Sorry sa typos. Hindi ko na siya ie-edit. Okie? Hope you enjoy reading. Thank youuu.
CHAPTER 1
(2 years ago)
"Miss, saang room 'to?"
Napalingon ako sa lalaking kumulbit sakin. Nakaupo kasi ako sa benches dito sa lobby, waiting for my friends to come. Nilingon ko naman ang registration card niya at nakitang room 305A ang tinuturo niya. Well, luckily, same room kami ng papasukan today but I don't dare to mention it.
"Sa 3rd floor ng building na 'to," Sagot ko.
"Ah, sige. Salamat!" Ngumiti siya saka tumayo na at umalis.
I deliberately looked at my watch. It's 10:25 AM already and our first class would be at 10:30 AM. Well, I am used to it. I am always the early bird in our group.
Muli kong naalala 'yung lalakeng nagtanong kanina. He is indeed handsome and hot. Naiisip ko na kung paano ko 'to ichichika sa mga lukaret kong kaibigan. But seriously, I think he's a transferee. Hindi pamilyar ang mukha niya sakin at hindi pa niya kabisado ang napaka-liit na university na ito. I can't blame him, though. Ganun din ako nung first day.
"Bliss!" Someone shouted.
"Sa'n na daw si Kleng?"
"Sabi niya malapit na siya?"
"Jusko! Gaano ba kalayo 'yang malapit?" I retorted.
She chuckled. "Hot?"
"May hot na lalaki kasi akong nakausap, e."
"Sino?"
I was about to answer her when Kleng entered the building. Alam niyo ginawa niya? Hinila niya lang naman kami while 'Late na tayo' is chanting franctically in her big mouth. Now, whose fault?
Pagkarating namin ng 3rd floor, as usual, habol ang hininga namin. BSA ang classmates namin ngayong sem sa Math. To share a little details, regular students kaming tatlo but we decided to arrange our sched in days we actually wanted. Nagustuhan kasi namin ang pagiging irregular nung 1st sem.
"Bliss, sino 'yung sinasabi mo kanina?" Tanong ni Cha. Akala ko nalimutan na niya.
Hindi ko siya sinagot. Sinenyasan ko na lang siya na mamaya na dahil pumasok na 'yung prof namin. He's a not-so-good-looking man because of his age but he seemed nice.
I wonder where he is. Luminga linga ako pero hindi ko siya makita. Walang naka-orange shirt sa mga lalake rito.
Pagkatapos magpakilala nung prof namin, kami naman ang inutusan niyang magpakilala. And since kami ang nasa likod, kami ang pinauna.
"We'll start with the Charlie's Angels at the back," He really is pertaining to us.
Unang nagpakilala si Kleng, then ako, and Cha. After ng ilang minutong pagpapakilala, biglang bumukas ang pintuan sa may harapan. Iniluwa nito 'yung lalaking kanina ko pa gustong makita ulit. Nagsitinginan ang mga babae and I was just at the back, squeezing Cha's arm.
"Siya," Sabi ko.
Tumatango-tango si Cha. "Hmm. Gwapo!"
"You belong here, Mr?" Tanong nung prof namin.
"Yes, sir. I'm sorry for being late."
"I don't tolerate late comers but you're exempted today. Go introduce yourself,"
Pumwesto siya sa harap saka ngumiti. Halos marinig ko na ang pagkabog ng puso ng mga babae rito.
"Good morning. Ah, I'm Sebastian Jargon Villanueva. I'm taking up BS in Psychology,"
BINABASA MO ANG
ONE SHOT (COLLECTION)
Short Story• One Last Dance • Forever • A Night To Forget • Dear, Bes • My Valentine