Chapter 10: 2nd Death Anniversary

26 0 0
                                    

-- Christoff's POV --

November 11.

Eto yung araw na sana hindi na lang dumadating. Na sana, wala na lang sa kalendaryo. Na alam kong taon taon, maaalala ko pa rin ang lahat ng 'yun.

November 11, 2012

Sunday, 6:15pm.

Binawian si Papa ng buhay.

--

October 31,2012

Nagmamadali akong magbihis dahil kuhaan ng card namin sa school.

"Anak, samahan mo ako sa ospital. Nahihirapan akong huminga." - Papa

Hindi ko alam irereact ko pero kinakabahan ako. Nilalakasan ko na lang yung loob ko para sa kapatid kong si Carol. Nag-aalala ako. Ayokong mag-isip ng masamang mangyayare. Patuloy lang ako sa pagdarasal.

Inuwi namin si Papa pagkatapos nya ma-ospital.

Ngunit pagkalipas ng dalawang araw, napansin naming hindi na masyadong kumikilos si Papa. Mahina na sya kumaen. Hindi namin alam kung anong nangyayare. Kaya napagpasyahan naming ipa-ospital ulet si Papa. Ang sabi ng doctor kailangan nya daw dumaan sa maraming Lab test. Bilang lalaki at nakatatandang kapatid, nagpakita ako ng lakas ng loob. Ayokong makita ng kapatid ko na napanghihinaan ako.

After ng halos isang linggong nakaconfine si Papa sa loob ng ospital, lumabas na ang resulta ng Lab tests.

"Hindi na nagpafunction ang kidney ng papa mo. Ang tanging magagawa na lang natin ay i-undergo sya ng Dialysis. Kailangan nya yun twice a week." - Doc

"Doc, mahal po ba yun?" - Christoff

"Oo. It will cost thousands per bag of blood. And hindi lang one bag ang kailangan every dialysis." - Doc

Nanlambot ang tuhod ko. Bigla bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan. Masakit. Ayokong mawala si Papa sa amin. :'( Ngunit wala akong magawa. Unti-unti ng nauubos ang ipon ni Papa sa bangko na dapat sa pag-aaral namin. Naubos pambili ng gamot.

That moment. Inisip ko ng kukunin sya sa amin ni LORD anytime.

"Papa, okay ka lang? Gusto mo po ng prutas?" - Christoff

"Anak, gusto ko ng umuwi. Ayoko na dito. Masakit na yung kamay ko kakatusok ng karayom." - Papa

Tumalikod ako saglit. Tumulo yung mga luha ko. Gusto kong sabihin kay Papa. "Papa, iniwan na kami ni Mama. Wag mo naman kaming iwan." Pero nagpakatatag ako.

Inuwi namin si Papa sa bahay. Binili namin sya ng oxygen tank dahil nahihirapan na syang huminga.

Natatakot ako. Wala ng doctor na mag-aasikaso. Wala ng dextros ng nakakabit. Wala na yung dating malakas kong Papa.

Pinupunasan ko si Papa sa braso ng magbiro syang ...

"Anak, marunong ka na pala e. Pwede ko na kayong iwan. :)"

Wag Papa. Wag mo kaming iiwan please. :'(

Balik na biro ko, "Oo naman Pa. Malaki na po ako ee. :)"

Pero ang totoo, masakit.

Linggo ng 6pm.

Kung anu-ano na ang sinasabi ni Papa. Humingi ako ng tulong kay Aling Rosa na kapitbahay namin. Ang sabi nya baka nasa loob ang lagnat kaya kumuha kami ng bimpo na nilubog namin sa maligamgam na tubig. Pinunas punas namin kay Papa.

"Marami pa akong pangarap sa inyo." - Papa

Biglang nabanggit ni Papa. Biglang tumulo ang luha ko.

Pagkalipas ng ilang minuto, kumalma na si Papa.

"Anak, napapagod na ako. Matutulog na ako." - Papa

PERO HINDI NA NAGISING PA SI PAPA. :(

Nagsisisi ako sa mga panahong hindi ko naparamdam na mahal ko sya.

Hindi ko man lang nasabi na, "Papa, kahit lasinggero ka.. Mahal na mahal kita."

Hindi kami ganun kaSweet ni Papa sa isa't-isa. Palibhasa mga lalaki, bonding na sa amin yung magBasketball o magbiruan.

Alam ko mas masakit para sa kapatid ko yun kase mas close sya kay Papa.

Tinatagan ko ang loob ko para sa min. Nagpapakatatag ako hanggang ngayon.

Pero nakakamiss lang ...

Yung simpleng bonding nyo na magbiruan.

Yung paggising mo, may nakahanda ng pagkaen sa lamesa.

Yung laging ipagmamalaki yung anak nya.

Yung si Papa na kahit lasinggero, hindi naging iresponsable.

Kase parang kailan lang, mga bata pa kame. Karga karga. Kasama kahit saang lugar.

Parang kailan lang kasama ko pa sya sa pagkuha ng grades sa school.

Parang kailan lang, sinesermonan nya pa ako pag gabi na umuwi.

Parang kailan lang kasama ko pa siya magbirthday.

Kasama ko pa sya magpasko.

Kasama ko pa sya sa ospital.

KASE PARANG KAILAN LANG..

.

.

.

.

.

BUHAY PA SYA. :(

Hindi man kita nakikita Papa. Pero  mananatili lahat ng itinuro mong magandang asal sa akin. Lahat ng memories. Mananatili kitang mahal Papa.

Author: Napakaikli ng buhay. Hindi naten alam kung kailan mawawala sa atin yung mahal naten. Kasama mo lang ngayon, pero bukas, wala na. Sa ilang segundong pagpaparamdam na mahal mo yung mga magulang mo, sobrang saya na nila. Minsan, nagagalit tayo sa kanila kase hindi nila binibigay yung gusto natin. Pero mas nakakainis yung WALA NA YUNG NAGAGALIT sa atin. Nakakamiss yung may manenermon. Wag nating kalimutan na as we grow up, they grow old. Hindi lang ang mga girlfriend/boyfriend/asawa naten, ang gustong makarinig ng I LOVE YOU. Pati mga parents naten. Tanggapin naten na lahat ng tao, mamamatay. Hindi lang naten alam kung kailan. Pero wag nating kakalimutan na "EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON." Think positive ang keep moving forward.

#WalangForever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon