Sue's POV:
Medyo inaantok ako ang tagal dumating ng teacher sa next subject.Napagdesisyunan kong yumuko sa mesa ko.
*hikab
Haysss.Inaantok talaga ako.
Agad pumikit ang mata ko,inaantok din ako sa music na naririnig ko.At di namalayang nakaidlip.
Naimulat ko ang mata ko habang nakayuko parin dahil sa lakas ng kalabit sa ulo ko.
Kinusot ko onti ang mata ko at pagmulat ko ay may matandang nakasalamin sa harap ko at sobrang lapit ng mukha sakin halos maduling ako.
"Please lumayo ka konti."saad ko at inalis ang air pods ko.
"How dare you to sleep on my class!"singhal niya halatang inis.Ang OA naman.
Nakapamewang siya sa harap ko halatang matanda na ito at halatang mataray kilay palang.
"Ano pipe ka ba!Answer my question!"
"Wala ka pa kanina kaya nakaidlip ako."rason ko pero alam kong hindi naging magalang ang pag-sagot ko.
Tumaas ang kanang mataray niyang kilay.
Tch!
"Ha!Napakabastos mo!"
"Look,hindi ko alam na nandito ka na and kung nakatulog man ako edi sorry tss."inis ko ding anas.Late kase dumating tas!Haysss!
"What's your name?"Parang napipikon na tanong niya at tatango tango pa.
"Suejin Montecillo."prenteng sagot ko naman.
"Oh the Newbie kaya pala ang lakas ng loob.You don't know me?"turo niya pa sa sarili.
"Coming from you that I am new here then, isn't it obvious that I don't know you ma'am?"sarkastikong sambit ko.
"Lupet hahaha."
"Ang lakas niyang sagutin ang most terror teacher ng AVPA."
Rinig na bulungan naman nila.
"Let me introduce my self ija.I am Mrs.Herbie Espiritu also know as 'most terror teacher of AVPA' and not anyone,not even you can sleep at my class!Hindi din pwede ang ugali mo sakin!"halatang inis na talagang saad niya.Mukhang galit na galit na din.
Kulet sinabi ng natulog ako ng wala pa siya e!Di nalang mag-klase tch!
"Oh really?"saad ko sa tonong parang nang-iinis.
"Hindi ka talaga natatakot sakin ano?Sige subukan natin kong may ibubuga ka at kapag wala ka saking maisagot automatic bagsak ka sakin ngayong 1st Quarter!"nag-dadabog na aniya papunta sa harapan tahimik ang room at sandals niya lang ang dinig.
"Ms.Montecillo stand up!!"
tamad naman akong tumayo at direktang tinitigan siya na walang gana.
"My subject in this class is Science,Nature, andTechnology at sa Science kita susubukan!"
Mas masarap talaga mang-asar pag galit na.Sana masagot ko yung mga itatanong niya para hindi naman ako mapahiya.Tch!
"What is the largest planet in the solar system!"
seriously?Very easy!
"Jupiter,and all planets in the solar system could fit inside that planet."prenteng sagot ko.