"4, 3, 2, 1..." Sabay sabay naming pagbibilang hanggang sa matapos na ang sinasayaw namin sa PE.
Tagaktak na ang pawis namin pero tuloy pa rin kami sa pagsasayaw. Huling praktis na kasi namin ito dahil bukas na kami magpe-present sa prof namin. Dito nakasalalay ang midterm grade namin kaya puspusan talaga kami sa pagpa-praktis.
"Last two, guys!" Sigaw ng president namin na siyang nag-choreo ng aming sayaw.
"Lagpas alas tres na, Jovs." Puna ng isa kong kaklase.
"Alam ko!" Segunda naman ni Joven, ang president namin. "Ayusin n'yo na kasi. Sumeryoso na kayo kung gusto n'yo na umuwi. Kapag may nakita pa akong nagkamali, uulit tayo."
"Ayyyyy!" Reklamo nilang lahat.
Nagkatinginan na lang kami ni Pat, ang bestfriend ko.
"Game na!" Sigaw ng isa naming kaklase.
Nag-start na ulit kami at sumayaw. Syempre, hindi tinotoo ni Joven na uulit kami kapag may nagkamali. Natapos namin ang praktis at lahat sila ay nagsitakbuhan na para kunin ang mga bag. Napaakbay ako sa balikat ni Pat habang palapit kami sa kinaroroonan ng mga bag namin. Pero hindi pa ako nakakalapit ay may naaninag na akong isang pamilyar na mukha.
Hinding hindi ko makakalimutan ang mga ngising iyon kahit pa ilang taon ko na siyang hindi nakikita at nakakasama. Napahinto rin si Pat nang bigla akong manigas sa kinatatayuan ko.
"Uy! Napano ka? Kilala mo?" Tanong ni Pat sa akin.
Imbes na sagutin ko ang kasama ko, tumakbo ako sa taong nasa 'di kalayuan. Agad namang umamba ang kanyang mga kamay para yakapin ako.
"Namiss kita, Cam!" Sabi ko nang mayakap siya pero bigla akong napahiwalay sa kanya. "Ay, sorry! May pawis ako! Nakakahiya naman sa galing sa America!" Tumawa ako.
"Loko! Kahit mabaho ka, yayakapin pa rin kita!" Sabi naman niya.
"Kailan ka pa bumalik? Bakit hindi ka nagpasabi? Grabe ka! Hindi ka na nga nagpaalam nung umalis ka tapos ngayon babalik ka nang walang pasabi? Sarap mong bugbugin e no!" Sinapak ko siya sa braso.
"Sorry na! Mamaya na ako magkukwento. May naghihintay yata sayo..." Nginuso niya si Pat na hawak na ang bag ko.
"Ay, Pat! Si Cam pala, 'yung kinukwento ko sayo na bestfriend ko pero bigla akong iniwan." Inirapan ko ang lalaki sa tabi ko. "At Cam, meet Patricia, bestfriend ko din na hindi nang-iiwan!" Tumawa ako.
"Hi!" Nag-wave pang bati ni Pat.
"Hi. Buti na lang 'di mo iniiwan 'to ano? Sa ugali niyang 'yan?" Siya naman ang tumawa.
"Aba't! E sa nagkakaintindihan kami e!" Sigaw ko.
"Saan kayo niyan?" Pag-iiba niya ng topic.
"Pauwi na. Ikaw? Paano mo nalamang dito ako nag-aaral?"
"Good. Dala ko kotse, sabay na kayo sakin pero kain muna tayo. Treat ko."
"Malamang!" Irit ko. "Kung alam ko lang, sinusundo mo 'ko dito." Tumawa akong malakas.
"Feelingera ka pa rin. Anyway, saan n'yo gusto kumain?"
"Jollibee!" Sagot ko.
"Sige, tara."
"Uy, Sia, uuwi na 'ko. Nakakahiya kaya!" Sabi ni Pat sa akin.
"Ano ka ba! Huwag ka mahiya. Minsan lang 'to manlibre saka gutom na 'ko."
"Sigurado ka?" Paninigurado niya. Nilingon niya si Cam na nakatingin lang sa amin. "Okay lang?"
"Oo naman! Tara na?"
BINABASA MO ANG
ONE SHOT (COLLECTION)
Short Story• One Last Dance • Forever • A Night To Forget • Dear, Bes • My Valentine