Klariz's pov
"*Kring!!!! Kring!!!!! Toot* Anong oras na ba?" sambit ko at tiningnan yung orasan.
"6:50 am na pala, Shocks! Malalate na ako! Yare na naman ako sa boss ko neto" dagdag ko pa kaya agad ko nang ginawa ang daily routine ko. 7:30 na ako natapos kaya agad na akong tumawag nang taxi. Pag baba ko ay agad na akong pumasok na building.
"Teh dalian mo, pumunta kana dun sa conference room nag sisimula na sila" aniya ni Aira, ang ka trabaho ko.
"Sige-sige pakilagay nalang tong bag ko dun sa table ko" sambit ko dito at binigay sa kanya yung bag ko. Agad na akong tumakbo papuntang conference room. Pero bago ako pumasok ay inayos ko muna ang damit ko, naka plaated na white at blazer na black ang top ko at pencil cut na black ang pambaba ko, naka lugay lang buhok ko at naka glasses lang ako na light. Pumasok na ako kaya ang lahat nang atensyon ay napunta sa akin.
"You are 50 minutes late Miss Magboo" sambit ni Sir John
"I'm sorry Sir di na po mauulet"
"Dapat lang kasi ikaw ang secretary ko. You should come early bago ako dumating. Understood?"
"Yes Sir"
"Good, you may take your seat and lets continue this disscussion" sambit nito kaya dali dali akong umupo.
By the way, I am Klariz Laurelle Magboo, 25 years old at nag tratrabaho sa Gemperle Co. Simula nung nag college ako ay naging independent na ako. Naging working student ako, lahat nang pwede i-extra ay pinasok ko na para mapunan lang ang gastusin ko sa school. Sa una nahirapan akong pag sabayin ang pag aaral at pag tratrabaho pero nakayanan ko naman hanggang ako ay maka graduate. Kasabay kong nag apply si Aira dito sa company at parehas kaming natanggap. Sya si Mr. John Gemperle, ang masungit kong boss. Well let say ganun talaga ang atmosphere nya araw araw. Ever since na pumasok ako dito sa company ay ganun talaga ang ugali nya. Sabi nang iba ay ako na daw ang pang 10 na secretary nya dahil wala daw nag tatagal sa ugali nya. Pero in my opinion baka may tao or event lang na nag pabago sa kanya kasi base sa narinig ko ay mabait daw ito at kwela.
"Ms. Magboo what is my agenda today?" tanong dito dahil patungo na kami sa office nya.
"Uhm Sir may lunch meeting po kayo mamayang 12 pm with the investors. And by 3 pm ay pupuntahan nyo po ang tatay nyo sa ospital" sagot ko sa kanya.
"Ganun ba sige, dalhan mo nalang ako nang coffee at sandwich and pwede ba ibigay mo sa akin yung file na sinend sa atin?" tanong nito at umupo na sa table nya at humarap sa monitor nya.
"Sige po" paalis na sana ako nang bigla pa itong nag salita.
"Urgent pala yung file na hinihingi ko" dagdag pa neto at tuluyan na akong umalis. Nasa cafeteria na ako bigla kong maka salubong si Aira.
"Oh teh kaya pa ba?" tanong nito sa akin.
"Kaya pa" walang gana kong sagot sa kanya
"Mukhang mapapalaban ka na naman ah, pero teka kumain kana ba?"
"Di pa nga eh"
"Naku teh baka mag kasakit ka na nyan"
"Ok lang ako, sige teh una na ako" aniya ko dito at tumungo na sa counter.
"Hello ate" bati ko dito, kilala na ako nang tindera dito dahil araw araw akong kumakain dito.
"Oh Klariz, dating order?" aniya nya kaya tumango ako. Mamaya maya pa ay binigyan nya na ako nang isang regular coffee at sandwich.
"Salamat ate" aniya ko sa kanya at umalis na. Malapit na ako sa office nang marinig kong may kausap si Sir sa telepono.
"Dad I can handle this company on my own, di ko na kailangan nang asawa" sambit nito at mukhang galit.