Chapter 9

19 1 0
                                    

Nagkita na si Raffy at si Jass. Bakas sa mga mukha nilang dalawa ang pagkagulat, biglang yumakap si Jass kay Raffy, napatulala lang si Raffy.

 

Jass- Grabe, musta ka na? Namiss kita! 

 

Raffy-Ja... Jaaa.... Jass, di ako makahinga. 

 

Jass-Aaay, Sorry. Anung nangyare sayo, ba't yata ...... *tiningnan niya si Raffy ulo hanggang paa. Ganito ka na ba dito? Sayang ang ganda ng bestfriend ko. 

 

Raffy- Hmmmm, *sabay kamot sa ulo. Oo eh, bagong buhay na ako. 

 

Jass-Tara labas tayo.

 

Raffy-Teka kunin ko lang mga gamit ko. 

 

Pagkatalikod ni Raffy, di niya maiwasan ngumiti, sabay sinasampal ang mukha. Bigla nalang niyang sinabi "HALA ! BAWAL TO, RAFFY TIGIL"

Pag-akyat ni Raffy para kunin yung gamit niya, biglang sumulpot si James, dala-dala yung bag at iba niyang gamit. 

 

James-Eto oh! 

Raffy-Salamat talga, James. *habang tinatap yung braso.

 

Biglang tumalikod si James at hinakawan bigla ang kanyang kaliwang dibdib. Binubulong sa sarili

" Ngayon...... Nagyon lang niya ako natawag ng ganun ahh. James? bakit ba talaga ganito?"

Biglang may sumigaw sa likod niya. "JAMES!!! Laro tayo mamaya, antayin mo ko ha?!" Itinaas lang ni James yung kaliwang kamay niya na parang kumakaway. *parang nagha-hi or nagba-bye bye. 

 

Pagbaba ni Raffy nakita niya si Jass nagsisindi ng sigarilyo, agad siyang pumunta at itinapon ito. Nagulat lang si Jass.

 

Jass-Ohh?! Raffy bakit?

Raffy-Alam mo namang ayaw ko niyan diba? Ano bang nangyare sayo ha?! *galit na galit

Jass-Tara na nga, dun ko na ikekwento. 

 

 

Raffy's POV

Grabe, ngayon ko lang siya nakita mag-sigarilyo. Nung third year kami, yan daw yung pinakaayaw niyang gawin. Umiinom naman kami, minsan sa bahay pa namin, minsan naman sa bahay nila, kasama yung mama't papa niya. 

Lakad lang kami ng lakad, di ko alam kung saan kami pupunta, di siya sakin nagtatanung e. Parang akala mo, siya yung taga dito e, sumusunod nalang ako.

 

Bigla siyang nagsalita

 

Jass-Alam mo ba Raffy, hiniwalayan na ako ni Mhica * bigla siyang tumingin sakin na halatang halata mo na malungkot siya

 

Raffy-Ohhh?! Kelan pa? Bakit? *Tumigil kami sa paglakad hawak ko yung shoulders niya, face to face kami.

 

Jass-Grabe, di ka talaga nagbago, matanung ka parin *napabitaw tuloy ako, I pouted* This month lang, wala e, may mahal na siyang iba. Nagsawa siguro.

 

Halatang halata na pinipigil lang niya umiyak, ganun si Jass e, lahat gagawin niya basta COOL siya tingnan, kahit mahirap.

 

Niyakap ko siya, tinap ko yung likod niya. Habang sinsabi ko sa kanya "Ayos lang yan, madami pang iba diyan." Bigla ko nalang naramdaman yung mga tulo ng luha niya sa shoulders ko, ayun umiiyak na nga siya. Yung moment na parang tumigil yung time, gusto mo ganito nalang forever.... E kung sakin ka nalang sana, e di sana di ka umiiyak ng ganyan, e di sana di ka nahihirapan,nasasaktan at higit sa lahat hinding hindi ka magmumukhang tanga, e kaso eto yung REALITY EH, WE'RE ONLY FRIENDS! :'( 

The Door To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon