Chapter 14

25 2 1
                                    

Kloyd's POV

Ako nga pala yung kinakapatid ni Jass. Bata pa ako, iniwan na ako ng mga magulang ko. Kinupkop ako nung pamilya nila Jass. Pinag-aral ako hanggang makatapos ng highschool. Pero umalis na'ko sa kanila pagkatapos nung graduation. Ayoko namang maging pabigat, at marong na rin ako tumayo sa sarili kong paa. Nagpaalam naman ako sa kanila ng maayos, at naintindihan naman nila.

Pumasok ako bilang kargador sa pier. Lahat naranasan ko na, ginaw, gutom, at higit sa lahat pagpatak ng aking mga pawis. Pero lahat yun tiniis ko makapag-aral lang ako ng college, Business Management course ko. Napasok ko na rin yung pagnanakaw, may mga kaibigan na rin ako na ganun din gawain nila. Kaya naging leader ako nung grupo namin. 

Nagulat nalang ako isang araw, papasok sa grupo ko si Jass. E wala naman dapat personalan dun, kaya kung kelangan pahirapan siya, gagawin ko, kahit mahirap talaga sa loob ko. Ang laki ng utang na loob ko sa kanila, tapos..... Pero sinabi ko naman sa kanya yun nung una palang. Siya pumili ng ganun e. 

Nakita ko siya nung pauwi na rin ako galing inuman. Sugatan, hirap lumakad, na tutumba tumba. Kaya tinulungan ko na, baka atakihin pa sa puso nanay niya pag nakita siya. Lalo lang akong makokonsensya. Pinunasan ko mga dugo sa katawan niya, sa bahay ko na rin siya pinatulog. 

Nung tulog na siya, tinawagan ako ng mga prat ko. Pinaalala nila sakin bukas daw may pag-uusapan, yung gagawin nga kay Jass. 

Kaya nung nagising na ako, pinaghanda ko na siya ng agahan niya. Para malakas man lang siya bago pumunta dun. Alam ko naman kung ano yung mga gagawin sa kanya e. Nag-iwan na rin ako ng sulat sa ibabaw ng lamesa, na pagkatapos niya kumain, pumunta siya dun sa lugar.

Mukhang naintindihan naman niya. Nakarating naman siya bago kami mainip. Yun nga ayon sa plano, nasa kanya parin desisyon kung sarap o hirap. 

Nagulat ako sa desisyon niya. Mas pinili niya yung hirap. Nasa isip ko kasi, titigil na siya dahil sa mga nangyare kahapon, kung gagawin niya yun, lalo lang hihirap buhay niya. Kaya bago ako pumunta sa lugar. Nagdadasal rin ako na sana dumating siya, ayokong makaaway si Jass. 

Gaya ng nakagawian, pinaalalahanan ko siya with matching suntok pa. Dun ko nalang tuloy na express yung gulat ko talaga. Sana namana hindi siya nasaktan dun. 

Maya-maya, sinamahan namin siya sa isang store. Napag-usapan na kasi namin kung hirap man pipiliin niya. Meron kaming 3 papagawa sa kanya. Magnakaw sa isang store, papakalbo, tsaka paghihigante at ibibigay sakin si .......... RAFFY. Talgang sinadya kong madali yung pagawa ko sa kanya, natandaan ko tuloy yung mga pinapagawa ko sa kanila dati, sasaksak ng isang ka myembro, puputulin isang daliri, syempre di na dun mawawala yung mga suntok at palo tuwing gabi. Kung tutuusin sa ipapagawa ko kay Jass, napaka laki ng deperensya. 

Dapat nga dalawa lang yang papagawa ko e. Kaso di sila pumayag, hayaan ko naman daw na sila bahala dun sa isang HIRAP. Tapos yun nga, nagulat lang din ako na tungkol kay Raffy yung parusa nila, wala naman akong magawa kasi totoo namang unfair ang trato ko. 

Since nung bata pa kami, parehas na kami ng pinapasukan na school ni Jass. Isang araw, nagpaalam sakin si Jass, sabihan daw sila Nanay (tawag ko sa mama ni Jass) na may bisita siyang dadating, gagawa sila ng project. Kaya inutusan ako ni Nanay bumili ng meryenda. Maaga ako umuwi nung araw na yun, kunyare may sakit ako. Nakakatamad kasi pumasok nun e, kaya halos buong araw nagdodota ako. E kaso istorbo tong si Jass e. 

Pagbalik ko sakto naman nandun na sila. Mga 8 siguro sila. Nagsisimula na sila nun, e di dumeretso na ako sa kusina, andun sila sa salas. Inaayos ko yung tinapay na pinabili sakin kanina, pinagtimpla ko na rin sila ng juice. 

Nagulat naman ako ng biglang may nagtanung sakin, hinahanap niya yung CR. Tinuro ko sa kanya, napatulala lang ako sa nakita ko, ang gandang babae, mukha pang mabait. Bigla naman akong tinapik ni Jass.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Door To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon