01

209 8 4
                                    

Levi's POV

"Mr. Arguello! What kind of score is this?!" sigaw nung prof namin habang nakatingin sa papel na hawak niya.

Napakamot ako sa ulo ko at ngumiwi. Napabuntong hininga nalang at ako at saka kinuha ang papel sa prof ko. "Sorry Sir," napahiya kong sabi. Ilang mga oras ang nakalipas at breaktime na. Bumaba ako mag-isa papuntang canteen at kamalas malasang nakita ko ang taong pinaka-ayaw ko dito sa mundo. 

'Si Candra Mei. . . .'

Itinirik ko ang mga mata ko. Nakaupo siya kasama yung isa niyang kaibigan habang nakikipagkwentuhan sa kanya pero nakatingin lang ito sa kanya at parang walang interes sa sinasabi ng kaibigan niya. 

Agad naman akong napangiti ng makita ko yung bespren ko. "PAREEE!!!!" Nakangiti siya ng todo at sumalubong sa'kin. "Pakshet par, piling ko di kita nakita ng ilang taon HAHAHAHA namiss kita." Sabi niya habang tumatawa. 

"OMG sila Noel at Levi!!" malakas na sigaw ng mga babae na nasa canteen. 

"Sila palang dalawa." Malungkot na sinabi naman nung isa.

Haha, ano pa nga ba? Laging ganito dito sa school kapag dumadaan kami. Minsan nakakairita rin pero wala eh, gwapo eh. 

"Kayden pare!" Sigaw naman ni Noel nang makarating ang aming isa pang kaibigan. Actually pito kami, noon, pero kakaunti na kami ngayon dahil naka-graduate na yung dalawa naming kaibigan. 

"Noel Levi! HAHAHA long time no see mga pare." nakangiti niyang sinabi at niyakap kaming dalawa. "Paparating narin sila Austin at Aids, nagkaklase pa kasi." tango tango naman kaming sumagot ni Noel. "Miss ko na rin yung dalawang yun, mga tukmol na yun," tawa kong sinabi. Nagasabay naman silang dalawa sa tawa ko. Ganito talaga kami. Sa habang panahon ko silang naging kaibigan, puro kami tuksuhan. 

"Oi mga gago! HAHAHA!" napalingon kami sa isang pamilyar na boses. "Tukmol ako ha?!" sigaw ni Austin habang nakatingin sa'kin. Bigla siyang tumakbo para sugurin ako, ako naman ay biglang tumakbo papalayo sa kanya habang tumatawa. Tumigil na siya at napahawak sa mga tuhod niya habang hinihingal. "Paparating na si tubol, naiwan lang kase may pinautos sa kanya yung prof namin." natawa kami sa tinawag ni Austin kay Adriel. 

'Tubol ampucha.'

"Anong tinawag mo sa'kin? tubol? pucha ka ah!" Pinalo naman ni Adriel si Austin sa likod. Imbes na masaktan si Austin ay tumawa siya ng malakas at pinalo rin si Adriel sa likod. Pumunta naman ang mata ni Adriel sa'kin at ngumisi. Biglang nagturo siya gamit ang kanyang mga labi, nang lingunin ko iyon ay tinutukoy niya pala si Candra. Bigla narin akong ngumisi.

Natutulog siya, nakahiga ang kanyang noo sa braso niya na nakapatong sa lamesa na kinakainan nila. Habang ang dalawang kaibigan niya ay naguusap lamang habang nanguya. Nakita ko naman na nasa tabi lang ni Candra ang cellphone niya. Napangisi ako ng biglang may pumasok na kalokohan nanaman sa utak ko. Tiningnan ko muna ang mga kaibigan ko bago ako napatayo.

"Uhh pre magccr lang ako." Paalam ko sa kanila. Tumaas lang ang mga kilay nila tila nagtataka sa sinabi ko. "Ba't nagpapaalam ka? Kubeta ba kami?" Sabay silang nagsitawanan. Bigla akong napahiya.

'Tsk, bobo! Syempre mahahalata nila.'

Napahiya akong tumawa. "Hindi, baka kasi hanapin nyo ko eh," nagkibit-balikat ako. Ngumisi ang ilan sa kanila at nagsenyas naman si Noel na tumuloy na ko, para bang pinapalayas ako. Tumango ako sa kanila at nang nakatalikod ako ay patago akong ngumisi.

Malayo layo ang table namin sa table nila. Nakita ko namang wala yung dalawa niyang kaibigan kaya napadali sa'kin ang kunin ang cellphone niya.

Tumingin ako sa paligid ko, sinisigurado ko lang na walang makakakita sa'kin. At nang wala ngang nakatingin ay dali dali kong kinuha iyon at sinilid kaagad sa bulsa ko. Alam ko na that's stealing pero. . . . .wala lang trip ko lang.

Natigilan ako nang umangat na ang ulo niya. Nakapikit parin at ang mga hibla ng buhok niya ay nakadikit sa mukha niya. Mas natigilan ako nang umikot ang ulo niya papunta sa'kin at iminulat ang mga mata. Nanlaki ang mga mata ko pero pinilit ko ang sarili kong maging normal.

'Wala naman siyang nakita diba?'

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya nang may namamaos na boses. Gusto kong matawa dahil ang laki ng pulang bilog sa noo niya ngunit pinigilan ko iyon. "Wala, kakamustahin sana kita pero nakita kong tulog ka. Aalis na sana ako." Ngumiti ako sa kanya pero sumama ang tingin niya sa'kin. "Baka mag ginawa ka sa'kin?" Taas kilay niyang tanong. "Letche tong lalaking to." Bulong niya sa sarili ngunit narinig ko. Nanlaki ang mga mata ko. "Anong sinabi mo?" Malaking boses na tanong ko. Tumirik naman ang mga mata niya. "Wala." Tanging sagot niya. "Narinig ko yung sinabi mo." seryoso kong sabi. 

"Eh gago ka pala eh. Narinig mo tas magtatanong ka ng anong sinabi mo? shhk" Pasigaw niyang sabi at ginaya pa ang boses ko sa huli. Tinitigan ko siya ng masama, ganun narin ginawa niya.

'hanep to ah.'

"Ay!" Natigilan ang mainit na pagtitigan namin nang narinig namin ang boses ng isang babae. "Ayan ambobo, di tumitingin sa daan." tinarayan naman nung kaibigang babae ni Candra. "Psh, you don't know what you're talking about, Blythe Harper." sinamaan ko ng tingin si Blythe, yung kaibigan ni Candra. "Bitchesa ka!" Singhal naman ni Blythe. "Hey! Stop saying that to Keith!" sabi ko habang nakatingin kay Blythe. Bigla namang napatingin ako kay Candra nang marinig ko ang matunog na pagngisi niya. "Iba ka talaga Arguello ano?" tumaas ang kaniyang kilay at kumunot naman ang noo ko. "May kayo pa ba?" Tanong niya sa'kin habang nakangisi at nakataas ang kilay. Napapikit ako sa inis. Iba talaga tong babaeng to. Binuksan ko ulit mga mata ko at tumitig ulit na deretso sa mga chocolateng mata niya.

"Parang ikaw, tsh," napatitig lang siya sa'kin. "Diba binabalik-balikan mo yung bakla mong ex." Nakita kong kumuyom ang dalwa niyang kamay. Ngumisi naman ako at siya naman ay napatingin sa gilid niya. Napatingin rin ako kung saan siya tumitingin. Tiningnan ko naman si Candra, napayuko siya.

'Tanungin nyo ko kung anong nakita niya. Hehehe.'

Nakayuko parin si Candra at kuyom parin ang mga kamay. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at sa di ko inaasahan sumugod siya sa'kin. Nang umaatras ako ay biglang.............

'SHIT!'

When I Started To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon