~Chapter 26~

165 19 1
                                    

Keira poV

"Ate ! Ate !" Rinig kong tawag sa'kin ni eula . Bakit naman nya ako tinatawag e ang aga-aga pa para mang-gising .

"Ate ! ! ! Gumising kana nga dyan ! May nag-aantay sayo sa sala !" Sigaw nya . Sino naman kaya ang nag-aantay sa'kin ? Wala naman akong inaasahan na bisita .

"Sino daw ?!" Sigaw ko , agang-aga naman ng bisitang 'yon 6:30 palang oh .

"Boyfriend mo daw ." Sabi nya , aba nga naman buti pa 'yon alam na may boyfriend ako , kasi ako hindi ko alam e .

"Hoy eula , wala akong boyfriend kaya pwede ba wag kang istorbo sa tulog ko !" Agang-aga pinasisigaw na nya kaagad ako , nakakahiya naman sa kapitbahay .

"Hindi mo ba boyfriend 'yong zyler ?" Biglang nyang tanong , kaya nanlaki ang mata ko at biglaang napabalikwas sa higaan . Putekk! Nandito si monster ?!

Agad ko namang binuksan ang pinto at nakita ko 'don si eula at may tingin itong mapang-asar sa'kin .

"Gwapo ng boyfriend mo ate , saan mo 'yon nabingwit ?" Tanong sa'kin ni eula . Ang bata-bata pa ang harot-harot na tsk .

"Hoy eula tumigil ka nga ! Hindi ko 'sya boyfriend ok ! Tsk ." Padiin kong sabi . Ano ba kasi ang ginagawa ng lalaksot na 'yan dito tsaka paano nya nalaman na nandito ako ?

"Talaga ate ? E ! bakit ang sabi nya kayna lolo boyfriend mo daw sya ." Bigla naman akong nainis sa nalaman ko . Ang kapal ng mukha ng demonyong 'yon , 'di na sya nahiya kayna lolo .

Agad naman akong pumunta sa salas at nakita ko sila 'don nagk-kwentuhan . Kapal ng mukha nya mag pakita sa'kin .

"Oh anak gising kana pala , halika kanina pang alas tres ang boyfriend mo dito ." Sabi ni mama , talaga alas tres ? Kung 'di baga naman sya abnoy na pumunta dito edi sana hanggang ngayon tulog parin ako .

"Hindi ko po sya boyfriend , kaibigan ko lang po sya ." Pagtama ko sa sinabi ni mama .

"Naku , ija alam kong natatakot ka na umamin pero wag kang mag-alala tanggap na namin iyon , kaya wag kanang mag lihim ." Sabi ni lola , nakakainis talaga . Hindi ko naman boyfriend 'yang lalaking 'yan atsaka kakilala ko lang naman talaga 'yan e .

"Pwede po bang maiwan nyo po kami , mag-uusap lamang ho ." Paghingi ko ng permiso . Agad naman silang tumayo at umalis .

"Ano ginagawa mo dito ?" Tanong ko sa kanya , tumingin naman sya sa'kin ng isang malamig na tingin .

"Bakit hindi ka pumasok nung isang araw ?" Tanong nya , bakit nya ba itinatanong ang bagay na 'di na nya dapat pang malaman .

"Wala kana 'don ! Sagutin mo ang tanong ko sayo ." Napatingin naman sya sa'kin na parang nag-aalala tsk 'di sya caring person kaya self wag umasa .

"Nag-aalala ako para sayo , baka patay kana dahil dalawang araw kanang walang paramdam tsk ." Ang sama nya sa'kin ah , baka gusto nya sya nalang ang patayin ko .

"Hindi mo ba natatandaan ang sinabi ko sayo nung isang araw ?" Tanong ko sa kanya .

"Hindi , wala ka namang sinasabi sa'kin nung isang araw ." Sabi nya sa'kin , e ang bilis naman pala ng utak nito ma expired e . Ang dali nyang makalimot .

"Naknang! Ang dali mo naman makalimot ha , diba sabi ko sayo na wag mo muna ako kakausapin o lalapitan hangga't 'di mo nahahanap ang mali mo !" Sabi ko sa kanya at ngumisi .

"Yan nanaman ba ang pagtatalunan natin ?" Tanong nya sa'kin , ewan ko kung bakit parang boyfriend ko nga sya maka-asta .

"Tinatanong pa ba 'yan ? Tsaka bakit kaba nandito ? Saktong alas tres pa ?! Naka drugs kaba ?" Tanong ko sa kanya , baka hanapin sya ng parents nya e . Nakakahiya naman kay mr and mrs. Fuentabella .

Destined To Him (On-going) [Book:2 Of Mr. Cassanova And Me]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon