Present:
"Haru! wake up Haru. Bilisan mo na. May pupuntahan tayo. Important event to kaya't mag madali ka. Nandito lahat ng mga relatives natin. Makikisabay. HOY"
"Ano ba'yan mama. Bakit? Ano bang event yan para sabihing important. hmp."
"Basta. Wag nang daming tanong. Okay?! maligo ka na."
"Wag kang mag strong ma, nagtatanong lang eh. Maligo na'ko."
"Aba'y namimilosopa pa ito."
Tapos na akong mag ayos, or should we say all my bags are packed and I'm ready to go. LOL
dumiresto na kaming lahat sa van.
Huminto muna kami sa convenient store malapit sa airport at halos kaming lahat ay bumaba para
makapili na rin.
"Ano ba talaga? Chocolates o candies? Junk foods o biscuits? uuugghh"
Habang busy ako sa kakapili nang pagkain na hindi ko alam kung ano ba talaga ang bibilhin kanina eh ayan tuloy, NAIWAN AKO.
"Hindi siguro nila alam na bumaba ako. Bweset naman oh! arrrgghh!"
nakita ako ni Nikki. Classmate ko nung high school. Maganda sana kaso tibo nga lang tong taong to. tsk
"Hoy Haru! Nagsasalita kang mag isa, Sino kasama mo?"
"oy Nikki. ah, . . eh wala. ako lang. heheh Naiwan ako nang pamilya ko. Akala siguro nila nan'don lang ako sa van. tss"
"Ah ganon ba. San pala punta nyo?"
"Sa Davao, may "important event" daw eh. Eh ikaw? San punta mo?"
"Sakto't ang punta ko ay sa Davao rin eh. May kasalan kasi. Batch natin sa high school."
"Talaga? Sino?"
"Yon' ang hindi ko alam. Surprise daw eh. Ayaw nga nilang ipagkalat. Pero wala talaga akong clue kung sino. Okay lang. Libre naman ang pamasahe ko. hihihi"
"(sino kaya yon. Bahala na. WALA NAMAN AKONG PAKI.)"
"oh Haru, total papunta ka rin naman ng Davao eh sabay nalang tayo. Tuloy na tayo?"
"Oh cge! ^___^"
Pag pasok namin sa airport, nakita namin sila Kimberly at Paul. Ka batch din namin sa high school. Coincidence? luuhh.
Nung high school ako, si Kimberly lang naman ang pinaka hate ko sa school. Pero nung mga last week before graduation eh nag iba ang ihip ng panahon. Naging close kami bigla. Ewan ko ba kung bakit.
Si Paul naman, lakas maka chicser. Marami kasing nagsasabi na may kamukha syang member sa chicser. Kaya ayan, na flattered. Ginampanan na nya ang pagiging chicser. Sa hair style, sa pananamit, kumakanta na rin sya't sumasayaw. wew.
Nagka gusto rin to sakin dati. Minsan naiirita din ako dito. Tawag nya kasi sakin nung high school ay BABE.
Kaya't napagkakamalan ko ng mga teacher at ibang kaklase ko na boyfriend ko yong ala chicser na yon.
Pero ayoko sa kanya. Kahit maraming nagkaka gusto don. *feeling pretty* ^______^
" Oy! Kimberly, Paul! san punta nyo? Kayo lang dalawa? uuuyy! Mag syota na kayo noh?" pa tease na sabi ni Nikki.
"Ano ka ba Nikki! Nakita ko lang to noh. syota ka jan! Eh papunta rin din kasi to sa Davao kaya't sabay nalang kami. Minamalisya mo naman." medyo galit na pagkasabi ni Kimberly.
"Davao?! Anong gagawin nyo sa Davao?"
Kimberly: Haru naman, kung magulat wagas. Eh may pupuntahan lang naman ako sa Davao kasi may kasalan daw.
(Paul, Nikki at ako) : Kasalan?!
Kimberly: Oo, Kaklase natin Haru sa fourth year high school. Eh ewan ko lang dito kay Paul kung anong gagawin nya don sa Davao.
Paul: Ha? eh yon din ang pupuntahan ko eh. May ikakasal daw na kaklase natin. Akala ko nga si Haru ang ikakasal. Buti nalang hindi. Diba BABE? (sabay tingin kay Haru)
Haru: Babe ka dyan! tigilan mo na nga ako. tss Grabe, hindi man lang ako ininvite nung ikakasal. Pero unknown yung ikakasal. Sino ba yun?
Lalo kaming na curious. Matindi rin kasi tong trip nung ikakasal eh. Patago? Aba matinde!
Kukuha na sana kami nang ticket nang may . . .
"Oy! Grabe kayo ha. Gumagala lang kayo na wala ako. San trip nyo?"
Nikki: Oy Warren! eto papunta kami nang davao. May ikakasal kasi na ka batch natin don eh. Na invite ka ba?
Warren: Ha? Kasal? Kaninong kasal? Aba'y gago yung ikakasal. Hindi man lang ako ininvite. tsk
Haru: Ako nga din eh. Hindi man lang ininvite.
Kimberly: Eh ang sabi kasi sa nag invite. Hindi raw pwede sabihin sa ka batch natin sa high school na ininvite ako sa kasal. Pero wala eh, nasabi na eh. hihihi
Nikki at Paul: Ganon din sabi sakin.
*nagkatinginan kaming lahat*
Haru: So, iisa lang lang siguro ang pupuntahan nyo. Eh ikaw Warren, san punta mo?
Warren: Sa Davao din eh. May important event daw kasi.
Haru: At least naman may kasama ako sa "important event" LOL.
Puro nalang kasi kasal eh. hahaha
Warren: Corny mo Tweeny one! Kuha na nga tayo nang ticket. Baka ano na namang jokes ang sabihin mo. Puro waley. *sabay hawak sa kamay ko*
Naka tingin lang si Kim sa kamay namin.
Haru: Anong waley! Eh mas waley ka nga sakin noh! Bitawan mo nga ako! *agad akong bumitaw*
Paul: Oo nga Warren, bitawan mo si Babes!
Warren: Babes babes ka jan! Hoy Paul hindi ko ipagkakatiwala tong si Haru sayo no. At staka Haru, anong masama don? Mag best friend kaya tayo nung high school, remember? Daming arte neto. Nagbago ka na best! Tara na nga!
Haru: Hindi kaya ako nagbago. tara na nga :3 tss
Si Warren, best friend ko sya nung high school. Pero pag tungtong namin ng college eh wala na kaming communication. Hindi ko na alam kong anong buhay meron sya ngayon. Parang nawala kami na parang bula.
Gwapo rin tong si Warren. Hot. Oo hot sya. Chinito. Cute, super cute! Crush ng campus to'. Matalino at mayaman. Sila ang may ari ng pinaka malaking hotel dito sa town. But still, humble pa rin sya. Bweset nga lang minsan.
Inaasar kasi ako palagi neto nung high school. Magkatabi kasi kami sa class room simula 3rd year. Kaya tawag nya sa akin ay Tweeny one dahil lang sa prank nya.
*flash back*
"Haru, nahulog pen mo."
"Huh? Asan?" *tingin sa baba*
"BOW! hahaha"
"Bwesit ka talaga Warren!!"
*end of flash back*
In 5 hours kasi, nauto nya ako pang 21. Ako daw ang may ganyang record sa pang uuto nya. Kaya Tweeny one tawag nya sa akin at kumakanta sabay sayaw sya ng kanta ng 2Ne1 para inisin ako. Baliw eh.
Mga jokes nya, Waley. Pero napapasaya nya parin ako kahit papano.
Tinutulungan nya din ako sa mga assignments ko at tinuturuan ako pag hindi ko ma gets mga fliptop ni ma'am sa bilis. Hahah
Nahawa na nga rin ako sa katalinohan nya eh. Jems!
Kumuha na kami ng ticket papuntang Davao.
Ready for take off! Davao, here we go!
Sino kaya talaga ang ikakasal?