Chapter 1

37 1 3
                                    

Transfer

" Nakahanda na ba yang mga gamit mo? " Tanong sakin ni Mama habang inilalagay ang cake sa oven.

" Opo Ma. Yung gamit ko handang handa na, pero ako na papasok, hanggang ngayon di pa din handa " matamlay kong sagot sa kanya.

Pasukan na bukas. At gaya ng ibang mga estudyante, tinatamad ako. Wala akong ganang pumasok. Hindi naman sa ayaw kong pumasok at magaral, sa katunayan nga hilig ko ang magaral. First love ko ang mga libro. Noon, excited akong pumasok, pero hindi na ngayon. Lumipat kasi ako ng paaralan. Grade 11 na ko, hindi handa ang eskwelahan namin sa ganitong curriculum kaya wala akong nagawa kundi maghanap ng bagong malilipatan.

Tinulungan ko si Mama sa paglalagay ng mga cupcakes at cake sa oven. Wala naman akong ginagawa ngayon at nais ko ding magpakabusy para kahit papaano ay makalimutan kong papasok na ko sa bago kong school bukas.

Mabilis akong umakyat sa kwarto ko pagkatapos naming magbake ni Mama. Kinuha ko agad ang laptop ko. Naiinis kasi talaga ko ngayon kaya kailangan kong itweet ang nararamdaman ko. Haha! Pang bawas ng stress.

Pipindutin ko na sana yung 'Tweet' nang biglang magvibrate yung phone ko.

Calling..

Mia Andrada

" Hello? "

" Bestfriend! I miss you. Sobrang miss na talaga kita " malanding bungad este malambing na bungad ni Mia sakin.

" I miss you too Bes. Grabe, gusto na kitang makita. "

" Ako din. Naku naman kase! Bakit pa kasi kailangang magkahiwalay tayo. Kung wala lang talagang sakit si Papa, ipupush ko talaga na dun sa Cestellean pumasok. Ugh! " Nalungkot naman ako lalo sa sinabi niya. Kung pwede ko nga lang din sanang pilitin si Papa na sa papasukan na lang ni Mia pumasok eh.

" Sorry Bes ah. Kung kaya ko lang sanang mapapayag si Papa. Sorry talaga. Alam mo namang terror yun pagdating sa pagaaral ko eh. "

" Okay lang Bes. Ano ka ba! Sorry din. Hay. Bahala na! Basta pag may free time, kailangan natin ng bonggang bonggang bonding! "

" Hahaha. Oo. "

" Ay sige na Rylin, mauubos na load ko. Hahaha! Bye na. Ingat ka. Love you "

" Love you too. Ingat din. "

Medyo nawala yung inis ko dahil sa paguusap namin ni Mia. Dinelete ko na din yung dapat ittweet ko. Next time ko na lang siguro ittweet pag badtrip ulit ako. Lol.

In another lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon