1

21 1 0
                                    

Chapter 1~

Nicole Pov

"Ahhhhhhh! Ibigay mo na kasi yan!!! Kahit iba na lang. Wag lang yan!!" Kanina pa ako nagsisisigaw dito. Pero tong kasama ko tinatawanan lang ako.

"Hahahahaha. Kiss mo muna kasi ako" sabi nya tapos tumawa ulit. Inaasar nya talaga ako e

"Isa pa. Pag hindi mo binigay yan. Break na tayo!!!" Panakot ko. Ooops! Mali! Hindi pa pala kami. Nanliligaw pa lang siya. Hehe

At bakit ako nagsisisigaw? Kinuha lang naman niya ang underwear at towel ko. Wala tuloy akong magamit. Hindi naman ako pwedeng lumabas ng ganito. Nasa Cr kasi ako ngayon. Katatapos ko lang maligo.

"Hindi mo pa nga ako sinasagot. Break agad? Sige sagutin mo muna ako bago ko ibibigay to" naku. Mas lumala pa. Ikaw ba? May manliligaw ka bang ganito? Ano gagawin mo? Tara pektusin na natin oh.

"Lalo kitang hindi sasagutin pag hindi mo binigay yan!!! Wag moko subukan Dela Fuente!!" Sigaw ko. Naiinis na ako. Oo mahal ko siya, crush ko siya dati. Pero tangina lang. Pati ba naman underwear ko dudukutin nya?

"Eto na. Eto na. Buksan mo na 'to. Dalian mo jan." Sabi nya. Agad ko naman binuksan ng konti ang pinto at inabot yung undy at towel ko.

Pinunas ko agad ang buong katawan ko. Sinuot ang damit ko at lumabas na. Nakita ko naman ang lalaking palaging nang aasar sakin na may kausap sa phone.

"Ah yes. Thankyou thankyou. See you later honey okay? Puntahan kita jan. Magpapaalam lang ako. Pupunta na ako" sabi nya. Ano daw? Honey? Dapat ba akong magalit--o magselos?

Bigla akong nagsalita sa likod nya kaya humarap siya sakin. "A-ah sino yun?" Tanong ko. Nauutal ako kasi mejo may sumakit sa dibdib ko dahil sa narinig ko. Ngayon lang kasi ako nakarinig mula kay Christian na ka call sign nya. Sakin nga wala pa e.

"Ah tapos ka na pala. Magpapaalam lang ako. May pupuntahan lang akong importante. Tawagan kita mamaya. So be ready okay?" Kiniss nya ako sa noo bago siya lumabas ng kwarto. Be ready? Anong ibig nyang sabihin? I mean. Bakit kaya?

Hindi na ako nagsalita. Nakita ko nalang sa bintana na nakasakay na siya sa motor nya at unti unting palayo.

*

Ako nga pala si Valerie Nicole Ramos. 1st year College. Kaklase ko pa din si Christian as usual. Business Administration kami pareho. Pwede nyo akong tawagin na Nicole dahil si Christian lang ang tanging tumatawag sa akin na Valerie. Sinanay nya ang sarili nya eh. Ah oo nga pala, nanliligaw na sa akin si Christian. Hindi ko nga alam kung panliligaw ang tawag dito e, sinasabi nya lang na nanliligaw siya. Lagi nya naman akong inaasar, pinapahiya sa barkada at lagi pa akong binubully. Sinabi ko nga sa kanya na gusto ko pormal na panliligaw pero ang lagi nyang sinasabi sakin -buti-nga-liniligawan-pa-kita-eh-kahit-hindi-ako-sanay-na-manligaw. See? Ganyan ba ang mga manliligaw nyo? Ah sabagay. Si Christian kasi playboy yan sa New York e. Halos babae na ang nanliligaw sa kanya. Pero tangina lang, ayoko ng ganito. Walang ka sweet sweet. Walang effort.

Kung nagtataka kayo kung bakit allow si Christian na pumasok sa kwarto ko. Kilala na kasi nila Mommy at Daddy si Christian at malaki ang tiwala nila sa kanya, kaya yun. Matagal na mula nung magkaibigan kami. Halos 2 years na ata. (Kindly read the prologue) pero eto siya ngayon. Nanliligaw 'daw' saken. Hindi pa alam nina mama na naliligaw na tong kutong lupang to sakin e. Sabihin nya daw pag kumpleto kami chaka alam naman daw nya na papayag sina mama kasi malaki ang tiwala nila sa kanya. Ang kapal talaga e.

Saktong tapos na akong mag ayos ng sarili. Naka tshirt na malaki lang ako at nakashorts na maiksi. Nasa bahay lang naman ako kaya ganito suot ko. Bago ako lumabas ng kwarto kinuha ko ang cellphone at bumaba na. Nadatnan ko naman sina mama na nanonood ng tv habang si daddy naman ay nagbabasa ng dyaryo.

My Boyfriend, Bestfriend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon