02

99 6 0
                                    

Levi's POV

'SHIT!'

"Ooooooohhh," Hiyaw ng mga kaibigan ko.

'Tsh, letche naman oh. Kaines!'

"Dude, okay ka lang? hahahaha." Tawang-tawa na tanong ni Kayden. Sinamaan ko siya ng tingin habang tawa ng tawa parin siya at habang nakahawak sa tiyan niya. "Umayos ka nga! Tawa ka ng tawa ang sakit!" Sigaw ko kay Kayden. "HAHAHA Denden tulungan mo na nga HAHAHA." Pinalo ni Adriel ang balikat ni Kayden habang natawa. "Okay ka lang dude?" Tanong ni Austin sa'kin. Tumayo ako at tiningnan ng masama si Austin. "Tsh, inulit mo lang yung sinabi ni Kayden eh loko." Iling-iling na sagot ko.

"Jusme ser HAHAHA anyare kasi sayo HAHAHA." Tawa parin ng tawa si Adriel. "Tsh, tado." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin ng masama kay Adriel. "Tama na yang tawanan niyo, tulungan na natin si Lev," Iling-iling na sinabi ni Noel habang nakatingin sa tatlo. "Mag-ingat ka kasi next time. What the heck happened to you?" Nakatingin ng masama sa'kin si Noel habang inaabot sa'kin yung panyo niya.

~~~

Nakayuko parin si Candra at kuyom parin ang mga kamay. Nagulat ko nang bigla siyang tumayo at sa di ko inaasahan sumugod siya sa'kin. Nang umatras ako ay biglang. . .

*BOOOGSHH*

Nabangga ko ang isang babae pero ako ang natumba. Tumilapon yung pagkain sa tray niya at napunta sa damit ko. Nakahiga ako ngayon sa sahig. Hindi ako makatayo sa sakit ng likod ko. Nakakunot ang noo ko habang nakapikit sa sakit.

'SHIT!'

"Ooooooohhh," Hiyaw ng mga kaibigan ko. . .

~~~

"Damn dude." Ani Noel. "HAHAHAHA hay. . . ako na magpupunas, kawawa ka naman eh HAHAHA." Sabi ni Adriel habang pinupunasan ang damit ko. "Will you stop laughing?" Galit na sabi ni Noel kay Adriel na natigilan naman at sumeryoso. Nakatingin lang ako sa damit ko at sa kamay ni Adriel na pinupunasan ito.

"Tsk. . .tsk. . .tsk, sinasabi ko na nga ba," Natigilan kaming dalawa ni Adriel at tumingala. Nakita namin si Candra na nakangisi habang naka-cross arms. "Tama na kasi ang pangaasar, yan tuloy. . .nakarma ka." Sinabi niya at ngumisi ulit sa huli na may tunog. "Anong nangaasar? Eh ikaw yung nauna ah!" Galit kong sabi habang nakakunot ang noo ko. "Sshhk, whatever." Ang tanging sabi niya at umalis na papuntang table nila.

'Sinasabi ko sa'yong babae ka. Lagot ka talaga sa'kin.'

"Don't start with your bullshit again Arguello, you'll never win at her. Mark my words." Banta ni Noel sa'kin.

'Damn you Candra.'

Blythe's POV

Henlo hihe. I'm Blythe Rianne Harper. Ako ang kaisa-isang babaeng kaibigan ng moody na si Candra Mei, alam nyo na siguro yun nue ba.

Anyways, nandito kami ngayon sa canteen syempre ano pa bang gagawn dito edi syempre kakain! Pero wakshet, may nangyari nanamang kaguluhan. Alam nyo na nangyari noh! ikukwento ko pa ba? Of course, mahilig ako magkwento.

Nandito kaming tatlo hinihintay yung iba naming kaibigan. As usual natutulog si Mei habang kausap ko naman ang kaibigan naming lalake na si Ethan. "Ang ingay ingay mo Tan baka marinig ka ni Mei. Masisira plano mo wakshet ka." Sabi ko kay Tan at pinalo yung braso niya. "Sa tingin mo maganda yun?" Tanong niya sa'kin. "Aba! Alam mo namang di pa nakakamove-on yan sa baklang ex niya eh." Pabulong na ani ko kay Ethan. Napabuntong hininga nalang siya at di na sumagot sa'kin. Yan kasing si Ethan, matagal na yan may gusto kay Mei, ayaw niya lang aminin. Even nung may boyfriend pa si Mei. "Nako, tama na yang pagdadrama at bumili na tayo ng pagkain." Sabi ko kay Ethan sak tumayo para pumila.

Habang nakapila kaming dalawa ay nakita ko si Levi sa table namin. Parang may kinukuha at tumitingin pa sa paligid.

'Wakshet! Patay tayo diyan!' Sabi ko sa isip ko.

At mas lalo pang patay dahil NAGISING NA SI MEI!! Nung kami na ang bibili ay binilisan ko na. "Ate pwedeng pakibilis?" Pakiusap ko kay ateng tindera. Sumama ang tingin niya at ngumiti naman ako. Bumulong siya. "Ate pasensiya na po pero kasi. . . .may LBM ako tas piling ko lalabas na. Ata pakibilisan na po please?" Pakiusap ko sa kanya habang nagpapanggap na natatae ako at nakahawak sa tiyan ko. Bigla naman siyang kumilos at kumuha na ng pagkain. Lumingon ako ulit at kinagat ang labi ko. "Ma'am eto na po yung pagkain nyo." Sabi ng ateng tindera. Kinuha ko agad iyon at bumalik agad sa table namin. Di ko na kasama si Ethan dahil may class pa siya.

Nilapag ko na yung pagkain na binili ko para sa'kin at kay Mei. "Narinig ko yung sinabi mo." Narinig ko namang sabi ni Levi. "Eh gago ka pala eh. Narinig mo tapos magtatanong ka ng anong sinabi mo? shhk." Onting onting lumalakas ang boses ni Mei.

'Wakshet, kung pwede ko nga lang awatin tong dalawang to, ginawa ko na pero baka ako pa yung madisgrasya kagaya noon. Nako po'

~~~

"Nakakainis ka talagang babae ka! Tigilan mo na girlfriend ko!" Narinig kong sigaw ni Levi.

'Aaahhh wakshet! Eto nanaman tayo >.<'

"Ginigigil ako niyang girlfriend mo!! Nilalandi niya boyfriend ko!!!" Onting-onti nalang ay sasabog na si Mei. "That's not true! huhuhu, she's lying!" Sigaw naman ni Keith. "If only you knew the truth!" Sigaw parin ni Keith. "Don't you ever lay a finger on Keith!" Ani Levi. "And don't let your girlfriend lay any finger on Axel!!" Galit na galit na sigaw ni Mei.

'Shet! Paano ba sila matitigil?! Eh kung awatin ko kaya?'

Sasapakin sana ni Mei si Levi pero pumagitna ako. At yun pinagsisihan ko iyon dahil imbes na si Levi pa ang nasapak. . . .

AKO PA!!!

'HUHUHUHU LETCHE!!!!'

~~~

Nagtitigan sila pero masasama ang tingin. Isusubo ko na sana yung pagkain ko nang may sumigaw. "Ay!" sigaw ng isang bitchessang babae sa campus at ang EX ni Levi. "Ayan ambobo, di tumitingin sa daan." Tinarayan ko siya at dinilatan niya lang ako ng mata. "Psh, you don't know what you're talking about, Blythe Harper." Pagdiriin niya pa sa pangalan ko.

'Grr iniis ako nito ah'

"Bitchessa ka!" Singhal ko naman sa kanya. "Hey! Stop saying that to Keith!" Sigaw naman sa'kin ni Levi. Sinamaan ko naman ng tingin si Levi. Di na ko sumagot pa at lumayas na si Keith sa harapan namin. Natigilan naman kami nang biglang ngumisi si Mei at MAY TUNOG PA!

"Iba ka talaga Arguello ano?" Ani Mei. Nakita kong kumunot ang noo ni Levi. At dahil dun, nagsimula na silang magaway! Ang tanging reaction ko lang sa kanilang sagutan ay gulat. Nagsidatingan na yung dalawang baklang kaibigan namin ang yung isang tomboy. "Ano nang chika sis! Anyayare na diyan sa dalawa?" Tanong naman ni Gab, yung isang bakla. Di ko na siya sinagot at nakatingin lang ako sa dalawa.

Nakita ko namang tumayo si Mei at papalapit kay Levi. Si Levi naman ay palayo nang palayo, at habang papalayo siya ay may nakita akong babae na hawak hawak ang tray niya. Tumingin ako sa gilid ko at tiningnan si Axel. Kasama niya yung bagong boyfriend niya. Haist. Naaawa talaga ako kay Mei noon. Ang sakit na dinanas niya nung umamin si Axel niya na bakla siya at ginamit lang siya dahil ayaw ni Axel na madisappoint ang tatay nito sa kanya.

Di ko na nakita ang susunod na pangyayari dahil nakatuon ang attention ko kay Mason na kakadating lang sa canteen.

'Kyaaaa! OMG OMG! Ang gwapo niya wakshet! >.<'

When I Started To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon