1

9 0 0
                                    

"Happy 18th birthday Cosette!" ani Kas habang may hawak na cupcake na may icing ng krim stix na chocolate flavor.

"Salamat. Hindi ka na dapat nag abala pa! Mukhang malaki laki ang ginastos mo dito ah!"

"Nako! Wag kang mag alala, sa susunod, totoong cake na ang ibibili ko sayo. Saka, pag nakapagtapos ka na dyan sa Finley University, makakabili ka naman ng sarili mo."

Si Kas ay matagal ko nang kaibigan. Siya ang kasama ko rito sa maliit na apartment malapit sa unibersidad na papasukan ko sa isang linggo. Naayos ko na rin ang mga papeles ko at handa nang pumasok.

"Graduate kaagad? Hindi pa nga ako nagsisimula."

"Ah basta! Wag mo akong kalimutang bisitahin ha! Di porke libre ang dorm doon dahil scholar ka, roon ka na rin titira! Saka wag mong dadalhin doon ang taglay mong katangahan!"

Ang Finley University ay isang napakalaking paaralan. Masyadong mataas ang kailangan mong maabot na standards para makapasok ka. Mga mayayaman ang mabilis na nakakapasok dito. Hindi na nila kailangang mag exam kung hindi nila gusto, basta may pera.

*1 week*

Palinga linga ako habang papunta ako sa dorm na pansamantala kong titirhan. Inaasahan kong mayroon akong kasama sa kwarto dahil iyon ang sabi sakin bago ako magpunta dito.

Binuksan ko kaagad ang pintuan at nagulantang ako sa nakita.

A girl, perhaps my age is making out with a boy, within my age as well. Pansin kong bahagyang nakababa ang bra ng babae dahil wala siyang kahit na anong pang itaas na saplot at wala ring saplot pang itaas ang lalaki.

Nang napansin ako ay napatili ang babae. Ang lalaki naman ay nakatingin sakin. His piercing eyes, along with his playful smirk is platered all over his face.

Mabilis na tumakbo palabas ang babae habang tinatakpan ang kanyang katawan. Ang lalaki naman ay tumayo at unti unting lumapit sa akin. Kumalabog nang malakas ang dibdib ko. Palapit siya nang palapit. Yumuko ako dahil sa sobrang kaba na dinudulot sakin ng lalaking hindi ko naman kilala.

When he got near me, his manly smell filled my senses. He smells really good.

He grabbed my ID and immediately scanned it. Bahagyang nagningning muli ang kanyang mata. Para bang isang napaka interesanteng bagay ang pumukaw ng atensyon nya.

"Cosette Guerzon. Scholar, huh?"

Gosh, even his breath smells really good. Wait, ha?!

Nanatili akong nakayuko at hindi siya tinitingnan. Napasinghap ako nang bigla nyang hinapit ang baywang ko papalapit sa kanya at itinaas ang baba ko para matingnan ko siya nang mabuti.

"See you, nerdy." and left me dumbfounded. Masyado ata akong nalibang kakaisip sa amoy niyang nakakahilo sa sobrang pagkalalaki. Really nice.








Cold StaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon