- Christoff's POV -
*Lord, sorry po. Di ko naman po sinasadya na mahawakan sya dun. Alam nyo naman pong sinalo ko lang sya. :(*
*Ang epic fail ng araw ko ngayon. First day of class ko pa lang, ganun na agad nangyare. Ako na ata hari ng sablay ee. Una, nagkamali ako ng room na pinasukan. Tapos, nasampal pa ako nung babae. Oo, maganda sya. Ee ano naman, mananampal agad sya? Dapat nakapagsorry pa ako ee. Masakit din yung sampal nya na yun aa. Pero, sino kaya yung babaeng yun. Para makapag'sorry naman ako. Haaaay, wag mo na nga isipin yun Christoff ! May pasok ka pa sa trabaho.*
A/N: Siya si Christoff Daniel Garcia, 19 years old. Hindi sila mayaman na katulad ni Samuel. Sanay sya sa hirap. Lahat na ata ng trabaho pinasukan nya para lang maitaguyod ang kapatid nyang si Carol, 16 years old, sa pag-aaral. Pagkapanganak kay Carol ay iniwan na sila ng kanyang ina at sumama sa ibang lalaki. Tanging larawan lang ng kanyang ina ang ala-alang meron sila. Madalas na napapainom ng alak ang kanyang ama. Pero naging responsable naman ito, pinag-aral sila at pinaparamdam na walang kulang sa pamilya. Ngunit 17 years old si Christoff ng iwan sila ng kanyang ama. Sa kabila ng lahat, umaasa pa rin sya na makikita nya ang kanyang ina. Ang Diyos ang naging sandalan ng magkapatid. Tinulungan sila ni Pastor Arnold na nagbaBible Study sa lugar nila. Pinatira sila sa simbahan ngunit nagtrabaho pa rin si Christoff sa mura nyang edad para makapagpatuloy ng pag-aaral sila ng kanyang kapatid. Naniniwala si Christoff na sa kabila ng pinagdadaanan nya ay may magandang plano ang Diyos sa buhay nilang magkapatid. Matalino si Christoff at may magandang plano sa buhay. Scholar sya sa pinapasukan nyang paaralan. Kasalukuyan din syang nagtatrabaho sa isang fast food chain at isa ring youth leader sa church.
--
*Haaaaaay. Yes, nakauwi na rin sa wakas. Nakakapagod magduty. LORD, give me strength. I know I can do anything with you. Sana po maging maayos ang bukas. Wag nyo po pababayaan ang kapatid ko at ako. Give us wisdom and knowledge LORD. In Jesus Name. Amen.*
BINABASA MO ANG
#WalangForever?
Novela JuvenilWALA NGA BA TALAGA? Bakit? Paano mo nasabi? Kase paulit-ulit ka ng nasaktan, niloko at pinaasa? Mahal ka daw nya FOREVER. Pero iniwan ka? Lahat ng bagay may hangganan. Lahat ng bagay sa mundo pwedeng mawala. Katulad ng tao. Pati emosyon nagbabago. K...