Chapter 9♡

15 4 0
                                    

Nicolei POV:

"Sir Drake." Tinawag ko siya pagkababa ko ng sasakyan, magpapasalamat lang sana ako kahit papaano sa pagligtas niya sakin kanina. Nauna siyang bumaba sakin, hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Joke!

Eh sino ba namn akong para mag expect. Jusmeyo ka nics!

"Salamat po pala kanina Sir, sa pagligtas n'yo po sa'kin." Ngumiti ako kahit hindi naman niya yun nakikita.

Ito gwapo kaso, suplado. Pero kahit papaano may kabaitan din siya. Siguro ngayon lang yan nag exist sa buong buhay niya. Charot

"Nicolei, sus maryosep kang bata ka. Saan-saan ka ba nag susuot? Teka, anong nangyari sa'yo? Bat may mga galos ka?" Nag-aalalang tanong ni manang eva.

"Okay lang po ako manang, wag na po kayo mag-alala. Si Austin po ba nasaan?"

"Naku, sa sobrang tagal ng pag hihintay niya sainyo. Eh ayun, nakatulog na."

"Eh bakit ka nga ba nagalosan? Ki ganda-ganda ng balat mo, halika gagamotin ko." inakay namn ako ni manang papasok sa loob.

"Manang akyat na po ako." sabi ni Sir drake at diretso na siyang pumasok sa loob ng bahay.

Nang makapasok kami tinadtad nmn ako ng mga tanong ni manang kung ano daw nangyari sakin, kung bakit daw ako nagalosan. Jusme! Magpapaliwang nmn po ako, bat ito nangyari sakin.

"Noong lumabas po kasi akong mag-isa manang, May mga lasing po kasi nun. Eh pinagtulongan po ako, kaya ito po." Malungkot na saad ko. yumuko ako kasi gusto ko umiyak.

Pero nagpapasalamat talaga ako kay Sir. Drake siguro kung wala siya. May mangyayari talaga sakin ng maaga.

"Mabuti ito lang nangyari sayo. Pero maayos kana ba?"

Hindi lang iyon manang. Eh hinawakan nga pwetan ko ng isa sa kanila. Mga gagong yun!

Matapos ang chikahan namin ni manang, pinauna ko na siyang matulog at ako na nag sara ng pinto. Aakyat na sana ako ng maisipan kong uminom ng tubig, aba nauhaw ako kakalakad no. Tska ang hahapdi ng mga sugat ko. Huhuhu my precious skin.

Ichecheck ko pa sana si Austin kaso siguro bukas na lang. Tinatamaan nako ng antok.

*Kinabukasan

5:40am

Umaga na kailangan ko ng maghanda ng pagkain nila Sir Drake siguro ito na ang pagkakataon para bumawi.

bago ako bumaba sinilip ko muna si Austin. Tulog pa. pagbaba ko nakita ko si manang eva. naglilinis. ang aga nmn niya magising.

"magandang umaga po manang." bati ko sakanya.

"magandang umaga din sayo, Iha." ngumiti nmn siya sakin. "gising na ba si Austin?"

"hindi pa po manang eh. mahimbing pa po ang tulog niya."

"ganun ba, o'sya mag-umagahan kana." at tumango lang ako.

Matapos kong mag breakfast tinulongan ko mag linis si manang eva. Medyo masakit pa mga sulat ko pero ayos lang. Maaga na rin nmn ako naligo bago ko ginamot.

Magdidilig na sana ako ng mga halaman dito sa malawak na garden nila ng sumigaw si Austin ng malakas.

"Ate niks!!!"

O.O

"Goodmorning little boy." Bago siya lumapit yayakapin ko sana siya ng mahinto siya at mapatingin sa mga galos ko. Napansin niya atang may bandage yung tuhod at siko ko.

Love Is Not The Limit (On-going)Where stories live. Discover now