A Night To Forget

53 2 0
                                    

A Night To Forget


"Mik, ano ba 'yang soot mo?" Pinagtaasan ako ng kilay ni Monica.

"Bakit?" Nilingon ko ang soot ko. "Sabi mo okay naman ang shorts?"

"Oo nga. Pero hindi ko sinabing mag-soot ka ng T shirt!" Inirapan niya ako saka hinarap ang kanyang cabinet.

Narinig ko ang hagikgik nina Rose Anne, April, at Ezekiel. Sila kasi naka-short shorts o kaya ay tight dress. At si Monica naman ay naka-short shorts rin at tube na talagang humubog na sa katawan niya.

Inaya kasi nila ako na magpunta sa bar dahil nga natapos na ang midterm exams namin. At para daw ma-try ko naman makapasok at magsaya sa bar. Libre kasi ni Reige ang lahat. Siya ang boyfriend ni Monica.

"Come here,"

Napalingon ako kay Monica. Nilabas niya ang isang white sleeveless at sa liit pa lang alam ko ng kita na ang tiyan ko doon.

"Monica naman! Huwag yan!" Ngumuso ako.

"Wag ka na maarte. Minsan lang 'to!" Lumapit siya sakin at tinangkang huhubarin ang damit ko.

"No, please. Dress na lang!"

Ngumisi siya. "Okay!"

Nilabas niya ang kulay pulang dress na sa tingin ko ay hindi magiging sobrang fit sa akin. Mas malaki kasi ng kaunti ang katawan ni Monica kumpara sa akin na sobrang payat. Kahit hindi ko bagay ang dress na 'to, pagtitiisin ko na kaysa sa damit na 'yon na kita ang tiyan.

Nagpalit na ako ng damit. Tama nga ako. Hindi ko bagay ang mga ganitong dress lalo na't kulay pula pa. Hindi naman ako maputi, kayumanggi lang ako.

"Perfect, Mik!"

"Beautiful!"

Umirap ako. Palagi akong nakakarinig ng ganyang papuri. Pero kapag tumitingin naman ako sa salamin, hindi ko makita ang salitang maganda.

Sasakyan ni Reige ang gamit namin papunta sa bar. Siya ang nagsundo sa amin. Tahimik lang ako sa sasakyan samantalang silang lima, sumasabay sa music ng sasakyan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong-gusto ng mga tao sa bar. Pumayag lang naman ako dahil kinonsensya nila ako na marami na raw akong utang na gimik.

Pagkarating namin sa sinasabi nilang bar, hindi siya yung usual na nababasa at napapanood ko. Tahimik lang sa labas, though puno ng mga sasakyang naka-park. May mga tao rin sa labas pero kaunti lang. Bumaba na kami ng sasakyan at kumapit agad ako sa braso ni April.

"Mik, bar lang 'to. Hindi ka naman namin ibubugaw." Natatawang sabi ni April pero hinayaan niya pa rin akong kumapit sa braso niya.

Pagkapasok namin, dun ko nakita at narinig ang tunay na kahulugan ng bar. Maraming tao, umiindak sa musika, nakikipag-flirt, nagyo-yosi kaya puno ng usok ang loob, may sumasayaw ring ilaw, at maingay ang mga tao.

Nakayakap na ang kamay ni Reige sa baywang ni Monica, sila ang nanguna kung saan ang pwesto namin. Saka ko nakita na may kasama rin palang kaibigan si Reige. Pinakilala niya kami sa mga kasama niya.

Yung lalaki sa dulo ang siyang napansin ko. Unlike others, naka-pambahay lang siya. Pambahay siguro, kasi naka-jersey shorts lang siya at sleeveless shirt. Ni hindi niya ako tinignan o kami nang ipakilala kami ni Reige. Tahimik lang siya habang matatalim ang titig sa mga tao sa loob. Baka nag-away sila ng girlfriend niya kaya badtrip siya.

"Mik, tatayo ka lang diyan?" Sigaw ni Monica sa akin.

Hindi ko napansin na nakaupo na pala sila at ako na lang ang nakatayo. Nagpwesto ako sa dulo, katapat nung lalake na ang pangalan ay Traz.

ONE SHOT (COLLECTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon