Rule the Floor: 03

70 12 0
                                    

Kris’s Point of View

“Kris, parang kulang naman ’yong 3 days na palugit mo,” reklamo ni Gon sa akin nang dumating kami sa SSC Room.

Napahilot na lang ako sa sentido ko nang kumirot ito. Damn those brats! Mga walang modo! May nagsasalita na nga sa harap, nakikipagkwentuhan pa sa katabi.

I just closed my eyes when I felt the world spinning. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Gon. Second-day pa lang ngayon at tambak na ang gawain ng SSC. Idagdag pa ang ga estudyante na hindi sumusunod sa patakaran ng AHS. Hindi ba nila binasa ang Student Handbook?

“Kris—”

Napatikhim ako kaya agad niyang tinikom ang kaniyang bibig.

Why is he whining if he is not involved in that task? What issue does he have? The fact that the task was simple for me to complete when I was in their shoes the previous year. They will not face any difficulties if they exercise their fucking brains. All that is required to be done is for them to lend a hand to the Grade 12 students. As simple as complaining.

“Dapat one week—”

“Labas,” malamig at blanko kong saad sabay turo ng pinto.

Nakanguso siyang tumayo. “Hay naku, Kris! Huwag kang dumalo sa practice n’yo mamaya. Umuwi ka nang—”

Ilang segundo akong napahinto sa paghinga dahil sa sinabi niya. “Pupunta ako.”

Wala na siyang nagawa kundi ang umiling at tahimik na tinungo ang labas.

I didn’t expect that this school year, maraming matitigas ang ulo na estudyante. They don’t even know how to use greetings. Kahit sa teachers man lang sila rumespeto pero wala.

Gustuhin ko mang matulog pero ang daming papel na nakatambak sa mesa ko. Ang mga ito ay Student’s Profile. As the SSC President, my job is to know all the students.

Wala rin naman akong ginagawa kaya nagsimula akong magbasa. Hindi ko na namamalayan ang oras at nakalahati ko na. Mostly Grade 11 students and some transferees. My forehead creased when I saw the picture. Ang hawak ko ngayon ay information ng lalaking nakabangga ko kanina. Wala sa sariling nayupi ko ang papel sa pagkahawak. That man! Alam ba niyang bawal tumakbo sa hallway?

I decided to not read his information but because of curiosity, I heaved a sigh then I started to read it.

He’s Tew Fernandez. An eighteen-year-old taking the strand Humanities and Social Sciences. He’s a transferee.

Nagsalubong ang kilay ko nang makitang blanko ang sports related na part.

“Well, I don’t care.” Napabuntong hininga na lang ako saka pinatong ito sa tambak ng mga nabasa ko na.

“Kris!”

Napaangat ang tingin ko sa pumasok. Nakangiting mukha ni Max ang bumungad sa akin. Inayos niya ang salamin na suot sabay higa sa couch.

“Kris, seryoso ka ba sa tatlong araw na palugit mo sa kanila?” tanong niya.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagbabasa. Hindi ko alam kung gaano ka big deal sa kanila ’yong pinagagawa ko.

I feel that he sat on the couch and he crossed his legs. “That’s it? Ayaw mong sumagot?”

I glared at him. He just smirked as he sighed.

“Hindi naman tayo ’yong mahihirapan sa pinapagawa mo pero last year, isang linggo ang palugit,” pagbabahagi ni Max. Siya’y tumayo saka tumungo sa mesa at nagsimula ring magbasa. Napapailing na lang siya sa nababasa.

I stopped reading, stared at the ceiling then sighed. “We need to strengthen our basketball team, Max,” I murmured.

I still don’t know what to do about it. It’s been years. I want it to revive.

“I know. But rushing things like this, hindi ito maganda. Next week pa ang tryouts,” sabi niya habang ang atensiyon ay nasa papel pa lang na hawak.

“May nahanap ka na bang interesado sa basketball?” tanong niya habang nakadungo pa rin.

“Only two,” simpleng sagot ko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Max. “Hindi ’yan sapat. How about the transferees?”

“Iyong dalawa.”

His eyes widen. “What? Walang gusto na mula sa AHS?” He sounded defeated. He keeps on sighing. Hinubad niya ang suot na salamin at binagsak ang mukha niya sa mesa. “This is the worst.”

“They are more interested in Volleyball and Baseball,” pagbabahagi ko saka tinuloy ang pagbabasa.

“You need to recruit, Kris,” suhestiyon niya.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. “It’s not the duty of the president.”

Sa rami ko pang gagawin ay kailangan ko na itong simulan. Sa loob ng isang linggo, ay hindi pa masyadong maayos ang klase kaya ang SSC ay busy sa mga kailangang tapusin pero wala ang iba rito.

“Kamumuhian ka nila lalo na ang mga lalaki. Maraming nagrereklamo sa task na binigay mo.” Kaunti niyang inangat ang mukha sabay ngisi sa akin. “Pumunta ako sa cafeteria, halos ikaw at SSC ang topic.”

I didn’t mind what he reported. Palihim akong napangiti nang mahawakan ang panghuling estudyante. Malapit na akong matapos.

“Paano kung walang makatapos sa task na binigay mo sa mga Grade 11?” hirit niyang tanong.

I shrugged my shoulders. “Problema na nila ’yon.”

That’s their task. Bakit ko naman ’yon poproblemahin?

“Sabagay, hindi naman nila kailangan ’yong sundin pero dito makikita kung sino ba ang masunurin,” natatawang sabi pa ni Max.

That is accurate. While it is primarily up to the students to follow my instructions. It will also serve as a measurement of my competencies and capacity to guide the students. I’m not suitable for the SSC President position if the students refuse to follow me, even if I do have the ability to lead others. The Supreme Student Council members at Arnollo High School were selected by their predecessors, not by student democratic elections.

Napatalon ako nang kaunti sa inuupuan nang binagsak ni Max ang magkabilang kamay sa mesa. Sinamaan ko siya ng tingin pero nakangiti lang siya ng malawak.

“Tomorrow, let’s have an announcement about the tryout in every room of the Senior High Department!” sigaw pa niya. Excited pa siyang naghihintay sa sasabihin ko.

“I’ll assign you for that since it’s your idea,” I concluded.

Mabilis naglaho ang ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha. “Kris, be there.”

Umiling lang ako saka niligpit ang mga kalat sa mesa. Sinilid ko ang mga student’s profile sa isang envelope.

“Para magkagulo ang mga babae at maging trigger ’to ng mga lalaki na sumali man lang.” Tumaas-baba pa ang kaniyang kilay sa naisip na kalokohan.

“No.”

Napaayos siya ng upo. He crossed his arms on his chest. “Kung hindi natin kaya ang minimum member requirement ng isang sports club ay mawawala ang basketball team.”

Napahinto ako sa aking ginagawa. Mabilis nagbago ang ihip ng hangin. Hindi ako makapagsalita. Pareho lang kaming tahimik dahil alam namin ang mangyayari. Napahigpit ang hawak ko sa envelope, mumunting kirot ng dibdib ang aking nadama. Tama. Wala ng basketball sa Arnollo High School.

I heard him heave a sigh. “Mawawalan tayo ng pangarap.”

Rule the Floor (Sport Series #1) - [BL]Where stories live. Discover now