Kinabukasan
Kara's pov
Umaga na pala kaya agad akong nag handa. Nung paalis na ako ay napatigil ako sa isang salamin. Tiningnan ko sandali ito.
"Ano bang gagawin ko? Tatanggapin ko ba o hindi?" aniya ko at umupo sa harapan nito.
"Hayst bakit kasi sa dinami dami nang tao ay ako pa ang napili nya?" dagdag ko pa at ginulo yung buhok. Nag mumukha na akong tanga dito dahil kinakausap ko yung sarili ko dahil dun sa contract.
Napatigil lang ako sa pag iisip nang biglang may bumusina sa labas. Agad ko itong sinilip para tingnan kung sino. Si John?! Anong ginagawa nya dito?. Agad kong inayos yung sarili ko at lumabas. Naka trucker ako na light blue at finold ko lang ang manggas nito hanggang sa siko ko, sando na black sa loob, maong na pants ang pambaba at sandals na medyo mataas.
"Anong meron?" tanong ko nang makapasok ako sa kotse. Sya ulit ang nag mamaneho.
"Napag isipan mo na ba? About dun sa contract?" tanong nito sa akin.
"Sir pwede pag dating nalang natin sa office?"
"Sure, para may oras ka pa mag isip" aniya nito at pinaandar yung kotse.
Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating na kami sa building, habang papasok kami ay pinag titinginan kami nang mga katrabaho ko kaya medyo nahiya ako.
"Don't mind them" aniya ni John. Siguro napansin nya ako, pero nagulat nalang ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko papasok sa elevator. Nang makapasok na kami ay binitiwan nya din ito at lumayo sa akin nang onti. Nang makarating kami sa floor namin ay dumiretso agad ako sa table ko pag upo ko ay agad akong kinausap ni Aira.
"Uy teh ano na? Napag isipan mo na ba?"
"Uhm oo? Ewan? Basta"
"Naku teh pag isipan mo na talaga, kasi anytime pwede ka nyang ipata...." naputol sya sa pag sasalita nang biglang lumapit sa akin yung isang katrabaho ko.
"Klariz tawag ka ni Sir" sambit nun at umalis na.
"Sabi ko na nga ba eh"
"Hayst ako na bahala ok" aniya ko sa kanya at pumunta na sa office ni Sir. Pag kapasok ko ay pinapaikot nya sa kamay nya yung ballpen.
"Oh you're here, so what is your decision?" sambit nito at tumingin sa akin nang seryoso.
"Ahm....Sir gaano po ba katagal yung pag papanggap natin?"
"Hindi ko pwede sabihin hanggat di ka pa pumapayag"
"Eh.....Sir......kasi....." nauutal kong sabi sa kanya.
"Bahala ka malaki din naman ang maitutulong nito sa lolo't lola mo sa probinsya, diba gusto mo mapaayos yung bahay nila?" Teka pano nya nalaman yun? Eh hindi ko naman sinasabi sa kanya
"Teka stalker ka ba?"
"No, so what's your decision?" aniya nya sa akin.
Na estatwa din ako nang ilang minuto kakaisip kung papayag ba ako o hindi. Kung papayag ako matutulungan ko na yung lolo't lola ko sa probinsya, pero maikakasal naman ako sa kanya at mawawala ang freedom ko na makipag date sa iba pang guy. Kung hindi edi mananatili na lang ako kung nasaan ako. Humingan muna ako nang malalim bago mag salita.
"Sige, pumapayag na ako" aniya ko sa kanya kaya napangiti ito.
"Good so, ito yung contract" sambit nya at ibinigay ang isang papel at ballpen. Agad ko itong kinuha para basahin