Sa katatakbo napagod ako kaya huminto muna ako at nagpahinga sa ilalim ng lilim.
Iidlip lang ako ng sandali.. Kahit sandali lamang.
"Sinag.. Maaari bang gumising ka na.." May mahinang boses ang pilit na gumigising sa akin.
Pagmulat ko ng mata ko, di ko makilala ang bulto sa harapan ko. Kinakailangan ko pang kusot-kusutin ang mata ko.
Lumapit ito sakin kaya napaatras ako at nauntog sa puno. "Aray! Ano ba!" Angil ko sa kanya.
Hinila ko siya upang makilala ng mabuti. "A-agapito.." Nahihiya itong ngumiti sa akin at nagulat na lang ako dahil bigla nitong hinawakan ang aking kamay.
Halos lumawa ang mata ko nang maramdaman ko ang labi niya sa'king palad. Muli itong ngumiti bago naglakad palayo.
Hindi naman ako papayag na ganunin lang niya ako kaya mabilis ako na tumakbo at dinambahan siya. Pareho kaming gumulong at nauntog sa isa't isa.
Dahil sa damuhan kami natumba halos sabay namin bigkasin ang "Tabi-tabi ho!" Nagtinginan kami at natawa na lang.
Ilang segundo ang nakalipas at napansin kong namumula ang mata niya. Nagtataka ko siyang tinignan.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ko ngunit lalo siyang umiyak. Wala akong nagawa kung hindi tapik-tapikin ang braso niya.
Hinila ko siya palapit para yakapin. "Tahan na, Agapito."
Kumalas siya sa pagyayakap sakin ang hinawakan ang kamay ko. "Sinag, alam ko noong bata pa lamang tayo ako ang palaging talo sa ating dalawa pero ngayon ay nagbabalik ako upang bumawi sa taon na hindi tayo nagkita,
alam kong masyado pa tayong bata ka sana ay hayaan mo muna akong ligawan ka, kahit hindi mo na muna ako sagutin, handa akong maghintay para lamang sayo," Buong puso niyang bigkas sa akin.
Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko, ang laki ng pinagbago ni Agapito, ngunit siya pa rin ang sinisinta ko. Hanggang sa dulo, siya'y iibigin ko.
Niyakap niya ako muli at nagtaka na lang ako nang may naramdaman akong basa sa balikat at likod ko. Umiiyak nanaman siya.
"Hindi kita hahayaan na mag-hintay mag-isa. Tahan na, Agapito."
WAKAS.
BINABASA MO ANG
Tahan na, Agapito
HumorKung saan ay natagpuan muli ni Sinag ang kaniyang hinanap-hanap. maikling kuwento na isinulat ni : melanie :>