Nalulunod

118 2 0
                                    

Lahat ng tao sa paligid ay masaya,
bakit pakiramdam ko ako'y nagpagiiwanan na nila.
Sinusubukan libangin sarili sa pagbabasa, Ngunit pag-angat ng ulo ako parin ay nag-iisa.

Lingon sa kanan at kaliwa, may tao pa bang gigising sa aking diwa?
Aatras, aabante
san nga ba patungo etong byahe?

Ikot ng mundo'y tila ba kay bilis,
parang tubig sa talong naririnig ko ang lagislis.
Nakakapagod habulin kung ang takbo'y matulin.

Wag mong habulin
mga kaibigan ko yan ang bilin.
Pano kung pangarap ko na ang nakabinbin?
Dapat pa bang pakinggan inyong nga habilin?

Napapagod na kong magpanggap na ayos lang,
Dahil hindi naman ako matatag kung sa totoo lang.
Pero mundo'y di iikot sa iisang gaya mo lamang,
Kaya bangon, laban upang mundo'y di ka tawaging mangmang.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon