Chapter 4

5 1 0
                                    

Simula sa una hanggang sa huli. We need to fight and never give up. Nandito tayo sa mundo na puno ng pagsubok.

"Malayo pa ba?" tanong ko. Naiinip na kasi ako at may tatlong oras na kaming nagbya-byahe.

Si Kaizer ang nagmamaneho. Nasa harap si Kuya Ross at nasa likod naman kami. Pinipilit kong matulog pero hindi ako makatulog. Lahat sila ay tulog na puwera lang si Kaizer. Habang nasa labas ang tingin ko ay parang may nararamdaman akong may tumitingin saken at tinignan ko iyon at tama nga ang iniisip ko.

Nahuli ko siyang tumitingin saken sa salamin at bigla niyang binalik sa daan. Hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Kung gusto niyang tumingin edi go why not.

Binuksan ko ang bintana at damang dama ko ang sariwang hangin. May papikit pikit pa akong nalalaman eh ang sarap kaya.

"Huwag kang gumanyan hindi bagay sayo" napamulat ako at tinignan siya. Nakita ko naman ang pagpipigil na tawa niya.

"Pake mo ba?" hindi niya ako tinignan dahil abala siya sa pagmamaneho.

"Bawal bang sabihin lang ang nakikita ko?" saglit lang siyang tumingin saken at binalik din ang tingin niya sa daan.

"Pwede ba, magfocus ka sa pagmamaneho hindi yung nagsasalita ka jan." Ano bang probelama niya at kinakausap niya ako. Huwag niyang sabihin na magkaibigan na kami no way!

Hindi na niya ako sinagot. Tinignan ko ang relo ko at 3pm na. Nang makaramdam na ako ng antok ay sumandal na lang ako at pumikit.

"Jie! Gising na. Nandito na tayo" naramdaman ko na lang na may kumakalabit sa braso ko. Unti unti kong itinayo ang sarili ko at tinignan ang paligid. So nandito na pala kami sa probinsya namin at dahil may isang linggo kaming walang pasok dahil school break ay napag-isipan na namin magbakasyon muna dito sa probinsya and yeahh I miss my Lola at Lolo.

Nauna na silang lahat at ako tamang tingin tingin muna sa paligid. Namiss ko kasi dito eh. Yung panahon na ang saya saya pa namin, yung panahon na lagi kaming tumatambay sa gilid ng ilog at yung panahon na lagi kaming napapagalitan at ewan ko ba kung bakit ang saya saya namin that time na parang wala ng problema.

Habang naglalakad ako ay parang may sumusunod saken kaya hindi na ako nag alinlangan pang lumingon. Kaninang maganda ang pakiramdam ko pero ngayon hindi na.

"Sinusundan mo ba ako?"

Wala akong natanggap na sagot niya. Nagtitigan lang kami at mukhang wala siyang balak na magsalita. "Bumalik ka na dun. Babalik din naman ako eh!" Sabi ko sakanya at naglakad na ulit. Ang ganda talaga dito!

Nararamdaman ko parin na sinusundan niya ako. Ano bang pumasok sa isip niya at sinusundan niya ako. Hindi ko naman siya kailangan at alam kong safe naman ako dito. Kahit hindi ko alam ang dahilan nila kung bakit ganito na lang sila ka oa saken.

Naisip kong pumunta sa dating tagpuan namin at kahit alam kong bata pa kami noon ay nandito parin yung memories namin. Kamusta na kaya siya? Kilala pa ba niya ako kahit anim na taon na ang nakakalipas. Pumikit ako at inaalala ang mga masayang bagay na magkasama kami. Kahit alam kong biglaan yung pag-alis namin dito ay hindi ko parin siya makakalimutan. Kahit mga bata pa kami noon ay siya parin yung lalaking hindi ko makakalimutan.

Minulat ko ang mata ko ng naramdaman kong nasa tabi ko siya at nagdikit ang braso namin at pinantayan ako. Parang may kung anong henerhiya ang naramdaman ko nang dumikit ang ang braso namin. Parang bumalik ako sa panahong kasama ko siya. Pero hindi! Iba yung kasama ko.

Hinarap ko siya at hindi ko akalain na ang lapit ng mukha niya saken nung bigla niya din akong tinignan sa mukha at kunting lapit na lang ay dadapo na ang labi namin sa isa't isa. What the heck!

Kakayanin Kaya?Where stories live. Discover now