04-Ikaw lang walang IBA💘

36 12 3
                                    

Ikaw ang liwanag sa dilim,
ang saya sa sakit,
at ang tama sa mga mali.

Ikaw ang bituin sa langit,
ang dahilan ng pag ngiti,
at ang nais kong makapiling.

Ikaw ang alon sa dagat,
ang pamagat sa tula,
at ang buhay sa mga letra.

Ikaw ang bakit, paano at saan.
ang liwanag sa madilim na daan,
at ang gustong makasama kahit saan.

Ikaw na pinili ng puso ko,
Ikaw na gusto kong makasama sa pag harap ng mundo.
Ikaw na gusto kong kasama hanggang dulo.

Ikaw sa pagpikit ng mga mata,
hanggang sa pag sapit ng umaga.
Ikaw hanggang sa huling hininga,
ikaw lang at wala ng iba.

Ikaw ang Y sa mundo kong makulay.
Ang A sa masaya kong buhay.
Ang H na nagtatanggal ng aking lumbay.
At ako ang U na sayo ay hindi mawawalay,
Ako ang B na hindi mawawala sa iyong buhay.

Sana maintindihan mo yan
Sana nababasa mo..
Para maiparating ko na,sayo lang ako..kahit na alam kong..
Di pwedeng maging tayo dahil kaibigan mo lang ako...at wala ng magbabago

At sana maisip mo na Ikaw lang ang kailangan ko..
At nasasaktan ako sa tuwing nilalayuan mo ako..
Sa tuwing..sinasabi mo na kaibigan mo lang ako..
Sayo lang ako nagkaganito..

Dahil....Ikaw lang ang minahal ko ng ganito at walang Iba😔

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Word Poetry :100 Tagalog Poetry For You💖💔😔🙂Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon