Kinabukasan
Kara's pov
"Kuya paki ingatan po yan" sabi ko sa isang lalaki habang buhat buhat yung isang box. Nandito na kasi yung mag lilipat nang gamit ko. Kinuha ko ang backpack ko at sumakay na sa harapan. Tumingin muna ako sa bintana para tanawin ang apartment ko.
"Bye" salitang binitawan ko bago umalis ang sasakyan.
Habang nasa byahe ay iniimagine ko na kung ano ang magiging itsura nang kwarto ko. Hmm siguro medyo malaki naman iyon, tapos yung mga wall kukulayan ko nang pink tapos ilalagay ko dun sa mga lagayan yung nga gamit ko na hello kitty. Sa kakaisip ko ay di ko na malayan na nandito na pala kami. Pag tingin ko sa bahay ay nakita ko syang naka cross arm at nakasandal lang sa labas. Bumaba na ako at dumiretso sa kanya.
"Saan yung kwarto ko?" tanong ko dito habang hawak hawak yung bag ko.
"Sa itaas yung kwarto sa kanan" aniya nito habang nakatingin lang nang diretso.
Dahil excited ako sa kwarto ko, agad akong pumasok sa bahay at pumunta sa kwarto na sinabi nya. Dahan dahan akong sumilip sa loob at pumasok. All white lang ito, may mga furniture naman dito kaya di ko na kailangan pang bumili.
"Hayst salamat makakapahinga na din" aniya ko at humiga sa kama. Patulog na sana ako nang biglang may tumawag sa akin.
"Pst gumising ka nga dyan" sambit ni John kaya napa tingin ako. Istorbo naman oh.
"Bakit?" tanong ko dito at tinaasan nang kilay.
"Yung gamit mo sa baba, ilagay mo na dito" utos nya sa akin.
"Tsk mamaya na, matutulog na ako"
"Alisin mo na yun dahil mukhang tambakan na nang basura yung sala ko sa dami nang gamit mo"
"Grabe ka naman sa basura, fyi lang noh! Hindi basura ang gamit ko"
"Whatever, tanggalin mo na iyon kung ayaw mong itapon ko iyon" masungit nyang sabi sa akin kaya napatayo na ako.
"Eto na gagawin na, pwede mo ba ako tulungan sa pagbubuhat?"
"Eh ayoko nga dadala ka dito nang mabibigat na gamit mo tapod sa akin mo ipapabuhat"
"Please pumayag kana" pag mamakaawa ko sa kanya.
"Sige na nga" yes hahaha sabi ko na nga ba eh, tatalab sa kanya yung pagiging charming ko hahaha.
Nang matapos na kami mag buhat pa akyat ay agad itong umalis at pumasok sa kwarto nya. Sinimulan ko nang ayusin yung mga gamit ko. Aaminin ko medyo nakakapagod ang pag aayos pero pag katapos naman neto pwede na ako matulog eh.
Nang matapos ko nang ayusin ay bumaba muna ako para uminom nang tubig. Papaakyat na sana ako nang bigla kong tingnan ang bahay nya. Medyo malaki ito may tatlong kwarto sa taas, isang banyo sa baba, malawak na sala at kusina. Teka di paba sya lumalabas nang kwarto? Kasi mukhang wala naman itong pinag bago nang umakyat ako kanina. Tumingin ako sa orasan, gabi na pala. Tingnan ko nga kung may hinanda syang pag kain. Tiningnan ko yung kaldero nya kung may laman ngunit wala itong laman kaya napag desisyonan ko nalang mag luto. Buti naman puno nang laman yung ref nya kaya di ako mamomoblema. Adobo yung plano kong lutuin kaya kinuha ko na sa ref yung mga ingredients, ilang minuto pa ay nakapatapos na din ako sa pag luluto, nag haluto na din ako nang kanina kasabay nung pag luluto ko nang ulam.
"Anong ginagawa mo?" sambit nang isang boses sa likoran ko kaya nagulat ako.
"Nakakagulat ka naman, kanina ka pa dyan?"
"Di naman pero anong ginagawa mo?"
"Nag luluto nang ulam, kain kana" aniya ko at ngumiti sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/208443030-288-k692152.jpg)