Some humans live for happiness.
Others die for it.
Still, there are some rare creatures who don't give a damn whether they're happy or not---like me.
Hindi ko na maalala ang huling beses na naging masaya ako. Pero naaalala ko pa rin ang unang beses na literal na ninakaw ko ito mula sa iba...
It all started in high school.
"Alastor, smile!"
Isa sa pinakasusuklaman kong event sa school noon ang class pictures. Alam ko naman na malamang, naiinis din ang ibang mga estudyante tuwing sasapit ang delubyong 'yan. Magrereklamo pa sila dahil sa hindi nakapagdala ng pulbos, hindi pa sila nagsusuklay, hindi sila photogenic, and all those shitty self-conscious excuses just to avoid camera. It's understandable.
However, I hate class pictures because of an entirely different reason.
"Uy, ngiti ka naman diyan!"
Kalaunan, napilit ako ng mga kaklase ko na sumali. Pero nahinto ang maliligaya nilang sandali nang mapansin ng photographer na naka-poker face lang ako sa lahat ng shots. He pointed it out, thus giving me unwanted attention.
"Alastor! Wala ka pang picture na nakangiti ka.. hindi ka ba masayang kasama mo kami?"
"Hindi."
Natigilan ang adviser namin sa sinagot ko. Huminga siya nang malalim at tinapik ako sa balikat, "Kung hindi ka masaya ngayon, can't you at least fake it for the picture? Ngiti ka lang. Wala namang mawawala sa'yo."
Umiling ako. "Kung ngingiti po ako nang hindi naman talaga ako masaya, hindi ba't mas masama 'yon? I'd rather not smile than lie to myself. Pasensiya na po, ma'am."
Wala nang magawa ang mga kaklase ko nang maglakad ako papalayo. Mabilis akong nagtungo sa hardin at napansin ang pagdilim ng kalangitan. Dark clouds covered the sky like that dull old blanket my mother used to wrap me in at night. Walang kabuhay-buhay kong pinagmasdan ang langit at napabuntong-hininga.
"If I could just steal all the happiness in the world, my life would be more interesting..."
Thunder rolled over the horizon as a gush of wind made a chill run up my spine. Akmang tatakbo na sana ako papalayo bago pa manalasa ang malakas na ulan nang mapansin ko ang mga rosas sa isang tabi. The rose bush was filled with bright red roses, but something else caught my attention.
'Bakit naman may nahalong ibang kulay?'
Out of curiosity, I walked towards the rose bush and tried to reach for a certain rose. "Ah, shit!" Nadaplisan ang balat ko ng mga tinik habang pilit kong inaabot ang rosas na nakatago sa likuran. I can felt blood trickled down my skin as the rain started pouring.
"Aha! Got it."
Sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan, napitas ko ang kulay itim na rosas. I stared at it in amazement. 'May ganito palang rosas?' But how on earth did it---
"Posible raw mag-suspend ng klase dahil sa bagyo. Sa ngayon, bumalik na muna kayo sa mga classroom ninyo!"
Umalingawngaw ang boses ng isang head teacher sa gymnasium. Kasabay nito ay ang malakas na pagkidlat na bumulabog sa iba pang mga estudyante. I emotionlessly walked back, the black rose still in my hand.
"Alastor! Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa hinahanap nila ma'am." Nag-aalalang bungad sa'kin ni John kahit na alam kong scripted lang ito. He's a good actor, in every sense of the word. He's the typical "happy-go-lucky" type of guy.
Nope, we're not friends.
Mayamaya pa, mabilis siyang ngumiti. "Ano 'yang hawak mo? Namitas ka pa ng bulaklak sa hardin? Hahahaha! Iba rin ah. May liligawan ka ba? 'Tol, matuto ka munang ngumiti. Baka ma-basted ka agad." Ngumisi siya sa akin.
Kung sinasadya niyang mag-asar, he's doing a very good job at it.
"None of your business, asshole."
"HAHAHA! Patingin lang!"
"Sabi nang---!"
Mabilis niyang hinablot ang rosas na hawak ko. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong kulay pula na ito. What the hell? Namamalik-mata lang ba ako kanina?
John frowned. "O baka naman nababakla ka lang? Wala namang espesyal sa rosas na 'to. Parang ikaw." Nagtungo siya sa pinakamalapit na basurahan at itinapon ang pulang rosas.
"Naaawa ako sa'yo, 'tol.. palagi ka kasing malungkot. Kaya ka naging 'emo' ng campus eh. Hahaha!"
Naikuyom ko ang mga kamao ko sa galit. I was about to ignore this bastard when something happened...
A red rose petal clung to his skin.
Mahinang napamura si John. Nang sinubukan niya itong alisin, unti-unting naging kulay itim ito. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, I suddenly visualize his happiness slowly draining as the petal turned black. Natataranta siyang humakbang papalayo at sinamaan ako ng tingin.
"Gago ka! A-Anong ginagawa mo sa'kin?!"
Kapansin-pansin ang panghihina niya. His playful smirk turned into a permanent frown as he fell on his knees.
'Ako ba talaga ang gumagawa nito sa kanya?'
Iba ang kutob ko sa nangyayari. Naalala ko ulit ang hiniling ko kanina. Did someone up there hear me?
It's like I was granted with a curse.
"I like it."
Walang-gana akong napabuntong-hininga at kinuha ang rose petal na nakadikit sa balat niya. Nawala ang ningning sa mga mata ni John at tuluyan na itong napalitan ng lungkot. His fans will probably kill me for this.
"Tama ka. Hindi ako masaya... Palagi akong hindi masaya at hindi ko alam kung kailan ako magiging masaya. So from now on, I'll just steal all the happiness in the world. No one will be happy, everyone will have a taste of my misery."
Iyon ang huling beses kong nakatapak sa paaralan, at ang unang beses kong nakawin ang saya sa puso ng iba.
---

BINABASA MO ANG
✔The Boy Who Stole All the Happiness in the World
Paranormal"If I could just steal all the happiness in the world, my life would be more interesting..."