Sa pag iisa

186 3 0
                                    

Sa pag uwi mo galing skwela,
Mauubos na lahat ng kwela.
Akala mo ika'y masaya,
ngunit biglang isang iglap hindi mo na pala kaya.

Bakit ka umiiyak? tanong ng dalaga.
Nang makita niya ang kausap lungkot ay kitang talaga.
Ngunit may kakaiba sa mga nakitang mata,
ah, kaya pala sarili pala niya'y kanyang nakita.

Luhang lumalagaslas,
utak na kung mag-isip ay lagi'y walang habas.
Malungkot ka nanamang muli,
ika niyang di na mabilang ilang beses naulit.

Ngunit ng matulog siya at gumising,
kailangan niya nanaman bumangon at maglagay ng isang ngisi.
Ngising di tunay, isang kasinungalingan,
Na araw-araw ay kailangan niyang pangatawanan.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon