DO'S AND DON'TS
Actually yung ibang do's and don'ts nabanggit na sa ibang tips parang additional nalang po ito ;)
First, the DON'TS.
*Wag mo MUNANG iplay yung THEME SONG nyo. Iiyak ka lang naman pag narinig mo yung theme song nyo diba? kaya for the mean time delete mo muna yung song na yun sa phone mo :)
*Wag mong idaan sa alak. Hay nako, hangover lang aabutin mo sa alak. Sa una pag tinamaan ka na sige sabihin na natin na mawawala PANANDALIAN yung sakit na nararamdaman mo sa puso mo. Pero after ng effect ng alak masakit na ulo mo, masakit na katawan mo at worst masakit na ulit puso mo.
*Iwasan mong magbasa/manuod ng nkakakilig. Hindi mo kasi maiiwasan na icompare sa napapanood/nababasa mo sa naging love story nyo. Expectation vs. Reality yun.
*Wag kang hahanap ng rebound para lang pagselosin ang ex mo. Hindi tama na makasakit ng damdamin ng iba na wala namang kinalaman sa love story nyo ng ex mo.
*Iwasan mo din mag follow ng sweet couples sa instagram and twitter. Nkakabitter! ang sweet sweet kasi nila sa mga tweets or posts nila lalo na sila kathryn at daniel, arisse de santos and patrick sugui, jane and jeron, mika reyes and kiefer ravena. Syeeeet! pag naka move on kana follow mo na sila at istalk mo. Kikiligin ka ng bonggang bongga! Swear!! :"> super fan talaga nila akong lahat *kilig* pero super kinikilig ako kay kiefer at mika sana mameet ko sila in person *cross fingers* sana forever na din sila :')
*Wag na wag mo ng istalk yung ex mo! Kung ayaw mo siyang i block or iunfollow or iunfriend pwes iwasan mo yung account niya. Alam ko naman na lagi kang tambay sa account niya e. Uy aminin! haha pero seriously, wag mo ng bisitahin mga accounts nya baka lalo ka lang masaktan, nagkakaintindihan ba tayo dito? haha :')
Do's naman tayo ngayon ;)
okay lang magpakatanga pagdating sa pag-ibig. But, ONCE is ENOUGH! pag nagpakatanga ka na ng unang beses wag mo ng ulit ulitin pa okay?
Kantahin mo araw-araw yung kanta ni bruno mars yung "today my life begins" kantahin mo with feelings tska mo namnamin yung lyrics.
Itago mo muna yung mga gamit na binigay ng ex mo sayo. Wag mo munang itapon or sunugin kasi pag naka move on kana masayang tignan ulit yung mga yun. magandang basahin yung mga letters na binigay nya sayo dati pag nakamove on kana matatawa ka nalang ng sobra hahaha
Pray ka lagi. Si God lang mkakaintindi sayo hindi ka pa niya huhusgahan. Nkakagaan ng pakiramdam pag hinayahan mo siyang tulungan ka para maka move on :)
lastly, break the rules! enjoy life! You Only Live Once nga diba kaya enjoy lang ng enjoy :'D but don't forget to always obey your parents ;)

BINABASA MO ANG
How to move on?
JugendliteraturHow to move on? Mahirap mag bigay ng steps para mag move on so i'll give you tips nalang. hope it'll help you to forget him/her ;)