SIMULA
Tumingin ako sa aking paligid. Malinis ang kalsada, tahimik ang paligid at masaya ang mga tao rito.
Nagtatawanan ang mga kababaihan sa paligid. Nagkukumpulan ang mga bata at masayang naglalaro.
Isang normal na araw lamang. Ngunit may kulang.
-
"Sinag! nasaan na ang mga pulseras ko?!" Rinig hanggang sa ibaba ang malakas na sigaw ng Senyora Arellano.
Lahat ay tumingin sa akin. Bakas ang kaba sa kanilang mga mukha. Ngumiti na lang ako upang paniguraduhin na ayos lang ako.
Agad akong pumanik sa hagdanan, nang biglang may sumalubong sakin. Nauntog kami sa isa't isa kaya hindi ko mapigilan na mapahiyaw sa sakit.
Sinamaan ko siya ng tingin ng mapansin kong may butil ng luha sa kanyang mga mata.
"Paumanhin.. binibini," Bulong niya sa pinakamanhinhing boses. Napatitig na lang ako.
Binibini? B-binibini?
Napatulala na lang ako. "SINAG! NASAAN KA NA?" Dumagundong ang boses ng senyora kaya tumakbo na lang ulit ako paakyat.
Kumatok ako sa pintuan bago ko ito buksan. Nakita ko na nakatingin sa labas ng bintana ang Senyora.
Halatang dismayado ito sa postura pa lang ng katawan. Mabait naman ang Senyora Arellano ngunit may pagkamaldita lang ito pag hindi nasusunod ang utos.
Ako naman si Sinag Sarmiento, labing limang taong gulang na ako, isang naulilang anak na kinupkop lamang ng pamilyang Arellano.
Lumapit ako sa senyora at hinintay na lang ang sasabihin nito. Ilang minuto itong nanatiling nakatingin sa labas.
San Arellano. Ito ang tanging lugar na hindi ko maiwan-iwanan. Hindi ko sila kayang abandunahin.
"Halika, Sinag." Utos ng Senyora. Tumungo ako sa kanya at nagmano.
Panandalian itong ngumiti at may tinuro sa labas. "Paniguradong nakabungo mo siya kanina," Turo niya sa binata na nagwawalis sa labas.
Sandali ko lang ito tinignan at binalik ko rin agad ang atensyon kay Senyora. Tumango ako at sumandal sa pader.
Naglikot ang mata ko sa kaniyang kwarto at napadako ang tingin ko sa pinta ng Senyor. Napaawang na lang ang bibig ko.
Tumingin ako sa labas at pabalik sa pinta.
H-Hindi..
Lumaki na lang ang mata ko nung napagtanto ko ang nangyari. Nakitang kong humagikgik ang Senyora.
Nagbalik na si Agapito.
BINABASA MO ANG
Tahan na, Agapito
HumorKung saan ay natagpuan muli ni Sinag ang kaniyang hinanap-hanap. maikling kuwento na isinulat ni : melanie :>