Chapter 2

33 1 0
                                    

Tara na?

I hate changes. Yan ang dahilan kung bakit ayaw kong lumipat ng school. Hindi ako mahilig sa mga thrill or adventures. Mas masaya ako sa comfort zone ko. Hindi ko hilig ang sumubok ng ibang bagay.

" Miss Rylin, nandito na po tayo. " sabi ni Kuya Isko. Driver namin.

" Ah. Sige po. Salamat po. 5:00 po ang uwi ko. Ingat po. " paalam ko sa kanya.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong eskwelahan. Ang ganda. Ang lawak din nito. Tatlong beses na mas malaki to kumpara dun sa dati kong school. Mukhang mayayaman din ang mga nagaaral dito.

Naglalakad na ko papunta sa classroom ko ng may mga nakasabay akong grupo ng mga kababaihan. Nakataas ang mga kilay. Mas binilisan ko ang lakad ko dahil mukhang maaarte yung mga yun. Yung mga ganung itsura pa naman yung mga bully. Haha! Hindi naman sa nanghuhusga pero kalimitan ganun eh.

Mabilis akong nakarating sa classroom ko. May mapa naman kasi na binigay. Isang oras pa bago magsimula yung klase pero halos puno na yung classroom namin. At dahil wala naman akong kakilala dito, napagpasyahan kong doon na lang sa dulo umupo. Yung medyo malapit sa bintana para kita yung garden ng school.

" Hi DM! "

" Ang gwapo niya talaga. "

" Good Morning Baby DM! "

Sigaw ng mga kaklase ko. DM? Sino yun? Da Monster? Hahaha! Joke lang. At dahil naiintriga ko sa DM na yan, lumingon ako sa may pintuan. Doon ko nakita ang isang gwapong nilalalang. Ah, baka siya yung DM. Gwapo nga. Hihi.

Sa 17 years ko dito sa mundo , never pa kong nagkaboyfriend. Wala, hindi ko kasi hilig. Mas focus ako sa pagaaral ko. Kung may crush man ako, kaming dalawa lang ni Mia ang nakakaalam. Hindi ko hilig ilantad sa buong mundo kung kanino tumitibok ang puso ko. Mas pinipili kong tumahimik na lang. 'Bahala na si Tadhana at si Batman' yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko.

Nilalaro ko ang ballpen kong pink ng may marinig akong nagsasalita sa tabi ko. Nilingon ko ito.

" Hay ang init. " sabi ni DM daw habang inaayos ang kanyang upuan. Doon pala siya sa tabi ko umupo. Wala na yatang bakanteng upuan.

" Hello! " nakangiting bati sakin ni DM. Hala, nakiDM na din ako! Haha.

" Hello din. " bati ko din sa kanya.

" I'm Dyph. Dyph Martin Gomez. DM na lang for short. So bago ka dito? "

Ah! So kaya pala DM. Dyph Martin naman pala.. hindi Da Monster. Haha.

" Oo bago lang ako dito. Rylin Anne Ocampo nga pala. "

Mabait si Dyph. Masaya siyang kausap. Nalaman kong dito na pala siya nagaral sa Cestellean mula noong Grade 1. Kaya pala madami nang nakakakilala sa kanya. Matagal tagal din kaming nakapagusap ni Dyph bago dumating yung teacher namin.

" Good Morning class! "

" Good Morning Sir. "

" So may bago kayong kaklase! Miss Ocampo? "

" po? " gulat na tanong ko kay Sir.

" Introduce yourself please. "

Nagaalangan akong tumayo. Kailangan ba talaga nito? Hala naman, kinakabahan ako. Nang maglalakad na ako papunta sa unahan, bigla akong kinalabit ni Dyph.

" Go Ry Anne! " sabi niya sabay kindat. Okay, ang cute niya. Haha!

Magkatapos kong magpakilala, bumalik agad ako sa upuan ko. Ilan sa mga kaklase ko ay nag 'Hello Rylin' pa sakin. Nginitian ko na lang sila.

Pagkalipas ng tatlong oras, biglang nagring yung bell. At isa lang ang ibig sabihin nito.... RECESS na!!

" Tara na? " tanong ni Dyph sakin.

" Huh? "

" Ang sabi ko tara na. Punta tayo sa caffeteria. Kain tayo. Wala ka naman sigurong kasama diba? " nakangiting tanong niya.

" Ah oo. Sige. Salamat. " Nahihiya man ako, di na ko aangal pa. Mabuti na to. Atleast may kakilala na ko. Mukha namang mabait si Dyph kaya go na. Di naman siguro siya nangangagat.

--

A/N - Dyph (Dip) Rylin (Raylin)

In another lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon