Yanig

60 1 0
                                    

Nakahiga at nakatulala
Mga ideyang nasa isip nawawalang parang bula.
Gaya ng bula ikaw rin pala ay nawala
Bakit nga ba tila isa sa atin ay binalewala?

Nangako kang di mang-iiwan
Pero lumingon man mapupunta lamang ang utak sa kawalan.
Ang katotohanang ikaw ay lumisan
Hindi na mababago kahit pa sakit ay maibsan.

Tanda mo pa? Sabay tayo kakain ng bibingka
Lalo na ngayon na magpapasko na.
Nagpunta akong simbahan, napatitig sa liwanag dulot ng pa-ilaw
Napangiti ako ngunit nabawi dahil sa tabi ko ay wala ng ikaw.

Hindi man natupad lahat ng pangako
Ayos lang dahil alam ko masaya ka kahit san pang dako.
Di pa man ako nakakausad mula sa nakaraan
Wag ka mag-alala akin naman itong pinaghahandaan.

Dumating ka at mundo ko ay ginalaw
Naging parte ka ng araw-araw ngunit ngayon di na kita matanaw.
Pano nga ba mababalik kapit mo sa aking bisig
Kung tuluyan kang ng umalis at nagdulot ngpagyanig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon