan na kami sa upuan namin. Kumasya naman kami sa table na mahaba e kaya gora lang...

Nagpray muna kami bago kumain... Nang kukuha nako ay nagtaka ako kung bakit puro sabaw ang nakikita ko may nakikita rin ako na gulay pero konti lang. Sabaw muna ang kinuha ko at ganun rin ang ginawa ng iba...

"Hmmm ansaraaaappp!" sabay na sabi namin ni Kryshelle kaya natawa nalang ang nga kasama namin.. Susubo palang sana ako sa panglimang beses ay nagulat nalang ako ng bigla nalang tumayo si Alyssa at tinabig ang mga kamay namin ni Kryshelle kaya nabitawan namin ang nga kutsara namin at may tumalsik pa na sabaw sa damit namin at mga katabi namin..

"Gaasshh Alyssa anong nangyayare sayo?!" tanong naman ni Kryshelle sakanya.. Bigla nalang nagkamot ng pisngi si Kryshelle sa di ko malamang dahilan. Pati si Justine at Arriane nagkakamot ng leeg. Ako naman e nagkamot sa braso ko kasi parang may kumakagat na langgam, ang katiiiii!!

"Sh*t sh*t sh*t dalhin niyo sila sa hospital!!" pasigaw na utos ni Alyssa sa mga bodyguards namin

"Bakit? Anong nangyayare?" natatarantang tanong nila.. Nagulat nalang ako ng mapaupo na si Arriane sa upuan niya kaya agad siyang pinuntahan ni Ryan.. Pati narin kami nina Kryshelle at Justine ay napaupo.. Lumapit naman sina Francis, ate Zekiah at kuya Jacob sakin at pinapakalma ako habang si Alyssa ay natataranta at parang di alam ang gagawin.. Kinakati parin ako at parang kinakapos ako ng hininga...

Alyssa's PoV

Hayst! Anong gagawin ko?! Natataranta ako dito!

"Hoy babae ano bang nangyayare sakanila?!" tanong sakin ni epal. Aba! Sinisigawan ako neto?! Kung di lang ganito ang sitwasyon ay nasapak ko na siya.. Tapos kala niya pinatawad ko na siya sa mga sinabi niya kanina? Aba magdusa siya kalamo naman kung sino...

Di ko siya pinansin at tumakbo sa taas ng bahay. Pumasok ako sa kwarto namin at kinuha ang mga gamot at inhaler nila.. Naiinis ako sa chef namin at naiinis ako sa sarili ko bwisit! May allergy sina Chaira at Kryshelle sa hipon habang may allergy naman sina Justine at Arriane sa crabs. Mukhang di nila napansin na may mga seafood dun. Pati naman ako di ko napansin pero nung hinalo ko na yung ulam namin ay dun ko na nakita yung mga allergies nila. Ako kasi ang huling kumuha ng pagkain kaya ayun huli ko naring napansin. Ako naman ay flowers at strawberries ang allergy ko.. Hayst nagawa ko pang magistorya dito!

Tumakbo nako palabas at binigay sa kanila ang mga kailangan nila. Kumuha narin kami ng tubig para ipainom sa kanila..

Nakita ko naman na parang nahimasmasan na sila kaya napabuntong hininga nalang ako...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bodyguard Is A Mafia?!, Gangster?!, Assassin?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon