A/N: Dedicated po sa kanya kasi sobra akong na-inspire doon sa story niya specially dun sa chapter nito na BROKEN yung title. Labs na labs ko po si Chen! hihi *insert aksyon ng kinikilig na ewan* lol XD Haha eto na Joy! Dinedicate ko na sa'yo kasi mahal na mahal kita! haha XD
____
Kasi Mahal ko Siya Eh
© HateshinaiSoraX
Simula't simula pa lang, lagi ko ng tinatanong ang sarili ko kung bakit sobrang attached ako sa kanya. Alam mo, 'yong tipong unang kita ko pa lang sa kanya pero feeling ko ang tagal na naming magkakilala? 'Yong pakiramdam na parang talagang pinagtagpo ang landas naming dalawa? Alam ko ang corny. Promise, I swear, kahit ako ilang beses ng nasuka-suka dahil lang sa pinag-iisip kong mga ito. Kaso sa huli wala na rin akong nagawa. Mabilis ang mga pangyayari...at mahirap pigilan ang mga bagay na hindi mo naman alam na magaganap sa buhay mo.
I met him back when I was in my fourth year in high school. He's not as handsome as those princes in fairy tale books, not as strong as those heroes that I had seen from the superhero-themed movies that I had watched, and not as perfect as those guys in the different story books I had read and from those stories that I had read online. He's pretty much normal. Looks pa lang, may flaws na. And of course, that includes his personality. Pero that didn't really bothered me that much. Basta ang alam ko lang noong mga panahon na 'yon gusto ko siyang makausap. And so I did. Buti na lang at classmates kami kasi kung hindi baka wala akong chance na lapitan siya.
We started with simple greetings kapag nagkataon na nagkasalubong kami sa may gate, sa may hallway, at kapag nagkita kami sa classroom. After those greetings, medyo nag-level up kami at kapag recess ay nag-uusap na rin kami. Wala, simpleng talk lang about our interest. 'Yong movies na gusto namin, the genre of music that we love, at kahit mismong paboritong pagkain namin ay nagagawa naming interesante kapag nag-uusap kami. Somehow we bonded through those normal things until I just woke up one day na, magkaibigan na kami-best friends even.
He's kind. And I love that side of his. He is gentle towards the people he met, not only me. And I'm glad kasi I really managed to befriend a very nice person like him. Hindi nga ako nagkakamali na lapitan siya. Siguro ito 'yong dahilan kung bakit sa simula pa lang ay nakuha niya na ang atensyon ko. Kasi siya 'yong tipo ng tao na kailanman ay hindi ako iiwan. 'Yong tipo ng tao na kahit anong mangyari ay susuportahan ako sa lahat ng gagawin ko at sa lahat ng desisyon ko sa buhay.
I grew fond of him each day that passes. Walang lumalagpas ni isang araw ng buhay ko na hindi ko siya nakaka-usap, nakakasama, at nakikita man lamang. Ewan ko. Para kasing hindi buo ang araw ko ng wala siya e. Ang weird nga ng pakiramdam na ganoon. I mean nanirahan ako sa mundong ito ng halos labing anim na taon ng wala siya pero simula ng makilala ko siya, pakiramdam ko hindi ko kayang makatagal kung hindi ko malalaman na nasa tabi ko pa rin siya. I'm scared of losing him...and I always thought that this is because I'm his best friend.
I always thought na dahil siguro sa mahalaga siyang kaibigan sa akin ay laging siya ang laman ng isip at puso ko. 'Yon pala may something pa beneath it...and I just realized it when one day, he told me some things that made my heart ache.
It was a normal Monday and I think a month or two bago ang graduation namin. He told me that he's in love with someone. And the moment I heard it, I really felt a pang in my heart.
Ang weird.
Ang weird talaga. Kahit ako gusto kong tanungin ang sarili ko kung bakit ganoon na lang ang naramdaman ko. Gusto kong dukutin 'yong puso ko at kausapin ito ng masinsinan. Itatanong ko lang naman kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya ng malaman niya na may gusto na pala siya at may feelings na pala siya doon sa isang kamag-aral namin na taga-ibang seksyon.I mean shouldn't I feel happy for him...kasi diba? Nakita niya na 'yong tao na mahal niya?

BINABASA MO ANG
I Love You But You Don't
Storie breviA Compilation of One-shots about over-cliche one-sided love stories with unhappy endings and happily never afters. 1| Kasi Mahal Ko Siya Eh - "...pero mahirap mag-move on sa isang relasyon na kailanman ay hindi nagsimula..." 2| Right Beside Yo...