Chapter 1: Strangers

6 0 0
                                    

Sue's POV:

"Cy I think on upcoming school year..." Tiningnan ko lang si Mozart nang nag-aantay sa susunod niya pang sasabihin.Alam kong medyo nag-aalangan siya sa sasabihin niya dahil bahagya pa siyang napahinto."Gusto kong ngayong senior and last year mo sa secondary level,
g-gusto kong sa normal school kang pumasok at simulang sanayin ang sarili mong hindi na mag-home school.Gusto kong makatanggap ka ng diploma like on other teenagers there na pumapasok sa normal school."Mahabang saad ni Mozart.

"Hmmm.I like it too, but I think about it"as usual sa walang buhay na tono.

Si Mozart,siya na ang nag-alaga sakin since my parents passed away and I'm super thankful for that.Para ko na siyang tatay dahil nasa 40+ na ang edad niya.Siya din ang humahawak ngayon ng mga kumpanya namin.Sa madaling salita siya ang tumayong magulang sakin.Nakasanayan kong Mozart lang ang tawag ko sa kanya.Mabait siya at palabiro pa nga hindi ko alam kung bat nagkasundo kami neto dahil salungat na salungat ang personality naming dalawa.Kaibigan siya ng daddy ko,malapit na kaibigan.Business partners din daw sila dati meron din siyang sariling kumpanya pero nagagawa niya pa din patakbuhin ang mas malaki pang kumpanya namin.Namatay na din ang asawa't anak niya kaya ganon na lamang siguro kaya kami nagkasundo dahil kahit papaano'y natagpuan namin sa isa't isa ang pagmamahal ng isang anak at pagmamahal ng isang magulang.

Hindi mo din mahahalata sa kanya na may edad na dahil napaka-healthy ng katawan niya kita yon dahil sa matipuno niyang pangangatawan.Kapag wala siyang mga meetings o gagawin sa opisina ay nagwo-work out siya.Napakarami niyang alam sa martial arts,halos lahat ng klaseng martial arts ay alam niya.Magaling rin siya sa Gun Shooting,Archery at pag-hawak ng ibat-ibang uri ng patalim.Lahat ng yon ay tinuro niya sakin nag-simula yon nung mag-8 years old ako.

Ako din ang nagpresentang turuan niya ako dahil nga wala akong nagawa nung mangyari yun sa mga magulang ko.Di ko din alam kung bakit pa ko nag-aral ng mga yon wala nanaman akong poprotektahan. Minsan naisip kong sana matagal ko ng alam lahat ng natutunan ko sa kaniya baka sakaling may nagawa ako nung mga panahong yon.Pero may rason ako kung bakit mas pinili ko paring matuto.Sabi din ni Mozart ay tama lang na matutunan ko iyon for self defense.

Gusto kong mag-higanti.

"At sana'y pumayag ka,matalino kang bata Cy at gusto kong manguna karin sa klase at ako ang magsasabit ng medalya mo bagay na gustong-gusto kong gawin kung nabubuhay lamang anak ko."bagama't nakangiti ay makikita mo parin ang lungkot sa mga mata niya.

Tipid akong ngumiti.

"Moz,pumapayag nako matupad ko lamang ang pangarap mo.Pangako ring hindi kita bibiguin."sinserong saad ko at ang malungkot niyang mga mata ay napalitan ng purong saya dahil sa narinig mula sa akin.

"Thank you Cy..."saad niyang nakangiti."I have a meeting with the stakeholders of your company I have to go.Papakita na lamang sa iyo ni Sandra yung mga napili kong schools para sayo pumili ka nalang doon at agad kitang ieen-rolled"dagdag niya pa at tinutukoy ang sekretarya niyang si Sandra.

"Okay then take care Moz."Niyakap ko siya't tinapik sa balikat nakasanayan kong ganon kapag magpapaalam ako sa kaniya.

Tinanaw ko lang siyang palabas ng maindoor ng mansion.Tsaka tinungo ang veranda ng kwarto ko.Hinayaan kong doon lumipad kung saan ang isip ko.

maya-maya pa ay..

*Knock*Knock

"Come in!"Sigaw ko dahil alam kong kung hihinaan ko ang boses ko hindi ako maririnig sa labas dahil malaki ang kwarto ko at malayo ang veranda ng kwarto ko sa pintuan nito.

Nakangiting lumapit naman sa akin si Sandra.

"Good Afternoon,I know Mr.Saavedra told you already about this gusto niyang pumili ka ng school na gusto mo mula sa mga magagandang skwelahang pinili niya."Nakinig naman ako sa kaniya at tumango tango,alam kong ang mga napili ni Mozart na mga schools ay mga tanyag at mga private schools."There are 5 best schools for Mr.Saavedra eto tingnan mo nalang sa iPad may mga informations din diyan tungkol sa mga schools at yung mga ratings nila"dagdag niya pa at inabot sakin ang iPad niyang lagi niyang bitbit dahil doon din niya tinitingnan ang mga schedules ni Moz.

STICK with YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon