JUICE

8 2 0
                                    

"What's your order ma'am..sir?" Tanong ko sa dalawang magcouple na nakapila dito.

"One Carbonara, two spaghetti, one spicy chicken, and two green apple juice." Sagot naman ng babae.

"Is that all ma'am?" Nakangiting tanong ko pa.

"Yes.. that's all." sagot naman nya.

"Okey ma'am, again One Carbonara, two spaghetti, one spicy chicken, and two green apple juice... I'll serve it in 3 minutes." Pag -uulit ko sa in-order nya at saka inayos yun.

"That's 267.00 pesos ma'am."

"Here." Pagkabigay nya ay saka ko naman inabot ito.

"I received 500.00 pesos..Here's your change ma'am..please enjoy your stay." At saka ko inabot sa kanya yung number nya.

At lumapit naman ako sa may sabitan ng order doon.

After a minute...

Nai-serve na yung order at hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanilang mag-couple. tss. Inggit ata ako.

Epal kasi yung walang kwenta kong boyfriend eh.

"Huy! at sino naman tinitingnan mo dyan?..Pasalamat ka at wala pang mga customer na nakapila dito. pagnagkataon lagot ka kay boss. haha." Pagkausap sakin ng kaibigan slash katrabaho kong bakla.

"Aish! para kasing familiar sakin yung hitsura nung babae kanina na nakapila dito kasama yung boyfriend nya ata. tss. di ko lang matandaan kung san ko sya nakita." Pagtugon ko naman dito.

"Baka naman na-iinggit ka lang kaya mo nasasabing familiar sayo yung hitsura nung babae.. hahahaha... sabihin mo bitter ka parin sa ex mo. Jusko! ex na nga eh. bat pinagkakaabalahan pa." mahabang litanya nito sa akin.

Ngumuso ako.

"Hindi naman yun eh. Parang familiar lang talaga sya sakin."

Napaiwas naman ako ng tingin sakanila ng biglang lumingon sa bandang gawi namin yung babae.

'tss. nahalata pa ata ako.'

At bigla syang nagtawag ng waiter at may sinabi doon. Hindi ko naman marinig dahil may kalayuan sila sa pwesto ko.

Ngunit di ko maiwasang di mapatingin dun sa babae, dahil panay rin ang tingin nya sa akin.

"Tss! Ano bang itinitingin-tingin nya dito? psh! kala nya siguro nakatingin ako sa boyfriend nya." mahinang usal ko pa.

'tch! di naman ako na aattract sa boyfriend nya.. tsh!'

Sabi ko pa sa isip ko. Munit nagulat ako ng bigla akong tawagin..

"Paki dala nga itong Blueberry juice sa babaeng yun." Sabay turo nun doon sa babaeng kanina ko pa tinitignan.

"H-ha?!.. t-teka bakit ako?? eh na sa counter ako eh.. cashier ako dun."Sagot ko pa na medyo nauutal.

"Dali na.. Ikaw gustong magserve nung bababe eh." pagpupumilit nito sakin.

At di ko naman naitago ang pagkagulat ko kaya naman...

"A-ayoko nga... Ayoko.. di naman ako nakatoka sa pagseserve." Paag-tanggi ko pa.

'Ano naman kaya ang naisip nito at ako ang gustong mag-serve ng juice nyang... Blueberry...teka.. tss. B-blueberry?!'

"Teka! Bakit naman blueberry in-order nya? diba bihira lang naman yan? buti may stock?" Pagtatanong ko.

"Bihira nga lang ang may mag-oder nyan kaya pagbigyan mo na.. dali na.. may gagawin pa ko." Pagtatapos nito sa usapan at saka umalis.

Kaya naman wala akong choice kung hindi ang ihatid ito sa table ng babae.

Habang naglalakad ako ng medyo may kabagalan ay tinitigan ko naman ito na saka palang lumingo sakin.

Malapit na ako sa kanya ng sa di inaasahang pagkakatanon natisod ako sa isang di ko malaman kung tali ba o ano. At sa kasamaang palad ay tumilapon ang laman ng baso mula sa ulo pababa sa katawan ng baba- teka.. A-ano yang?! I-is that a wig?!

At ng tumayo sya ay di nya napansin na nalaglag na pala ang kanyang wig.. At bigla namang kumabog ang puso ko..

'P-panong...?! A---nong nangyari?!'

"E-elbert?!" Naiusal ko nalang.

THE END

~~MsLucifera❤

JUICE(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon