01-Simula pa nung una💘

68 12 1
                                    

Aaminin ko sayo,na sa bawat ngiti mo ngumingit rin ang puso ko
At simula ng marinig ko ang boses mo,lagi ko nang hinahanap-hanap ito
Hanggang...ayun na nga...dumating sa pagkakataon na ang puso ko ay gulong gulo..
Hindi ko alam kung dapat bang sundin ang sinasabi ng puso ko o dapat ko na lang tanggapin na hanggang magkaibigan na lamang tayo.

Pilit ko sinasabi sa puso ko na sapat na.
Sapat na naging magkaibigan na lang tayo.
Sapat na,na naging malapit ako sayo
Sapat na,ang nagkaroon ako ng bahagi sa puso mo
Kahit alam kong hanggang kaibigan lang talaga ako...

Minsan nga,iniisip ko ano kaya kung...lumayo ako sayo?...
Kung umiwas na lang ako sa pagsulyap sa mga mataat ngiti mong bumihag sa puso ko...
Mawawala kaya??..Hindi na kaya mahuhulog ng tuluyan sayo?💔

Unti-unti akong nahulog sayo ng di inaasahan at di sinasadya...
Sa bawat kamustahan..lalong lumalalim..
Ngunit sa tuwing titingin ako sa posibilidad na magiging tayo,napapayuko na lamang ako,
Hanggang ang mga luha ng pilit na paglimot sayo ang siyang lumulunod sa puso ko..😔😭

Kahit anong iwas ko na hindi maramdaman ang sinasabi ng puso ko,pilit nararamdaman ito..
Iwasan ko man....pigilan ko man..
Sadyang di ko na maitatanggi na ikaw ang ang sinisigaw ng puso ko...

Mula sa pagmulat hanggang sa pagtiklop ng aking mga mata..
Ikaw lamang ang nilalaman ng isip ko..😶
Kaya kahit ano pang gawin kong pag iwas sayo,malabong mangyari ito.

Sa hangin ko na lang isisigaw at ipadarama na mahal kita at baka sakaling makarating sayo..

Unti-unti akong lumingon palayo sayo...
Lumakad palayo sayo..
At sa bawat hakbang na gagawin ko,
Kasabay nito'y ang unti-unting paglaho ng pag-asa ko na mamahalin mo rin ako..

Sa huling pagkakataon,sinubukan kong sumulyap sayo
Hindi ko inaasahan na nadon ka't pinagmamasdan ako nang may ngiti sa iyong labi...
At habang naglalapit,lalong lumiliit ang pagitan ng ating mga mukham..
Sabay pagbigkas mo sa mga salitang matagal ko nang nais marinig mula sa iyo..

Panaginip lamang ba ito?,panaginip lamang ba ang marinig ko sa iyo na mahal mo rin ako?..
Sana hindi...sana totoo lahat ng ito...
Dahil wala na akong mahihiling pa kundi ang mahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko para sa'yo...

Na mahal kita...
Simula pa nung una💕


Spoken Word Poetry :100 Tagalog Poetry For You💖💔😔🙂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon