Chapter 2~
Christian Pov
Ako nga pala si Michael Christian Dela Fuente. Yun na muna ang alam nyo sakin. Haha. Ang saya saya ko kasi. Sobra. Ang tagal ko ng gusto ang babaeng to, atleast ngayon akin na siya. Wala ng makaka-agaw pa. Nung bagong lipat pa kami, nakita ko siyang papasok sa school, dinadala ko nun ang mga stuff toys ng kapatid ko. Napasulyap ako sa kanya, nakatitig din siya sakin nun. Yung mga mata nya, yung tingin nya sakin, yung mukha nya. Grabe nakaka agaw atensyon talaga.
Nung una balak ko talagang isali sa mga collections ko pero nung nalaman kong iba sya sa mga babaeng nabibiktima ko, pinigilan ko ang sarili ko na lokohin siya. Nakipagkaibigan ako sa kanya dahil gusto kong makilala talaga ang babaeng to.
Hindi ko talaga siya papakawalan pa. Ang hirap na maghanap ng tulad nya kaya hindi ko talaga siya bibitawan.
"Sige na. Papasok nako" sabi ni baby ko. Nasa harap na kami ng bahay nila ngayon.
"Ha? Sabay tayo. Magpapakilala ako." Sabi ko sa kanya. "Tara na" papasok ako sa loob.
"Christian bukas na---- ah hello mama" napatid sasabihin ni Valerie kasi biglang lumabas ang mama nya. Namutla bigla ang baby ko e. Kinakabahan to sigurado. Haha
"Anak. Bt nanjan kayo? Pumasok nga kayo dito." Sabi ni tita. Pumasok naman kami. Pero pag pasok namin, nakita namin si Tito na nanonood at kinikilig. Napatingin ako ky Valerie na nanlaki ang mata. Natatawa ako sa reaction ng baby ko.
"Ma??? Paaa??? Ano yan? San nyo galing yan?"
"Anak ah. Dalaga ka na. Nakikita ko ang kabataan ko sayo. Ang sweet ng boyfriend mo" tuwang tuwa sabi ni tita tapos niyakap nya ko. "Ganyan din ang ginawa ng papa mo nun kaya lang walang fireworks nun e" dugtong nya pa.
"Ahh.. Ehhh. Ma? O tita? Gusto ko lang po magpakilala sa inyo ng pormal at personal. Hindi po dahil lagi akong pumupunta dito o kaibigan ko si Valerie nun. Gusto ko lang po sanang maging legal kami at promise po na hindi ko po siya sasaktan at kahit kami na. Hindi po namin papabayaan ang pag aaral namin" sabi ko. "Alam ko pong hindi nyo pa siya pinapayagan na makipag boyfriend pero pangako po talaga na hindi po siya magsisisi na sinagot nya ako." Dagdag ko pa.
This time seryoso ako. Nakatingin lang sakin ang mama ni valerie habang si papa nya ay nakikinig samin.
Tumayo bigla ang papa ni valerie tapos lumapit sakin at tinapik nya ako sa likod.
"Im so proud of you SON"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nyang 'son'.
"N-naku.. Thankyou po S--"
"Papa. You can call me Papa if you want. Mula ngayon tanggap kita. Dahil sa ginawa at pinakita mo sa amin. May tiwala ako sayo. Alam mo bang kala ko wala ng ganyan sa mundo? Na pupunta sa bahay at personal na magpapakilala? Kala ko hanggang txt or call nalang ang panliligaw pero nagkamali ako"
Mahabang sabi nya. Hindi ako makapagsalita dahil ang sarap sa pakiramdam. Kala ko sa ama ng girlfriend mo ang nakakatakot na step bago ka tanggapin sa pamilya pero mali din pala ako.
"Maraming salamat po. Mama, Papa. Ang sarap sarap po sa pakiramdam. Sa totoo lang po first time ko ito kaya kinakabahan ako. Pero nawala po yung kaba ko dahil sa pagtanggap nyo sakin" nakangiting sabi ko sa kanila. Ngumiti lang din sila.
Napatingin ako kay Valerie. Nakayuko lang siya kaya Linapitan ko siya.
"Nahihiya ka pa din? Gusto na ako ng family mo." Nakangiti kong sabi.
"Alam ko. Nahihiya ako sa kanila. Hindi ako sanay na ganito. F-first time ko kasi" sabi nya. Nakayuko pa rin siya. Ang cute ng baby ko.
Biglang lumapit ang mga magulang nya samin. Nagsalita si mama. (Mama ni baby ko)
"Its natural anak. Mawawala din yan bukas o kinabukasan. Ang importanti wag na wag mong papabayaan ang pag aaral mo ha? Kayong dalawa. Gawin nyo nalang inspirasyon ang relasyon nyo sa pag aaral okay? Im happy for the both of you" tapos yinakap nya kaming dalawa. Ang saya saya ko talaga.
"Tara kain na muna tayo dito" biglang sabi ni papa.
"Ah-- pwedi po bang pumunta muna kami sandali ni valerie samin? Papakilala ko lang po siya sandali" pagpaalam ko sa kanila.
"Uyy? Pwede bukas na lang? Nahihiya ako e." Singit ni baby ko. Napangiti ang mama nya haha.
"Sigurado ka? Sandali lang tayo" sabi ko.
"Bukas na lang. Nahihiya talaga ako"
"Ok sige."
"Tama na muna ang hiya hiya. Kain na muna tayo love birds" nakangiting sabi ni mama. Sorry mama na talaga ang tawag ko sa mama ng baby ko
"Ma naman eh" sabi ni baby ko. Haha
"Ang cute mo" sabi ko na lng. Totoo naman kasi. Nahihiya talaga siya eh. Haha.
Nagpwesto na kami sa mesa. Katabi ko si Valerie tapos kaharap namin ang magulang niya. Sabay sabay kaming kumain. Simple lang ang ulam. Sinigang na bangus daw ang pangalan. 2nd time ko ng kumain ng ganito. Oo, simple lang ang buhay nina Valerie. Nakakakain tatlong araw. At masaya sila kahit ganun lang.
Tanggap ko naman siya e. Hindi basehan ng pera ang pagmamahal. Mahal ko siya at alam kong mahal niya ako. Marami akong balak sa relasyon namin at pangakong magtatagal kami. Wala man forever pero promise. Kami naman until the end.
Kumain na kami ng sabay sabay. Napapangiti ako kasi sa daming beses ko nga pumupunta dito, ngayon lang kami sabay sabay na kumain.
***
Christian Pov lang po talaga. Sorry short update.
Sorry din po kung slow update. Ang dami po kasing ginagawa sa school. Hope you understand po. Salamat :)
![](https://img.wattpad.com/cover/26551914-288-k21327.jpg)