PROLOGUE

28 1 0
                                    

Prologue

**

3rd year Highschool ako nung may bagong lipat sa tabi namin bahay. Papunta nako sa school nun nung nakita ko ang lalaking naka tshirt at tumutulong magbuhat ng mga gamit papunta sa loob ng bahay na nilipatan nila. Hindi ko alam pero nung napatingin ako sa kanya hindi ko namalayan na nakatitig na pala kami sa isa't isa. Parang nag slowmotion pa nga habang nakatingin din siya sakin at buhat buhat ang isang trey na puno ng stuff toys e.

Hanggang sa nakarating ako sa school hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyaring titigan namin kanina. Kitang kita ko pa rin ang mejo singkit nyang mata at mapula nyang labi. Parang may gustong sabihin ang mga titig nya sakin eh. Anong year na kaya siya?

**

Isang linggo na nung may bagong lipat samin. Ka close na ni Mama yung babae, siguro mama nung lalaking nakatitigan ko yun. binili pala nila yung bahay dahil nangangailangan nun ng pera ang may ari. At sakto naghahanap sila ng bahay kaya yun.

First period namin at math ang subject. Sigurado tinatamad ako. Ewan ko ba, pagdating talaga sa math ang hina hina at ang tamad tamad ko. Maya maya lang dumating na ang teacher.

"Class? May bago kayong kaklase. He's from another country. Pero ang mga magulang niya dito sila nakatira. Wag kayo mag alala marunong siyang magtagalog" konting pagtawa ng teacher. He?? So lalaki pala siya?

"Mr. Dela Fuente come in and kindly introduce yourself" sabi ulit ng teacher. Biglang tumibok ang puso ko ng mabilis na hindi ko alam ang ibig sabihin.

"Hi. I'm Michael Christian Dela Fuente. From New York. Thats all" Nakanganga pa rin ako hanggang ngayon dahil sa napaka cool nyang mag salita. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Ano ba heart? Lumalandi ka na rin ba?

"Can I sit here miss?" Tanong nya sakin pero hindi pa rin ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang gwapo nya pag malapitan

Hindi na ko nakapag oo dahil nakaupo na pala siya. Tss hndi man lang hinintay ang sasabihin ko.

"Kayo yung bagong lipat sa tabi namin no?" Biglang tanong mo sa kanya. Nakasandal lang siya. Mukhang wala siyang ganang makinig kasi yung ulo naka lagay lang sa sandalan.

"Yes. At nakita kita nun, titig na titig ka sakin. Haha" pagkasabi nun naramdaman kong bigla akong namula. Shet. Natatandaan nya pa pala?

"Ah hehehe." Napatawa nalang ako ng nakakahiya. Shit lupa bumuka ka ngayon din!

"Nahiya kapa. Sanay nako jan." Inayos nya ang upo nya at umarap sakin "Gusto kitang maging kaibigan. Ano pangalan mo?" Biglang tanong niya. Napaarap din ako sa kanya.

"Ha? Ang bilis ah. Ayaw mo muna ko kamustahin? Haha" natatawang sagot ko.

"Hahaha. Okay how are you? Hope you okay. Can we be friends? Ikaw ang kauna unahang nakilala ko dito. So sana maging close tayo" hindi ko mapigilan hindi mapangiti kasi ako ang una nyang nakilala dito tapos transferee pa siya at katabi lang namin siya ng bahay.

"Valerie Nicole Ramos.. But you can call me Nicole" nakangiting sagot ko.

"Okay Valerie. From now on we're friends. Gusto ko lagi kitang kasama." Sabay kindat niya pa. Ewan ko. For the first time hindi ako nainis na tinawag nya kong Valerie kahit siya pa lang tumawag sakin ng ganun at ayaw ko ang tinawatag ako ng Valerie.

Dumaan ang araw lagi kaming magkasama. Ako na simpleng estudyante lang, ang dami ng naiinggit sakin kasi ang gwapo nya. Eh ako simple lang naman. Minsan nga may ng memessage sakin sa facebook na ang landi ko daw. Pano ako naging malandi nun? Ay naku.

Pinakilala ko siya sa family ko as my friend. Since katabi lang namin sila ng bahay kaya okay lang kina mama na pumunta sya sa bahay anytime. Ka close din naman ni mama ang mama ni Christian so mas komportable kami. Sina mama kasi strikto sa pakikipagkaibigan ko sa mga lalaki e. You know. Mahirap na daw ang magtiwala sa ibang tao.

**

Yun na nga. Habang lumilipas ang araw lalong lumalalim ang pagkakaibigan namin ni Christian. Sabay kaming pumapasok sa school. Sabay din kaming umuuwi. Ang nga friends nya kilala ko, mga friends ko kilala nya din. Sabi nga ng iba para daw kaming mag boyfriend, tumatawa na lang ako pag sinasabi nila yun. Hindi naman kasi mangyayari yun lalo na't may kinukwento sakin si Christian na natitipuhan niya. At lalong ako, sabi ko may Crush ako sa school. So imposibleng maging kami kasi may iba kaming gusto.


**

#MBB

My Boyfriend, Bestfriend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon