Rule the Floor: 01

255 18 0
                                    

Tew’s Point of View

“Tew Fernandez!”

Napadaing ako nang may bumatok sa akin. Paglingon ko, si Charlon lang pala kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Tew, anong strand ka?” tanong niya sabay akbay sa akin. “Hindi mo pa sinasabi sa akin—”

Inis kong tinampal ang braso niya kaya siya’y napabitiw. Kumunot ang noo kong tiningnan ang malawak niyang ngiti. Last week ko pa ’to nakilala dahil kapitbahay kami at feeling close na. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ilang metro na lang at mararating ko na ang gate. Pagtapak ko pa lang sa campus ay umasim agad ang mukha ko sa sobrang dami ng mga estudyanteng naglakad papasok ay huminto muna ako saka napatalikod. Sa simula pa lang ay ayaw ko na sa paaralang ito. Wala akong mapapala rito.

Ito ang unang araw ko sa paaralang ito at nagsimula na ang klase kahapon pa. Kalilipat lang namin last week kaya napalipat din ako ng paaralan at ito’y labag sa kalooban ko.

“Tew!” Hinigit ni Charlon ang kamay ko kaya inis akong napalingon sabay higit sa kamay ko. Napakamot siya sa ulo at marahang ngumiti. “Saan ka ba pupunta?”

“Pakialam mo? Nanay ba kita?” inis kong bulyaw sa kaniya.

Nanliit ang mga mata niyang malalaki. “Ako kaya ang guide mo dito. Binilin ka sa ’kin ni Tita.”

Napaismid na lang ako at nagsimulang maglakad papasok. Hawak ko ngayon ang schedule ko at hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap, mabuti na lang at nandito si Charlon.

Nagulat ako nang bigla niyang hinablot ang hawak kong schedule. Napapailing pa siya. “Hawak mo pala ’to. Uy! HUMSS-B. Classmates tayo!”

Napangiwi ako sa nakaririndi niyang sigaw. Halos iwanan na niya ako sa sobrang excited na makarating sa room daw namin.

Hindi naman kalakihan ang paaralang ito pero balita ko ay isa ito sa pinakasikat na paaralan dito sa lugar namin. Inayos ko ang unipormeng suot sabay buntong hininga sa rami ng mga estudyanteng nakalinya.

Bakit ba sila nandito?

“Welcome to Arnollo High School. Enjoy!” nakangiting bati ng mga estudyante sa amin, may pulang tela pa na nakatali sa braso nila.

Bakit may enjoy? May playground ba rito? Ito ba ang sinasabi nilang sikat?

Pangiti-ngiti lang si Charlon at nakikipag-usap na sa mga estudyante lalong-lalo na sa mga babae kaya napagdesisyunan kong umuna na lang sa paglalakad.

Room 4-2. Ito ang kailangan kong hanapin.

“Ang gwapo ng SSC president.”

“May inspiration na agad ako.”

Napapailing na lang ako sa aking naririnig. Kinikilig pa ito habang nagbubulungan na rinig na rinig ko naman. Mga babae talaga, second day na second day, may nagustuhan na agad. Anong klaseng puso ang mayroon ang mga babaeng iyon?

Lumingon ako upang tingnan kung nakasunod pa rin si Charlon. Napangiwi ako nang makitang hanggang ngayon ay ang sagwa ng ngiting nakikipag-usap pa rin. Hindi pa ba siya nagsasawa?

Rule the Floor (Sport Series #1) - [BL]Where stories live. Discover now