"Senyora, s-si Agapito po iyon?" Paninigurado ko. Tumingin sakin ng nakakaloko ang Senyora.
Mukhang kalokohan ang nasa kaniyang isip. kaya Dahan-dahan akong naglakad paatras.
Ngumiti ako ng pilit sa kanya at mabilis na tumalikod para makatakas. Di ko na lang namalayan na hawaw-hawak na ng Senyora ang aking bestida.
"Aba, Sinag. Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap?" Pataray niyang sambit.
Lumingon ako ako at may kinapa sa aking bulsa. "Heto na po ang mga pulseras, Senyora. May kinakailangan pa ho akong gawin," sabi ko at dumiretso na palabas.
Narinig ko pa itong humalakhak. Ang Senyora talaga.
-
Senyora Arellano's POV
Napahalakhak na lang ako sa batang ire. Namumula pa ang mga pisngi niya.
Muli akong sumulyap sa labas. Sino ba kasi ang tinitignan ko? Walang iba kundi si Agapito Fernan Arellano. Ang aking bunso.
Kakabalik lamang nito kaninang umaga, nagtatago pa kay Sinag. Natawa nanaman ako. Mga bata talaga.
~~~
"Ina! ina!" tawag sakin ni Gapi. Nakita ko siyang akap-akap ni Sinag.
Nagmadali akong pumunta sa kanila. Tinignan ko kung may sugat ang mga bata. Wala naman.
Ngunit nung nakita ko ang pigil na tawa ni Sinag, isa lang ang pumasok sa isip ko.
Napansin niyang tinititigan ko na siya kaya kumaripas ng takbo ang sutil na bata. Walang araw na hindi pinapaiyak ang anak ko.
"Sinag! Bumalik ka dito!" Sigaw ko. Sa pagkakataranta nito, natalisod at gumulong-gulong sa damuhan.
Agad naman rumisponde si Agapito at tinulungan ito. "Tabi-tabi hooo! Makikiraan hooo!" Sabay pa nilang pagbigkas.
Parehas na tuloy silang may sugat sa katawan. Sa huli ay nagtawanan lang kaming tatlo.
~~~
Mga bata pa lang sila ay palaging magkasama madalas nga lang ay nagtatampuhan. Masunurin si Agapito at si Sinag naman ay kala mo siga kung makaasta.
Dahil sa pagkasuplada at pagkasutil ni Sinag, ang uwiang umiiyak ay walang iba kundi si Agapito.
Subalit kapag may nang-aaway sa anak ko bago ko pa maireklamo sa kanilang mga magulang ay si Sinag na ang unang gumaganti.
Kaya wala na rin akong masabi sa kanya. At isa pa, siya lang ang maaasahan na kaibigan ni Agapito. Mapagmahal rin ito.
Ngunit noong lumaki-laki na sila nagsimulang silang mahiya sa isa't isa. Lalo na si Sinag. Dalagang pilipina daw siya.
Hindi ko lang alam sa anak ko.
Sinag's POV
Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala akong nakikitang ni anino ni Agapito. Ligtas ako.
Lalabas pa lang ako ng bahay ng may narinig akong tumikhim. Lumingon ako at kunwari ay walang paki.
Ah si agapito lang pala. Sandali. Si Agapito?!
Kumaripas ako ng takbo at nagdasal sa isip ko na sana di niya ako maabutan. Muli akong lumingon at nakita kong nalukot ang mukha nito.
Bahala siya. Habulin niya kamo ako.
BINABASA MO ANG
Tahan na, Agapito
HumorKung saan ay natagpuan muli ni Sinag ang kaniyang hinanap-hanap. maikling kuwento na isinulat ni : melanie :>