4

7 0 0
                                    

"Do you have a uhm.. sexy dress? Or even a tube top?"

Kanina pa kami dito sa kwarto at hindi makaalis dahil hindi daw naaayon sa bar ang suot ko. Ano bang masama sa jeans at shirt?

Tumayo ako at naghanap ng "daring" na damit para manahimik na sya.

Nang may nahanap akong medyo maayos ay ipinakita ko sa kanya. It is a black sparkly fitted dress. Hindi naman makikita ang cleavage ko kaya ayos lang siguro 'to?

"Girl, it's cute pero hmm.. not really the sexy type dress. Pero pwede na iyan! Magshopping nalang tayo next time. C'mon!"

Nang nakarating kami sa bar ay pinapasok naman ako. 18 na ako kaya pwede na ako sa mga ganito. Un nga lang, hindi ako umiinom at first time kong magpunta sa ganito.

Masyadong maingay at magulo. Pwede bang magbasa ng libro dito? Malamang bawal siguro. Boba ko talaga.

Hinatak ako ni Shia sa isang sofa na may table sa harapan. Nag-order sya ng kung ano anong bago lang sa pandinig ko. Hinayaan ko nalang sya at pinagmasdan ang paligid.

The place is really wild and loud. Napansin kong karamihan sa suot ng mga babae rito ay napaka iksi. Mayroon ngang kulang nalang ay huwag nang magsuot ng kung ano.

May mga naghahalikan sa madidilim na parte ng bar. Meron namang naghihipuan ng kung ano anong hindi ko alam at ayoko nang alamin. May nagsex na kaya rito? Napangiwi ako sa sariling naisip.

"So, do you drink? Here!"

"I don't drink. It'my first time here."

"Seriously? Okay then. I guess there's a first in everything! You can dance in the dancefloor while we wait for Jaz and Kaeci!"

Nagpunta kami sa dancefloor at sumayaw. Talagang kembot at yugyog ang ginagawa ni Shia. Natatawa ako sa kanya kaya pinanood ko lang sya habang medyo gumagalaw galaw. Ang awkward kaya!

"Hey."

Nagulat ako sa biglaang lapit ng lalaking di ko kilala at hinawakan ang bewang ko. Aba't sino ito?

"Hello."

"Are you new here? Ngayon lang kita nakita rito."

"A-ah oo."

Lalo niyang inilapit ang katawan sakin habang ako ay parang natameme. First time ko nga diba!

Buti nalang ay tinawag na ako ni Shia pabalik sa table dahil andun na raw ang mga kaibigan nya kaya agad akong lumayo.

"Cosette, these are my besties! Jaz and Kaeci."

Nakipagkamayan ang dalawa at nginitian ako nang todo.

"Hi Cosette! I'm Jaz! You study at Finley too right?"

"Yup. Kayo?"

"I study there. Pero si Kaeci ay sa ibang university dahil may business na ipinapabantay sa kanya."

"Yup. Sad nga eh because I don't always hang out with them. Ngayon lang ulit dahil medyo free ang sched ko." sabi naman ni Kaeci.

Nagkwentuhan pa kami at ipinakwento rin nila sakin ang nangyari tungkol sa kumag- este Cormac Finley aka kumag. Nakwento ko kasi kay Shia kanina.

"Hahaha! Girl, ganun talaga un si Cormac. Masungit talaga pero mabait yun! Super snob nga lang."

"I often see him at a coffee shop sa tapat ng university natin while he's studying. Mahilig sa kape kasi hindi na natutulog ata yun. Business student kasi eh."

Marami pa silang ikinuwento tungkol sa kumag. Nalaman kong may hinahandle pala syang kompanya na tatay nya mismo ang nagtayo. The famous Finley Holdings. It's really popular dahil sobrang successful nito hindi lang sa loob ng bansa kundi sa mga European and Asian countries.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cold StaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon