Kabanata 1

14 0 0
                                    

Ang kadalasang pangarap ng halos karamihan ay ang pagkakaroon ng magandang buhay. Kung saan may malaking bahay, maraming pera, at maaaring mabili ang kahit na anong gustong bilhin... sa ibang salita pa'y nangangarap na makahiga sa salapi. In the age of 16, I realized many things...

Maraming naiinggit sa buhay na meron ako. Maraming nangangarap na sana ay maging katulad nila ako, hindi lang nila alam kung ano ba ang mga naranasan ng isang batang lumaking may gintong kutsara sa bibig. Hindi madali. Maybe I can get every material thing I want but I am not truly happy. Happiness cannot be seen in any things... It is a feeling that can be only given by love.

Who in the world want to marry someone for convenience? Hindi ako. Wala. Maybe kaya pumapayag yung iba kasi wala naman silang ibang magawa... maybe because that's their only choice to live. Madalas magkaroon ng fix marriage kapag yung isang kumpanya ay nalulugi na, o meron ring kahit hindi naman nalulugi pero gustong mas umangat ang kanilang kumpanya just like what happened to my parents before. At meron ring ipinagkasundo dahil sa pangako ng mga magulang... matagal na panahon na ang nakalipas. Either of the reasons are my parents' reason for them to fix my marriage to someone I don't even know. I'm still sixteen for pete's sake! Wala pa ako sa legal na edad para ma enggage sa taong ni hindi ko kilala!

"Pag uwi namin diyan, Mona, we will introduce you to your future husband."

"Pero, Ma! I'm just sixteen to get enggaged!" Halos maitapon ko na ang telepono sa sobrang gulat at inis. Nawala sila ng apat na buwan tapos pag-uwi ay may dala na silang lalaking ipapangasawa sakin?!

"This is for your own good, Anak." I heard daddy's voice. How could they do this to me? Alam nilang pareho ang pakiramdam na mapunta sa sitwasyon na ganito! Bakit nila hinayaang maranasan ko rin ito? For our company? Ni hindi manlang bumaba ang standing ng aming kumpanya para gawin sakin ito and to think that I'm just sixteen!

"Anak, we only want the best for you. Hindi namin hahayaang maitali ka sa lalaking walang pangalan sa mundo. You are our only daughter... and I know in the future, you will thank us for doing this to you." Malambing na sabi ni Mommy na kapag hindi lang kasalan ang usapan ay kanina pa ako nadala, pero hindi. Kahit ano pang sabihin nila ay hindi ko ito matatanggap!

"Ma, Please! Dad..." pagpapakampi ko sa aking ama na hindi manlang umimik. They all planned this and I feel so betrayed.

"No. I'm sorry, I can't do that." Sabi ko na naiiyak na. Nawawalan na ng pag-asa dahil mukhang pati ang tatay ko ay kumbinsido na sa kanilang balak.

"You can't do this to me, Mom... Dad..." halos paiyak ko ng bulong. I respect them and I love them dearly pero... hearing this from them... kahit gaano ko pa sila nirerespeto ay hinding hindi ko matatanggap. Alam kong they're doing this for me pero sa ganitong paraan... parang hindi na ito para sakin kundi para na sakanila. Para sa kagustuhan nila at hindi sa kagustuhan ko.

"Is this about Garik?" Madiing tanong ni Mommy.

Umiling ako na tila ba nasa harapan ko lamang sila at hindi makapaniwala sa mga lumalabas sa kanilang bibig. Bakit sinisisi nila sa iba ang ginagawa nila?! I can't believe them anymore!

"Sabi ko sayo ay layuan mo ang lalaking 'yon!" Napailing ako sa naririnig ko kay Mama. Hindi ako makapaniwala.

I ended the call. Hindi ko matanggap na kaya lang nila akong ipagkasundo sa kahit kanino lang... Hindi porket sila ang nagpalaki sakin ay may karapatan na silang diktahan ang kinabukasan ko. I still have my own decision... Wala ba silang tiwala sakin? I have my own dreams...

Mommy has been always hard to me when it comes to my life. She wanted me to do everything she'll say which I always obey. Mas strikto si Mommy kaysa kay Daddy, sa bawat panahon na hindi ko nasusunod ang gusto ni Mommy; si Daddy ang lagi kong kakampi. Mas naiintindihan ako ni Daddy at hindi siya kasing higpit ni Mommy when it comes to the people I'm spending my time with.

Sand's Footprint (Puerto Soles Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon