Klariz's pov
"Si Klariz, malapit na din ako mag propose sa kanya" aniya ni John kaya nagulat ako. Muntikan ko na din maibuga yung tubig na iniinom ko. Wait a minute, anong pumasok sa isip nang lalaking ito at ako pa ang napag tripan? Eh wala ngang namamagitan sa amin eh.
"Oh really kung ganon son, I'm happy for you" aniya nung tatay nya samantalang ako ay blanko parin ang utak.
Tiningnan ko isa isa ang mga guest lahat sila ay masaya maliban lang sa isang babae na naka upo sa harap ni Sir. Ang sama nang titig nya sa akin, yung parang may malaki akong kasalanan na ginawa sa kanya eh, ngayon lang naman kami nag kita.
"So Klariz right?" tanong sa akin ng tatay ni Sir. Kaya tumango ako.
"So how long had you been for?" sasagot na sana ako nang mag salita si Sir.
"Hmm 2 months Dad, actually tinago namin ang relasyon namin sa inyo"
"But why?"
"Ahm aamin din naman kami, nag hihintay lang kami nang tamang oras" aniya nito at ngumiti.
"So I think hindi na tuloy ang kasal nyo ni Rose" aniya nung tatay ni Rose
"What?! No way papa!" sigaw ni Rose kaya lahat kami ay nagulat.
"Calm down Rose, may girlfriend na pala si John. Kaya hindi na tuloy ang kasal nyo"
"This is unacceptable" aniya ni Rose at umalis kaya sumunod naman ang tatay nya.
"Ituloy nyo lang ang pag kain nyo wag nyo silang problemahin" aniya nang tatay ni John.
"Sir? Ano naman po yung sinabi nyo?" bulong kong tanong kay Sir.
"Bukas nalang natin pag usapan" sagot nito.
"May problema ba anak?" tanong nang tatay ni John.
"Dad hatid ko na si Klariz, may gagawin pa kasi sya bukas eh" sambit ni John at tumayo kaya tumayo na din ako.
"Sige mag ingat kayo nang daughter in law ko" sambit nang tatay ni John. Kaya umalis na kami.
Habang nasa kotse kami ay tahimik lang syang nag mamaneho, samantalang ako ay naguguluhan sa mga nang yayari. Gusto ko sana sya na tanungin kung bakit nya iyon ginawa kanina? Bakit ako pa? At kung ano ano pang tanong.
"Bukas nalang natin pag usapan ang contract, dadagdagan ko din ang sahod mo pag pumayag ka" pambasag nya sa katahimikan.
"Pero bakit ako? At ayaw mo dun sa babaeng ipapakasal sayo?" tanong ko sa kanya, itinabi nya ang sasakyan at huminga nang malalim bago magsalita.
"Bakit ikaw? Because you are the only person that can help me from this problem. Bakit ayaw ko dun sa babae? Because that stupid girl broke my heart" aniya nya na parang umiiyak.
"That stupid girl kill my mom" dagdag pa nito at biglang may tumulong luha sa pisnge nya at agad nya itong pinunasan.
"Pano?" tanong ko sa kanya. Medyo naaawa na din ako sa kanya dahil yan ang unang pagkakataon na makita ko syang umiyak.
"Her name is Rose, we used to be college sweethearts. I love him more than my self. After we graduate, he went abroad na hindi sinasabi sa akin. Na depress ako at na praning nung time na yon. Na heart attack si Mommy non kakaisip sa akin at namatay" kwento nya habang umiiyak.
"Sorry kung tinanong ko"
"Hindi ok lang" aniya nya at pinusan yung luha nya. "Hatid na kita" dagdag nya pa at pinaandar na yung kotse.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa apartment ko, agad akong bumaba at nag paalam na sa kanya. Pumasok na ako sa apartment ko at humiga. Hinubad ko yung heels at hinawakan ko agad yung paa ko dahil kanina pa ito nananakit. Mamaya maya pa ay tumunog ay laptop ko kaya agad ko itong tiningnan. Sila Aira tumatawag, inayos ko agad yung mukha ko at agad itong sinagot.
"Hi mga teh musta na?!" sigaw ni Aira
"Aray! Saket sa tenga ha?" sabi ko sa kanya.
"Ay sorry hahahaha namimiss ko lang kasi kayo" agad nyang sinabi sa akin.
"Ako din eh pero Klariz anong meron?" tanong ni Malaya.
"Huh?"
"Anong meron bat ka naka ganyan? Naka dress" tanong ulit ni Malaya.
"Oo nga minsan ka lang kasi mag ganyan" sabat pa ni Colleen.
"Ano....wala"
"Anong wala? Sabihin mo na tayo-tayo lang naman eh" pagpipilit ni Malaya.
"Ah kasi....yung boss ko"
"Ano?" sabay sabay nilang sabi.
"Kailangan sabay sabay? Hahahaha"
"Dalian mo na kasi" aniya ni Aira.
"Kasi yung si Sir John, nag o-offer nang contract"
"Anong contract?" tanong ni Malaya.
"Di ko alam pero sabi nya pag pumayag daw ako, madadagdagan yung sahod ko"
"Oh mukhang maganda pero ano kaya nilalaman nang contract?" tanong ni Colleen.
"Di ko alam pero kanina kasi pumunta kami sa bahay nila"
"Ay ang syosyal mo teh" sambit ni Aira
"Patapusin mo muna sya" singit naman ni Malaya.
"Tapos nung pumunta kami nang dinning table nakita namin yung iba pang client kaya medyo akward. Nung nasa kalagitnaan na kami bigla napag usapan nung tatay ni Sir at yung isang kaibigan nya dun sa wedding ni Sir at yung ex nya. Edi ito naman si Sir nagulat tapos ito pa ang malupet na part, sinabi nya sa tatay nya na girlfriend nya daw ako at malapit na sya mag propose"
"Ano?!" gulat nilang sabi.
"Oh pangalawa na yan"
"Naku teh hindi mo pala sinasabi na may namamagitan sa inyo nang boss mo at mag pro-propose pa" sambit ni Colleen sa akin.
"Oo mga teh naku kelan pa?" tanong sa akin ni Malaya.
"Anong kelan pa? Hello?! Hindi nga naging kami eh"
"So bakit nya yun ginawa?" tanong sa akin ni Aira.
"Kasi daw ayaw nya daw mag pakasal sa ex nya na sinaktan sya at dahilan pa nang pag kamatay nang mama nya"
"Ganun ba, so anong desisyon mo?" tanong naman ni Colleen sa akin.
"Hindi ko alam"
"Pero somehow may good advantages naman kung tatanggapin mo. Matutulungan mo yung lolo't lola mo sa probinsya nyo, pero ang bad advantages lang ay yung mag papakasal kayo at mag papanggap na kayo" sambit ni Aira.
"Oo nga teh kaya pag isipan mo nang mabuti" singit naman ni Malaya.
"Pero kung sakaling pumayag ka, sabihan mo kami kung kelan yung kasal nyo para mapaghandaan namin" birong sabi ni Colleen sa akin.
"Sige, pag iisipan ko. Oh sya mga teh matutulog na ako para makapag isip ako nang maayos. Bye!" aniya ko at kumaway, ganun din sila at pinatay na yung tawag.
Nag palit agad ako nang damit at ginawa ang evening routine ko. Nang matapos ko iyon ay humiga na ako sa kama, pero pinag iisipan ko pa din kung papayag ba ako o hindi. Hanggang sa naka tulog na pala ako.