Chapter 6- Vas

36.2K 1K 86
                                        

Lauren Rius (POV)

Isa lang masasabi ko, balik high school nga ang peg ko dito. Lantang gulay na lang ako na naupo sa kama ko. Sinabi na din nila Mary sa akin ito, since hindi naman pang tao ang school na 'to no need na din daw magcollege ang mga nag-aaral dito. So stuck sila sa educational plan nila, which is high school forever.

'Yan na din daw ang parusa sa amin ng mga nakatataas sa East wing, balik high school nga. Madapaka, second year college na ako! Para saan pa 'yong mga pinag aralan ko? Tang-na!

Binato ko na lang sa pader yung sapatos ko sa sobrang bwisit. Nagulat naman ako ng bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si Yohan na nakakunotnoo.

"Anong problema?" tanong niya. Tinuro ko lang yung sapatos na binato na kasalukuyan nang nakasalampak sa sahig.

"Anong problema mo?" pag-iiba niya ng tanong. Nagshrug lang ako saka tumayo at pumunta sa may tapat ng salamin. Tinanggal ko ang coat ko saka ang ribbon ko. Lumingon ako sa kanya saka sinamaan siya ng tingin. Sira na talaga gabi ko.

"Labas, mag bibihis ako" wika ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin saka lumabas na ng kwarto ko. Napatingin ako uli sa salamin saka isa-isa nang binutones ang blouse ko. Nakita ko naman 'yung marka ng kagat sa akin ni Yohan. Napahawak ako dito saka napakunotnoo, teka bakit hindi pa natatanggal 'to?

Nagulat ako na naman ako nang bumukas ang pinto at mabilis na lumapit sa akin si Yohan. Dali-dali niyang ikinawit ang kamay niya sa bewang ko saka hinalikan ang leeg ko kung nasaan ang marka ng kagat niya. Naka-ilang kurap pa ako nang ma-realize ang itsura ko.

Mabilis na umakyat ang dugo sa ulo, dinaig pa ang highblood sa sobrang pamumula. Bukas ang blouse ko at kitang-kita ang kulay blue kong bra. Mabilis kong tinakpan ang katawan  ko at sinipa si Yohan.

"Aray!" sigaw niya at mabilis na lumayo sa akin.

"Umaaray na pala ang bampira ngayon? Sa susunod kumatok ka muna bago ka pumasok sa kwarto ko! At higit sa lahat wag kang hahalik basta-basta!!" galit na galit na sigaw ko sa kanya. Pero hindi siya umimik at itinuro lang ang leeg niya. Napakutnotnoo naman ako, tumingin ako uli sa salamin at tinignan ang leeg ko. Laking gulat ko naman na wala na 'yung marka ng leeg niya.

"Kiss is the strongest and most effective medicine, I swear" wika pa niya sabay ngisi saka lumabas na ng kwarto ko. Napalunok na lang ako uli nang maalala ko yung nangyari kanina sa homeroom.

"Aish! Ahhhh!!" sigaw ko na lang at madaling nagbihis. Paglabas ko, hindi ko na nakita si Yohan sa sala. Dumiretso na lang ako sa kusina at doon ko siya nakita, napanganga pa ako nang makita ko siyang kumakain.

"Seriously? Kumakain ka?" tanong ko. Tumango naman siya habang ngumunguya pa.

"Kumakain ka naman pala eh bakit kailangan mo pang uminom ng dugo sa akin?!" sigaw ko naman sa kanya.

"Bakit ba ang sungit mo ngayon, meron ka ba?" tanong niya. Nagulat naman ako ng suminghot-singhot siya.

"Wala naman malansang amoy. Anong problema mo?" tanong niya na ikinapula na naman ng mukha ko. What the hell? Pati ba naman mens?! Inaamoy niya?! Pusanggala! Magmumuara ata ako ng napakalutong ngayong gabi ah. Tang-na talaga!

Hindi ko na lang siya pinansin saka kumuha na lang ng pinggan at nagsandok ng pagkain ko. Inilapag ko yung pinggan sa mesa saka naupo at kumain ng tahimik na may kasamang sama ng loob. Masama pa din ang loob ko.

"Saan naman masama ang loob mo?" tanong niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

"You can read minds?! Gad damn it! Privacy please!" sigaw ko uli sa kanya.

Cursed (Curse, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon