Sa mundong napakalupit.
Sa mundong puro hirap.
Sa mundong mapait ang buhay.
Sa mundong hindi ko alam kung gusto ba nitong nandito ako.
Sa mundong sa una pa lang kung alam kong ganito ay hiniling ko nalang na hindi mabuhay.
Ayan ang mundo para sa akin.
Bakit kung sino pang mayaman e yun yung malungkot at parang may kulang?
Nasa akin na ang lahat sabi nila.Wala na daw akong hahanapin.
Na siya namang hindi ko at never kong sasang-ayunan.
For me, I am nothing.
Parang pinanganak lang ako sa mundong to para maghintay kung kelan ako malalagutan ng hininga.
Bakit pa nga ba ko nandito?Ano pang rason at nabubuhay ako?
Mayaman ako?,Oo.
Matalino ako?,Oo.
Maganda ako?,sabi nila Oo.
Magaling ako sa lahat ng bagay at parang wala na akong hindi kayang gawin,Oo.
Kung tutuusin swerte nga ko't nasa akin lahat ng mga yan.
Pero para sa akin walang saysay lahat yan dahil wala akong magulang!Sa murang edad ko ay pinagmalupitan agad ako ng mundo!Hindi ko alam kung sa panahong yon meron na akong napakalaking kasalanan kaya ganun nalang ang naging kapalit non!Sa murang edad ko'y sandali ko lamang naramdaman na meron akong magulang!
Ang masakit pa,ako mismo!Ang dalawang mata ko mismo! ang nakasaksi kung paanong nagmakaawa ang aking mga magulang sa mga taong yon na walang awa silang pinatay ni hindi manlang inisip ng mga hayop na yon na may maiiwang musmos na batang pinagkaitan nila ng magulang sa murang edad!
Pero pinilit kong magpatuloy sa buhay.
Hahanapin ko ang mga demonyong yon at ipaparanas sa kanila ang ginawa nila sa akin!
Kapag nagawa ko siguro yon ay pwede na din akong mamatay.
Iisang tao lang ang pinaka pinagkakatiwalaan ko.
Ang taong nagpalakas,nag-alaga,at nag-turo sa kin na maging matapang.Nagturo sakin na sa mundong ito wala kang kakampi na kahit sino,wala kang maasahan na kahit sino,walang magmamahal sayo na kahit sino kung hindi ang sarili mo mismo!
Ngunit may dumating na isang tao na magpapabago sa lahat ng pananaw ko.
Taong hindi ko akalaing mamahalin ko ng higit pa sa sarili ko.
________________________________________
SA/N:
Wasssssuuppp mga erp Herm nga pala!Siguro nagtataka kayo kung bakit 'SA/N:' dapat 'A/N:' lang diba?Pake mo? 'SIRAULONG AUTHOR'S NOTE' kase meaning niyan wag kang ano. d--,b Imbento ko e bakit?Palag?!Joke lang labyuuuu.Hehe vote ka naman dyan⭐Ayaaaaannn good ^________^